Thursday, November 9, 2017

Good news. Bad news. Unwanted surprises.

So we talked on Tuesday.

I asked about his date with his mom nung sunday and with Cassie too. He said ok daw. Ang saya nya kase finally Cassie know who he is. She knows now that he is her daddy. Nagulat pa raw sya nung tinuro sya ni Cassie when he asked who her dad is.

He also asked who she loves most, syempre sinagot Mama. Sabi ko nga "asa ka naman kase" hahaha

He also got her a toy, nagulat daw sya kase for a 2 year old, marunong na maglagay sa cart ng toy. I'm so happy for him. As in, pati ako kinilig eh. I'm glad kase finally, kilala na sya ni Cassie as tatay not just someone.

Then here comes the bad news.

He got carried away sa pagkwento, siguro when he heard my voice happy about sa kwento nya, naisali nya ngayon yung isa.

Sabi nya hindi daw gusto ni Clarissa si Avi. Kase daw nag usap sila before, ni-confront daw ni Avi si Clarissa. And siguro this Avegail said something not nice about Cassie. So sabi daw ni Clarissa, she dont like Avi hanging out with Cassie. Oh, ang simula pala eh when Clarissa asked him when na daw darating ang wife nya. He said something about late next year. Pinaulit ko pa eh, nagulat ako. Ayun, thats when Clarissa said na ayaw nya makasama yun bata at asawa nitong isa. Sabi ko baket naman sya ganon, baket ba dinadamay nya yun bata. Well anyway, after the two girls talked, napasabi daw si Avi kay BJ ng napahiya ata sya. Hahaha gaga pala sya eh. Sinong ina di ipagtatanggol ang anak? Asawa lang sya, anak yung isa.

Tapos when I asked to confirm yung dates na magkasama kame para mai-book ko, he said til 14 lang kame. Parang "WHAT????" ang alam ko talaga is hanggang 15th kame magkasama. Pero parang wala lang sa kanya.

So nainis ako, di man lang nahalata nung binaba namin. Pero syempre, di ako papayag di ko ipaalam sa kanya. Sa inis ko rin sabi ko na lang 3 days lang ibu-book ko. At sabi ko din, umaga kame maghiwalay ng 14th. Di naman sinagot mga sinabi ko, tinulugan lang ako.

Yesterday, I messaged him. Sabi ko pagdating nya tsaka na lang kame mag-book ng tutuluyan nya kase di nako sure if sasamahan ko pa sya. I declined his call and he just messaged ng baket. Sabi ko basahin nya mga previous messages ko.

Last night, I declined his call again. Sabi ko baket, pag usapan daw namin san mag-dinner pagsundo ko sa kanya. I just answered him ng bahala sya. Kung san nya gusto, sya naman magde-decide at wala naman akong say eh. He asked him hindi ba ako excited, sabi ko not anymore. Di na sumagot ulet.

And I sent him messages this morning. Sinabi ko im going to pretend he didnt mention about wifey's coming to Canada next year. And sasamahan ko lang sya sa night pagdating nya. Ano mangyari after that, bahala na.

Sinabi ko pa ibang gusto ko sabihin. Hindi sumagot. Salamat sa pang-dedma. Wag na wag lang sya kokontak mamayang gabi at magtatanong pag di ko sya sinagot. Tang ina.


Saturday, October 21, 2017

Confirmed.

We talked today, confirmed na ang flight nya.

We'll be seeing each other on the 11th of November. Ako na susundo sa kanya sa airport. Ako rin maghahatid pagbalik nya.

I'm not happy with the dates  na kasama ko sya, but better than nothing.

And the countdown begins. See you soon Babe!

Friday, October 20, 2017

See you soon?

I received a message from Babe on Wednesday, nag ask if pwede ako mag-leave for one week. Gave me the dates, at sa SG daw. Sabi ko may wedding ako pupuntahan, ang I asked "Sa SG ba talaga dapat?" di na sya sumagot. As i n.

I messaged him yesterday, nagising kase ako ng madaling araw parang kinabahan ako bigla. Baka kako something bad happened. Kase ano naman ang dahilan kung baket bigla sya hindi sasagot diba. Sumagot, ok naman daw sya at busy lang. Well thank God he's ok. Pero inis na ako kase ok ka lang pala, pero di na sumagot????

So nag-text ako kahapon ulet, sabi ko mag message na lang sya pag di na sya busy. Dedma lang. Nakakapikon kapag ganon sya. Hindi ko naiintindihan kung pano nya nagagawa na wala lang. Wag sumagot. Tapos pag nag-text after a while, ni di na mapag uusapan yung naiwang topic. Its so frustrating.

And then, kanina madaling araw:

Him: Good news.
(gave the dates) November
Andyan ako.

Then naalipungatan ako. Sakto, tumawag sya. Pero alam mo na ang wechat, naging missed call na sya. I only answered with "Ah".

Then he called again. He asked if nakuha/nabasa ko ba message nya. I said yes. Antok na antok pa ako, di ako sumasagot ng maayos isa pa, naiinis ako sa kanya. Also, from 9 days na sinabi nya the other night, ngayon 4 days na lang????

Di raw ba ako excited. Di ko napigilan, sabi ko Salamat sa four days ah.
Di sya makasagot agad. Natahimik sya, naramdaman ko yun parang frustration din nya, di na lang ako maging grateful. Ganon. Then finally, sabi nya "Pinagkasya ko lang Baby, 9 days lang ako eh."

Eh di, natanong ko baket 9 days una nya sinabi saken. Naisip daw nya na pag sa SG kame, di kame magkakasama the whole time. True. Pero intindi ko kase nung una sya nag message, para saken yun 9 days. Next year na lang daw sya babawi ng mas mahaba. Then sabi din nya, ayaw ko raw ba yon 4 days ko sya makakasama. Sabi ko ok na yon. Kaya nasabi lang nya na unless gusto ko raw sumunod sa SG, yun nga lang half day lang kame magkakasama while nasa work si Avi. Sabi ko di na, ok na yon. Bibitinin pa nya ako sa oras. Tapos alam kong mamaya sila ang magkasama. AYOKO.

Na-realize ko na lang din later on na, ok na yun 4 days kesa sa wala. Maging masaya na lang ako, buti nga meron pang 4 days. Kaso since naiinis ako, di ko mapakitang natutuwa ako, though nag-smile ako.

Muntik pa kame magtalo. Parang don nga ata sa akala ko 9 days. Basta parang may sinabi sya na:

Him: Anu ba yan?
Me: Kung mag-explain ka na lang kesa mag-aano ba yan ka eh
Him: Nagda-drive kase ako.
Me: Sabi ko sayo mag-drive ka na muna eh.
Him: No, ok lang.

Then nag-explain na. Then, teka lang daw. Then:

Baby, tawagan kita ah.

Never called. Never texted. Nada. Wala.

So now, bad trip pa rin ako. Totoo lang, ayoko na sana ma-bad trip. Mas gusto ko kung ok  kame, kaso kase binabaliwala nya yun nararamdaman kong inis eh.

Sunday, October 15, 2017

We Okay.



Unsurprisingly ok na naman kame. I was tipsy last night and texted him. Warned him that in case i drunk text him, ignore nya. Couple if minutes later, he called. Baket daw ako naglalasing, nandyan naman sya nagmamahal saken. Hahaha cheesy. 

I told him di ako naglalasing, masarap lang talaga margarita at Agave and tipsy lang ako.

We had a funny conversation.

Asked him if its ok magkausap kame while driving pauwi. So we talked til i got home. Mahaba rin usap namin.

We talked again this morning, vid call. Til around lunch time. 

He's making these look na nakakailang. As if he's teasing me or something. Then said he learned it from me. Dahil daw sa mga tingin ko yon. Nyak! Its nakakakilig but i dont think im doing those. 

He's also giving me sweet smiles na parang magpapa picture, you know. 

Niloloko ko pa sya about his forehead, sabi ko pwede mag land ang plane sa noo nya. Hahahaha

But i told him i love his smile. I really do.

What else did we talk about? Hmm oh, he said again that magka height kame ni Avi.

Ohhh eto pa... he asked about John (nireto ni mommy). Baket daw di ko gusto. Sabi ko ayoko sa mga lalaki naka bling bling. Hahaha what if daw he wears a big necklace and rings on his fingers. Sabi ko di ko sya papansinin. And then his question came.... if we're all in a bar. Sino mas pipiliin ko, him or John. I said him of course. 

Nasabi ko rin sa kanya na John asked me if he's my type. Sinabi ko na sinagot ko sya ng nope. 

I forgot kanino na galing, but nasabi din nya na if... IF kame naman ni Avi ang nasa bar, ako ang lalapitan nya. Sabi ko sinasabi lang nya yon syempre kase kausap nya ako. Duh! As if naman sabihin nya saken na si Avi ang pipiliin nya. Totoo daw, kase daw ang sexy ko tumingin. I had a feeling tuloy na maybe kaya nya ako gusto coz sexy ang tigin nya saken. Muntik ko na nga rin masabi na may slight na manang magbihis si Avi. 

And then..... when I asked when he's coming home, same sagot sya "malapit na baby". Tapos.... nasabi nya yun isang idea na nasa isip nya. Na what if sa Singapore na lang kame magkita. 

Not a good idea. Muntik ako maluha sa idea nya. Sabi ko muna "baket sa Singapore? Kase andon sya? Para isang puntahan na lang?" Hindi daw. Kase nga di nya alam kung pano sya magpapaalam na hindi sya hahanapin. 

Sabi ko pano yon, ang liit lang ng Singapore, pwede kame makita. Hindi daw coz may pasok sya. 

Hinaluan ko na lang din ng biro. Na pano yan, madodoble mga papasyalan nya. Sabi pa nya, kunyari maa-amaze or magugulat na lang sya sa mga pupuntahan nila. Sabi ko wag, kase dapat si Avi ang unahin nya ikita before ako. No daw. Letche. Hahaha 

Sarap sana kung totoo mga binibitiwan nya eh, pero alam ko he's only saying those for me. 

But thinking of it, baka ok din yun idea nya. Na sa SG kame magkita. Para di na rin mahirap for him. Pero nakakatakot kase nga, maliit lang ang Singapore. 

So anyways, kanina nga umaga while vid call kame, he asked me again about John. And kung papapiliin ako between him and all my ex'es, sini pipiliin ko. Hindi ko masagot. Gusto ko sabihin sya, pero baket sya? Ayoko sabihin para lang sa ikatutuwa nya. Totoo lang, wala ako gusto piliin sa kanilang lahat. 

Kase look, i want to say si Kalbo. Pero he told me na dati hindi nya iiwan si Tina for me. Though, mahal na mahal ko sya and I know he did love me too.

Lalong hindi si Werner dahil ayoko na magpaloko sa gagong yon. I cant choose Boo either coz I know di naging strong feelings nya for me. And sinibukan naman nya ako mahalin kaso hindi talaga. (But totoo lang din, pwede ko sya piliin coz he is my happy pill). 

At syempre sa mga previous ex, wala na lalo pa ako gusto. 

Sabi ko mahirap sagutin theb sabi nya "hindi ako no?" Sabi ko oo and I cant choose him coz its too early to tell. 

Pina exclude nya sarili nya, i chose Kalbo. "Mahal mo talaga sya no?!", sabi ko oo. Kaso di naman nya ako pipiliin.

Later on, after ilang tawanan and kwentuhan, bumalik sa bolahan. 

He keep telling me im beautiful. Ang ganda daw ng smile ko. Sabi ko nga "alam mo ikaw lang nakakakita saken ng bagong gising", "mabuti naman" sabi nya. Hahaha

Then sabi nya "i love your eyes. I love your nose. I love your cheeks. I love your forehead. Sabihin ko sana eyebrows", sabi ko "kaso wala ako kilay hahaha", he continued "i love your lips. Baby ang ganda ng hair mo"

Sarap pakinggan no?! Kaso alam ko, may halong bola lahat sinasabi nya.


Oh.. nung unang tawag pala nya kagabi, sabi nya kaya daw nya kina-cancel agad yun calls nya kase nga he's driving. And if ganon daw, lalo na pag late dumarating notif ng wechat, I should call him back daw. "Baby, pag ganon na late dumarating notification, tawagan mo ako. Wag ka mahihiya tawagan ako." Eh nahihiya nga ako kase. Hahahaha

Saturday, October 14, 2017

Wednesday, October 11, 2017

Pissed

I was PMS'ng the past week kaya I get irritated easily. There's a reason too, I didn't just got mad you know.

Of course he tried to message and call me. It wasn't enough. Alam mo yun kapos na kapos sya sa oras nya for you? Yung mega abang ka lang. I know he's busy. Pero ang dami pa ring oras to text. Even yun mga tipong "hey Im home na and still alive by the way".

Feeling ko, wala sya sa mood kausapin ako at nauubliga lang sya kaya he still calls and message me. Pag kausap mo sya, wala sa ayos. Wala sa kausap yung attention nya. He's texting, tapos kung ano ano ginagawa. He also went to his cousin's place, mag stay sya for a month coz nag bakasyon ata. And babantay sya sa dogs. 

I blocked him few times on wechat. Pero couple of hours lang. hanggang mahimasmasan ako.

On weekend I blocked him again, I was so pissed. So he called and text me on my phone na. Not sa wechat and finally contacted me on viber. I know matagal na ulet active ang viber nya, di ko lang sinasabi sa kanya kase ayoko ma gawing issue pa. But when I said na "akala ko ba wala ka na viber?", aba kasinungalingan pa sinagot saken "kakalagay ko lang ulet". Sarap sana murahin eh. Sabi ko na lang sinungaling sya. 

I gave in and talked to him. Pero di pa ako 100% ok. On monday evening nag usap kame, inaway ko na eh. Baket daw ang tapang tapang ko. Nakakainis kase di nya sine-seryoso yun galit ko. All he does is mag joke at lalo pa ako asarin. Later on, nawala na galit ko. Pero ngayon ko na lang ulet na-experience yung ganon. Makipag away sa guy. Si Werner pa ata huli ko inaway. Kase never naman kame nag away ni Raymund or ni Jaypee. 

He used Cassie nga na naman eh. He sent me her pictures, told him wag gagamitin yun bata. Kaya nung monday nag change ng pic sa wechat, picture na nya and he's so pogi. I melt. Hahaha 

Since ok na kame on monday, medyo matagal din kame nag usap. Thanksgiving nila kaya wala sya pasok. He went out din kase may gagawin silang fence ni Lawrence. Ang di ko naintindihan is kung kaninong tita, tita ba nya or tita ni Lawrence.

Anyway, di ko na sya nakausap ulet after that. Didnt text me kung nakauwi na sya. Or ano man. 

Yesterday, sad ako. Nag away kame ni daddy and I wanted to talk to him sana. Kahit text man lang. but i didnt hear from him nga. 

Last night, nag morning lang sya. Then nag message lang nung madaling araw saying wala syang data. Tapos this morning nag text na nasa house na sya ng pinsan nya. That's it. 

Nakaka sad lang. Kase I need him eh. Pero baket ganon? Wala lang sa kanya? This is the second time na may sad moment ako and I need him pero wala sya paki. 

Ang may paki lang sya lagi eh pag nakikipaghiwalay nako.

Nahihirapan ako makipag communicate sa kanya, bukod sa madalas sya walang paki at di nya sineseryoso mga sinasabi ko eh, wala pa kaming malinaw na line pag magkausap. So alam mo yon, nakakasira ng pag eemote yun putol putol na linya. Thank you sa internet! Thank you PLDT ah! Hehe

So kanina, i sent him a message para mag goodnight na lang. later on, i opened viber. Yun, 13mins last seen online ang gago. Eh tangna kanina pa ako last nag message eh.

I sent him a message there saying "Online 13mins ago, pero di ako makuha i-message.  👏🏻" then I blocked him again. This time I blocked him on viber, wechat and sa contact list ko. Medyo pissed off ako. Ayoko ng kung kelan lang nya feel tsaka nya ako ime-message. Kabit na nga lang ako eh, wala pa oras. Kala ko pa nga sa number 2 mas marami ang oras. Not on this one. 



Oh ano Cheryl, ano na plano mo? Gusto mo pa ba talaga ituloy yan? Tama na! Tumigil ka na. Putulin mo na. Nakikita mo na nga na di ka importante eh. Mas pinipili mo pa yung kapiranggot na saya kesa sa mas malaking saket? Hanggang ngayon masukista ka pa rin? I-level up mo naman sarili mo! Nawawalan ka na ng respeto sa sarili mo. Bigyan mo ng kahit konting importansya at mahalin mo sarili mo uy. Kahit 30% lang. Putulin mo na yan. Wag ka pumapayag na lagi ka na lang on the side. Kung di ka tinu-two time, ikaw naman ang pangalawa.  Ikaw kase, binuksan mo na nga puso mo, pinalambot mo pa ulet. Ok ka na before diba? Tigas ka na eh. Masaya naman yun mga panahong di ka naiinlove diba? Di mo ba na-enjoy yon? Yung walang nakakasaket ng damdamin mo? Hindi sya worth it. Not until siguraduhin nyang ikaw na nga pipiliin nya. Na ikaw na lang ang babae sa buhay nya. Yung wala ka kahati at lalong hindi ka nakikihati. at pag binigyan ka na nya ng importansya. Isa pa, di ka naman sure kung in love ka sa kanya eh. Walang maidudulot yang putol putol mong kilig. Wake up and give yourself the right to be happy. 

Friday, September 29, 2017

Two accounts

Kagabi before ako matulog, as usual I checked his facebook account. Aba, nagulat ako dalawa ang lumabas na result sa full name nya. Parang, baket?! Hahaha

Syempre, I checked both. And nakita ko na yun second account, kaka-change lang ng profile pic last Saturday. Two pictures lang ang meron eh, or baka naka private kaya wala rin ako talaga makita. Yun first pic, 2012 pa. And I saw that pic already sa account ni Avi.

So when he messaged me, di ko napigilan but to tell him. Sabi nya, iisa lang daw account nya. Meron daw syang isa pa, pero 2011 pa nya last na-open coz he forgot his password. And he used his nickname lang.

Sabi ko, kaka change lang ng profile pic last Saturday. Sabi ba naman, marunong pa raw ako sa kanya. Hahaha ang kulit. Nag-ask na rin sya na i-screenshot ko, so I did. Sabi nya baket "her" daw, oo nga no, her ang nakalagay don sa "****** updated her profile picture". Meron pa syang "see, hindi ako yan"

Later on sabi nya baka si Avi daw yon at hinuhuli sya. Oh well.

This week was nice. Lagi ko sya kausap. And since Monday, today lang na hindi ko sya nakausap. Today lang na hindi kame magkausap hanggang nakatulog sya.

Kase itong week na to, hanggang makatulog sya magka usap kame. Then kahit sabihin ko goodnight and bye, sasabihin lang nya "dyan ka lang". Yesterday sabi nya saken "Boses mo nagpapatulog saken" naks.

I like it naman na ganon. Feeling ko tuloy kasama ko sya para bantayan matulog.

Kanina naman, finally naglagay na sya ng picture sa wechat. Kaso, yun tower lang, not him. Hahaha and he changed his username na rin. So I made loko. Sabi ko pang bading yun username nya. Haha

Me: hehehe kalandi. Bading.
Him: Lol
Mwah
Me: Buti na lang mahal kita. Tanggap kita.
Hihihi
Him: Mwah
Sana magkasama tayo baby.
Me: Sana nga eh.
Him: Gusto na kita makasama :(
Me: Gusto na kita makita. As in.
Tagal pa ba?

Di na sinagot.Hahaha kainis. Sabi ko ume-emo sya eh. Inasar ko pa rin sya ng slight hanggang nakatulog na sya.

Di ata pumasok yon eh. Kase nag-message nasa service center sya. Naka sked nga pala sya para ipaayos si Baby Cakes/Batman.


Thursday, September 21, 2017

Happy 8th

We've met exactly 8 months ago today. Well, sort of. Coz he first sent me a message on the 20th of January (Pinas time). But we first talked on the 21st.

Yesterday I sent him a message saying today is the 8th month na magkakilala kame. Mwah lang sinagot saken and then tumawag sya.

Today, may post ako sa wechat ng 8th. Eh alam ko naman di parati nagtitingin sa moments ko yon. Haha but when he called,

Him: Happy 8th monthsary!
Me: (just laughed. na-speechless ako, nahiya ako eh)

Didnt talk long, punta daw sya sa supermarket. Tumawag sya ulet kaso di naman nag-ring phone ko. Nag-ring pero late na, like after almost 10mins na. Ganon ang wechat eh, parating ganyan. Lalo na nung mga time na galit ako sa kanya. Haha oh well, I tried to call him back kaso mukhang tulog na sya.

Anyway, ok na ako. Nakausap ko naman sya for a couple of mins. Masaya na ako sa greeting nya today. Kinilig nako don. Hihihi





Wednesday, September 20, 2017

Sa papel nga lang ba?

We talked this morning. A kulitan morning. Ang saya.

Topic: mga bading.

Sabi ko sayang mga lalaki, konti na nga lang sila kung di pa married bading na lang natitira.

So sabi ko buti sya hindi naging bading. Natawa sya.

And then, may napasok na pambababae.

Me: May kilala akong ganyan eh. Parang yung isa dyan.
Him: Ha?
Me: Parang yung isa dyan, may sabit.
Him: Papel lang yon.

(I dont know kung ano nararamdaman nya pag sinasabi nya yon. If he still loves his wife, parang ang hirap naman na sasabihin mo ang ganyang linya. But of course kung likas na manloloko, magsisinungaling at magsisinungaling yan. Sasabihin nila ang gusto nila iparating sayo. And if he's really done with her, well partly I'm glad. I just dont want to be the reason of the hiwalayan or why he wants out).

Eh di natanong ko tuloy sya. If nagawa na nya ito before. Yun, may babae. He said nope. Sabi ko di ako naniniwala. Totoo daw, its his first time. (Di ako naninwala, pero kailangan ko maniwala. Still, di pa rin ako naninwala hahaha).

May kilig na, pero meron ding doubt.

Oh, nag vid call din kame. I asked kase why Batman name ng car nya. He said meron daw kase Batman sa dashboard nya pag gabi. So sabi nya papakita nya saken. He called again para mag-vid call. So he showed me yun LCD sa dashboard nya, aba may batman logo nga. And then syempre nagpakita na sya.


Monday, September 18, 2017

Pakilig na naman ang Bebe eh

We talked last night. Well, slight lang.

First, I received a message na nabangga kotse nya. Nabangga si Batman (daw sa gabi, Baby Cakes sa umaga. May ganon pa). At first I thought naaksidente sya. I asked if he's drunk, if he's ok. He's not drunk daw at di sya naaksidente. Batman was parked sa mall, may nakabangga.

Whew. I'm glad he's ok. Sad kase syempre, may damage kotse nya.

He sent me a picture of his car na galing sa witness.

Anyway, I was asleep na when he called. Hindi ko alam pero there are times na nararamdaman ko masaya yun boses nya. There are times na, ayos lang.

Ay ang intro pa pala nya saken, baket daw ako nainom beer. I posted a photo kase sa wechat na nag-beer kame ni Sally. Sabi ko wala lang, tig isang beer in can lang naman kame.

It was just 30 mins, pero felt like hours. Ang sarap.

And this morning, he called ulet. I asked him muna sa message kung kamusta araw nya. OK naman daw at aalis sya. Car meet daw si Baby Cakes. I asked ano yun car meet. Mga import cars daw, whatever. Hahaha ginagawa daw nya every sunday. Aba drama ako,

Me: Buti pa sa ganyan may time ka.
Him: Kasama naman kita eh
Me: Thanks for letting me know may ganyan ka pala every sunday
Chos. Sige na.
Ingat ka.
Him: Nye.

Then he called.

Him: Tampururot ka Baby.

Hehehe natawa lang din ako. So we talked. Feels like hours again, eh wala pa 30mins yon. He sounded happy again. I cant remember most ng usapan. But may line sya hinirit na line ni Babalu and ginaya nya pagkakasabi. Haha tawa kame ng tawa and sinasabayan ko rin sya. Til nabanggit nya mga lumang comedians. Sabi ko patay na lahat sinabi nya.

Then he asked about Redford White if he's foreigner. Sabi ko no, pinoy sya, anak araw lang. Aba ayaw maniwala, so I told him to google it. Eh di tama ako. Hanggang sa bigla nag-react, ang ganda daw ni Maricel Soriano. Mukhang bata daw. Sabi ko baka naman si Meryl yon. No he said, si Maricel daw yon. And he sent me the screenshot.

Sabi ko oo nga. Pero parang edited din. Kakaiba yun itsura ni Maricel eh. He agreed.

Later on, nagpaalam na sya coz he's going to that thing.

After ko mag prepare, sasi ako. Haha and I sent him my pics. And asked: Maricel Soriano o ako?



He responded after almost 2hours.

Him: Holy shit.
Syempre ikaw.
Kakatunaw titig mo baby.
Me: Sipsip
Him: And your smile
Me: Mwah
Him: Alam mo yung magkaka (censored hhahaha) sa titig mo then pag nakita ko smile mo, nakakalambot.
Lol
Mixed emotions.
Me: Hahaha
Pwede ba yon?
Him: Idk but yung nararmdaman ko.
Yung unang pic yung titig mo parang I'm ready to go.
Me: Sige, kikiligin na nga ako
Him: Tapos yung second pic
Ang sweetheart ng dating na awww kakatunaw yung ngiti.

Syempre kilig to the bones ako. Haay ayun, after ng sumunod nyang message na nag-ask if I ate na, nakatulog na sya. Hahahaha

Friday, September 15, 2017

Happy conversation

I had a funny conversation with Babe today.

First nung madaling araw when he called. Ang kulit ng kwentuhan eh. And then nalito sya bigla, he asked if he's 34 na nga ba.

Him: Baby, 34 na ba ako?
Me: Oo. Unless mali sinabi mo saken.
Him: 34 na nga ako? 1983.
Me: I guess. Yan sinabi mo saken nung nagkakilala tayo. Nakilala kita 33 ka pa lang.
Him: Ang tanda ko na, 34 nako (sounded sad)
Me: Don't worry Baby, matanda pa rin ako sayo.
Him: Eh Baby, mukha ka namang bata.

Ano pa nga ba mga conversations namin? Yan pinaka natatandaan ko eh. Pero I enjoyed our conversation.

And this morning he texted me. "Baby bday nung isa", akala ko kase nung 13th ang birthday eh. Sabi ko tuloy "Ok, sige today yun sabi ko bigay muna kita today sa kanya" Nag message naman after 2 hours, funny chikahan ulet. Parang ang saya nya kausap ngayon. Maybe because birthday nung isa? hahhaha

I dont know. Pero wala naman saken yun birthday nung isa. Wala akong selos today. Happy lang ako.

Sunday, September 10, 2017

Ok na naman

So stupid. Di ko natiis. I messaged him. He responded couple of hours after.

He responded with a mwah. Sumagot naman ako with a smiley nung naalipungatan ako. And in the morning he greeted me with a good morning and said "love you so much baby".
I said i love you too and we're ok.

He called me after few exchange of messages. He wanted to see me daw kaya nag vid call na sya.

Haay i missed him so! We didnt talk about the pakikipaghiwalay ko anymore. We just talked, and laughed, ilove you-han. 

We hung up nung maliligo nako and kase he looked very antok na. But he said na try ko pa rin to text or call him. But mukhang nahimbing na ng tulog eh.

Ang engot ko talaga. Ano na plano ko? Ano gagawin ko? Haay

So tuloy tuloy naman sya natawag since kahapon. Kase he called me last night while he's at work. He also called me this morning.

Sana ganon parati. 

Friday, September 8, 2017

NBI talaga

Okay, kinda accidentally I found her number.

May new post sya on IG, I checked yun IG nung kasama nya sa trip nya. Then I checked the friend's FB. Aba, may posting pala sya ng bed space in SG. Roommates sila ni Avegail. Eh, ang kakaiba don, number ni Avegail ang pinost nya. Eh di now, I have her number. Hehehehe

Same thing happened before with Tina eh. Di nagpalit ng password si kalbo sa email nya. Hanggang nakuha ko email address ni Tina, cellphone number. Even their car's plate number and subdivision. Di ko lang alam what type of car they have and number mismo ng house. Hahaha

Wala naman ako ginawa sa mga yon. So kahit gano ako kagaling sa mga pag-NBI ko, wala naman din ako ginagawa sa mga yon. Di ko sila kino-contact. At lalong hindi ako nanggugulo.

Haay ayun. I'm on hiatus on FB and IG. Try ko rin mag hiatus on wechat. But I checked viber, ginagamit na nya ulet viber nya. Mukhang recently lang. Kase parang nung August I checked it, June pa rin ang last nya eh. Kanina, ang last online nya was at 4 in the morning.

Malapit lapit nako mag-message sa kanya ulet. Malapit ko na bawiin yun mga sinabi ko kagabi. Pero pinipigilan ko pa rin. Bukod sa ayoko lumabas na wala akong isang salita, may pride ako. Gusto ko sya ang mauna mag-message kahit sinabi kong ayoko na. Gusto ko maghabol sya kahit papano. Don ko lang mapapatunayan na gusto nya pa rin ako. If I didnt hear from him until the weekend, totohanin ko na talaga paglayo. Well, totoo naman decision ko. Pero I didnt put an end naman na as in period na. I still want him, yun eh kung willing talaga sya.

Anyways, I guess I'll wait lang til weekend and we'll see.

Thursday, September 7, 2017

I love you, goodbye.



I told him today that I want to stop na. 

Told him I'm tired. 

I'm too tired of waiting for him. Too tired sa lack of time, too tired for wanting attention, too tired being ignored, and im too tired with the set up. Na hindi na kame nagkakamustahan. Wala na kaming "communication". That this is not the kind of relationship im looking for. Maybe its time to let go. I love him but im tired. I didnt ask for his 100%, but at least give me the other half. 

All he could say is "wag mo ako iwan", "mahal kita", "magbabago ako", "give me another chance".

Totoo lang, ayoko talaga makipaghiwalay. Pero di nako masaya. Pagod na talaga ako. Oo, we dont really fight, pero wala rin kaming communication. A few messages a day, di naman communication yon eh. Yun kwentuhan namin parang once a month. I dont hear his voice daily, swerte na twice in one week. 

Ayoko naman talaga makipaghiwalay. Pero di ko na nakikita importansya ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung napatunayan na nya yung sinasabi nyang pagmamahal nya sakin eh. 

Sabi pa nya, malapit na kame magkita. Eh after May na di sya natuloy, di na rin ako umasa. 

Ayoko naman talaga makipaghiwalay. Mahal ko sya eh. Pero mahal nga ba to? Or baka yon na lang akala ko? Sa tagal ko nang single, hindi ko na alam kung pano talaga ma-in love. Hindi na rin naman ako nasasaktan kapag hindi ko sya makausap. Naghihintay ako or umaasa ako kung magte text or tatawag sya, nae-excite ako everytime makita ko phone ko na sya ang nag message or tumatawag. Pero hindi ko alam kung pagmamahal nga ba yon. 

Gusto ko paniwalaan pag sinasabi nya mahal nya ako. At nung sinabi nyang masaya sya sa akin when I asked him to give me a good reason para mag stay, di ko ramdam yon eh. 

Enough.. well, more than enough na siguro mga duda ko para umiwas. Pero di ko naman kayang putulin totally. Parang di ko naman kayang burahin sya sa buhay ko. Pero kung ayoko na, dapat yon ang gawin ko diba?!


I hope im making the right decision and i think i am. Kaya ko to! 

Sunday, September 3, 2017

Bati na kame.

Syempre di ko natiis. Well, tiniis kahit papano. I blocked him for days. Five days i think.

Then on Friday, sinubukan ko i-unblock just to see if he'll message me. Hmm aba, nag message nga.

He said hi. I said hi. Tumawag sya, pero ni-decline ko. Sabi ko i dont want to talk to him, eh sagot "pano yan gusto kita kausap" aba sabi ko sinungaling ka.

Di daw sya nagsinungaling. Totoo daw na kausap nya mga tito at tita nya. Pero eto duda ko kasinungalingan.... they asked him daw to install the app. I know naman na meron sya before pa kase nga nakita ko na. Tapos andon daw yun isa, kanta sila.

Ganyan. Sinungaling pero di magaling magdala eh. Nakakainis. Sarap turuan pano dapat magsinungaling.

He didnt tell me daw kase alam nya magagalit ako. I said no. I know they're ok, gusto ko lang sinasabi nya sa akin. He said sorry. Finally nakarinig ako ng sorry.

And later on, he got me with his magic charm again. I hate and love it at the same time.

We talked today. I am happy to hear his voice sa totoo lang.

Maybe I'm over you

Maybe im over you na. But i am not sure if I've moved on na. Pwede ba yon?

Im not sure sa totoo lang. parang ang labo diba?!

Im done hurting when i see posts of you with her. I can now check her ig and fb posts without the feeling na nasasaktan ako. Or kahit konting kirot man lang.

The last time i felt sad thinking about you was, i think 2 years ago. On your birthday.

Maybe im over you.

But im not sure if naka move on na ako. Because i still check on her accounts to see posts na kasama ka. Feeling ko, nakasanayan ko na lang eh. Or baka nga di pa ako naka move on. Pano ba masasabi kung naka move on na?

Hindi ko masagot.

Basta ang alam ko lang, wala nang saket.

Hindi na rin sumasagi sa isip ko na pano kaya kung isang araw kamustahin mo ako? Pano kaya kung isang araw, bumalik ka? Wala, tapos nako don.

Totoo nga, hindi porket soulmate kayo eh dapat magkasama kayo.

Pero naniniwala pa rin ako na ikaw ang One Great Love ko. Totoo ang naramdaman ko sayo. Totoong pagmamahal yon, di ko ide-deny.

Sayang lang, kase kahit gaano ka-totoo naramdaman natin sa isa't isa, hindi pwede maging tayo.

Pero masaya pa rin ako kase kahit hindi man tayo pwede, naramdaman ko pagmamahal mo. Ikaw lang ata ang hindi nagloko sa akin (other than nalaman kong married ka). After that kase, totoo na lahat. Alam ko yon. Naramdaman at nakita ko.

Hanggang sa muli Ray! Salamat!

Tuesday, August 29, 2017

Sinungaling eh

Ok na yun nagdaang two months eh. Ok na ok kame eh.

Kaso, yun nahuli mong nagsisinungaling, nakaka bad trip.

Medyo inis na talaga ako sa kanya ilang araw na. Lalo na while nasa Singapore ako. Pero nawala lahat nung nakausap ko sya. Yung hindi na nya kailangan mag-sorry, pero nawawala inis ko. May magic ang mokong eh.

Anyway, kaka ayos lang namin Sunday morning. Sunday evening nagka-text kame saglit. Then natahimik. Sinabihan ko sya ulet na talagang tinatamad na sya saken. Hindi daw, dumating daw tita at tito nya, kesyo nag almusal sila at kwentuhan daw. Di ko naman tinanggap ang rason. Isang "K" lang sagot ko. Tumatawag sya, pero dina-drop ko. Explain na naman sya, sabi ko lang "kasawa".

Sakto I opened IG. Nyeta, unang unang post nakita ko eh from Avegail. May screenshot ng app with caption "Late night biritan with Bullkathos". Eh tangna pagkakita ko posted 9mins ago.

Tapos ang sabi nya saken nakikipagkwentuhan, but the truth is, nakikipag singalong sya sa asawa nya.

Di ko naman mapipigilan kung ano gusto nila gawing mag asawa. Di ko naman sinabi na bawal na sila mag usap, na ayoko nag uusap sila. Sya ang parati nagsasabi na "sana iwan na ako", "ikaw ang gusto ko" letche.

Eh di sinagot ko pa sya ng
Me: makipagbiritan ka na lang
Him: Biritan?
Me: (nag emoticon ako ng mic and notes)
Him: Kumakanta ba ako?
Me: Bye
He didnt respond na. Til Monday morning, he called and ni-drop ko ulet.

Him: Baby :(
Me: Dont wanna talk

Di na sya sumagot. And last, I blocked him. Pano, mas napatunayan ko pang totoo yun singalong nila when I googled it. Eh di magkantahan na lang sila.

Naiinis ako kase ang sinungaling eh. Sinabi ko na sa kanya, sabihin lang nya saken kung Ok pa sila. Wag lang nya sabihin saken na malabo na sila just to make me stay. Ayoko ng ganon eh.

Wednesday, August 16, 2017

Missing My Big Bear

He's home from their trip na. But di ko pa rin sya nakakausap or naka-text ng maayos.

Ina-update ko sya sa lakad ko last Saturday. Medyo nagalit ata saken, coz I told him I almost made out with a teenager. Truth is, I did. I just want to make him jealous, but didnt tell the whole truth.

Yun message nya, kesyo di na raw nya ako papayagan lumabas sa susunod. Hahahaha

Nung Sunday, halos buong araw akong tulog, but I waited for him to text him me na nakarating na sila ng bahay, pero wala ako natanggap. He messaged me lang that evening na bumabawi sya ng tulog.

Monday, I told him feeling ko ang cold nya. Di nya pinansin.

Anyways, ang gusto ko talaga i-post is yun selfie nya from his trip. Hahaha

Babe isn't the selfie kind of person. Kahit before pag nag-video chat kame, ayaw nya ng picture. But on June, he sent me a picture. Super close up nga eh, nahihiya kase lunch break lang nya, nasa work sya non.

So while he's on his trip to Nova Scotia, I asked for a selfie. Nahirapan ako mag request. But he sent me anyways. I'm so kilig, kase I know ayaw nya talaga mag-selfie. Madilim yun pic kase patulog na sya. But super na-appreciate ko yon. And kinilig ako of course.


Oh, we had a video chat pala din night before he left. Nag-enjoy ako masyado sa usap namin kase parang ang saya saya ng mood nya. So I took a screenshot.


Tuesday, August 8, 2017

Babe's Roadtrip to Nova Scotia

He's been on the road since last Monday. Kasama mom nya and mga ka-adorasyon ng mom nya. They left Monday evening in Winnipeg and di na nya nasabi kelan sila nakarating ng Nova. Kase last ko sya naka-text was Friday dito that they're near Nova na. Next nagtext kame was Sunday na.

On Wednesday, nag-message sya na malapit na sila in Montreal. Ang nakakakilig pa, nag-tweet ako ng "i miss you bigbear" at 6:20pm, bigla sya nag-message saken ng 6:25pm, telling me nga that they're near Montreal. Sinabi ko sa kanya na kaka-tweet ko lang, he said "narinig ko kasi, kaya naghanap ako mahihintuan" hihihihi

Then that evening he sent me photos. They're at Parliament Hill.

Photo by Babe
 I asked for a selfie, ayaw talaga. Di pa raw sya naliligo. Hahaha he said na lang na later daw pag nakaligo na sya.

Thursday ng madaling araw, around 1:30 nasa Montreal na sila. Kaso tulog nako and I saw the message ng 3am. Again, I asked for his pic, aba dami rason, di pa raw sya nag-ahit. Pag gising ko raw in the morning promise may picture na sya.

I woke up, checked my phone, no picture. I messaged him.
Me: Baby guess what?
Nagising ako, walang picture. Hahaha mwah
Him: Aga mo naman kase nagising.

He sent me a pic anyways. Hahaha he's so cute!

Friday magka text kame. Near Moncton na raw sila. Anyways, naging topic lang namin yun wag daw ako papatukso sa iba, kala daw ba nya wala iwanan. Sabi ko baket nga ba bawal ako sa iba, he said again "Gusto ko akin ka lang". Sabi ko pano ako magiging kanya eh online lang naman kame. hahaha And sabi ko di ko naman sya boyfriend.

Him: Bf mo ako noh
Me: hahaha
Ha?
Kelan pa?
Di ata ako aware.
Him: Tagal na
Me: Wag ka nga

Anyway that afternoon nung nag-text sya ulet, malapit na raw sila ng Nova, di nako sumagot. Tampo ako kase di nya pinansin yun sinabi ko na "Gusto ko yun sinabi mo kanina"; Him: ano un?"; Me: sabi mo bf kita?" ayan wala na sya sagot.

So I didnt message him since friday afternoon hanggang nag-text sya nung Sunday ng madaling araw.

Him: Kaw ha
Di mo na ako pansin
Mwah

Saw his message at past 7in the morning. Sabi ko lang "ikaw eh"

Anong ako daw. And nawalan daw sila signal at Atlantic Coast.

Sunday evening di naman ako makatiis, nag good morning ako sa kanya. Sumagot naman. Sabi ko tampo ako pero miss ko sya kaya nag message ako.

Wag na raw ako magtampo at malapit na raw sya umuwi, sabi ko di naman ako nagtatampo dahil wala sya sa bahay eh. Pero di ko na rin sinabi kung baket ako nagtatampo. He keeps saying "love you so much" kinikilig ako don sa so much eh. Di ko pa sya masabihan ng ganon.

Sabi ko lalabas ako, (may imi-meet sana ako na guy, pero ayoko rin naman talaga. Di naman ako sure ano talaga meron samin eh.). Baket daw ako aalis, Monday daw bukas, ganyan. Hahaha

Him: Bat ka ganyan
Me: Bat ano
Him: Di ka nagpapaalam
Me: Ikaw rin ah
Him: sabi ko naman aalis ako ah
Me: ngayon oo.
Mga previous wala
Him: Balik ako sa 12
Me: Anong 12? san ka babalik?
Him: August 12
Asa Winnipeg na ako
Me: ah ok
May papakita ako sayo
(I sent him a pic of me sa fitting room that afternoon. I want to buy a dress kaso mahal kaya I took a pic na lang.)
Him: Holy shit
Wow ah
Me: (told him di ko nabili kaya nag pic lang ako)
Him: sexy nyan baby

Then I told him lang mahal, he asked how much. Then he said "sa friday baby" sabi ko ano meron, basta daw.

Monday morning he messaged me:
Him: mwahh
Love you so much baby
Me: awww

Last night, nag text ako sa kanya kase lumindol. He asked if ok lang ako, sabi ko oo, takot lang.

So this morning, nag text na kakauwi lang (di ko na tinanong baket di pa sila naalis ng Nova), I asked lang san sya galing.

 

Him: Sa lighthouse
Mwah
Me: (medyo walanghiya rin ako eh) Ayyy ganda sana nung  first pic babe, putol lang yun lighthouse. But good job!
Him: Bukas kunan ko ulit
Lol
(ewan ko naman kung totoo or niloloko ako)
Me: San na ba kayo?
Him: New Waterford Cape Breton
(eto yun the best eh) Dito tayo baby mag retire
Me: Maganda ba?
Gusto ko beach house eh
Him: Uu sobra :)
Yan nga
Me: talaga?
Him: Sobrang lapit
Me: May beach dyan?
Him: tapos may lobster pa
Me: Huwaw
Sasama mo ako dyan?
Him: Uu mwah
Mag road trip tayo
Dadalhin kita sa exact ng lighthouse (his exact words ah haha)
Mwah
Me: I would love that very much babe
Mwah

Then I told him lang napanaginipan ko sya, and kinuwento ko slight. His last message was:
Mwah :) love you

I love yun one week namin. And I cant wait to see him and hug him.

Wednesday, July 26, 2017

Punta daw ako don.

Him: Magbakasyon ka dito Baby. Punta ka dito sa birthday ko.
Me: Hahaha sige kukuha ako visa. Ipagluluto mo ba ako?
Him: Oo. Ano ba gusto mo? Masarp ako mag-bbq.
Me: Naks naman.Eh di patayo ka ng ihawan.
San ako mag-stay? Mag-rent ako room dyan?
Him: No, sa room ko.
Me: Baka mawarla nanay mo pag nakita ako.Hahaha

If I go there daw, di na nya ako paaalisin. Sabi ko nga, baka pagpunta ko andon si Avegail at sabunutan na lang ako eh.

Anyway, two days ako di nagparamda sa kanya. Sinadya ko talaga ulet. And kanina while eating breakfast, nag-videocall sya,  but I didnt answer. Sumunod, tumawag na sya sa phone ko. Di ko ulet sinagot. Hahaha tumawag ulet sa wechat, ni-drop ko.

Then naawa nako, tinextko na. Sabi ko sorry, busy ako. He called again. Sabi ko sinadya ko talaga di sya kausapin. I explained why. Aba sabi ba naman nagsabi daw sya mag-fishing sila. Wala kaya. Sabi nya mag bar sila, yun lang. Hay anyway, di ko naman inaway. Pinaparating ko lang point ko.

Pero nakaka-miss sya awayin.  Kase natataranta sya at di mapakali. Hehehe

Wednesday, July 19, 2017

HAPPINESS STARTS WITH U.

Today's convo with big bear:
He called me up and unang hirit ay:
Baby, ano spelling ng happiness?
Natawa ako kase akala ko joke lang. But I answered seriously with: H-A-P-P-I-N-E-S-S.
Him: ah kase tina-type ko sya. Sabi kase it starts with U.
Yun totoo, slight napa-pause ako, mga 1 second. :D then both laughed. Putcha, eh di kinilig ako. 
 
Oh well, we had good conversation today. Ang sarap sarap pakinggan na masaya boses nya and tumatawa sya. Syempre mas masarap pakinggan yung "Love you"