I told him today that I want to stop na.
Told him I'm tired.
I'm too tired of waiting for him. Too tired sa lack of time, too tired for wanting attention, too tired being ignored, and im too tired with the set up. Na hindi na kame nagkakamustahan. Wala na kaming "communication". That this is not the kind of relationship im looking for. Maybe its time to let go. I love him but im tired. I didnt ask for his 100%, but at least give me the other half.
All he could say is "wag mo ako iwan", "mahal kita", "magbabago ako", "give me another chance".
Totoo lang, ayoko talaga makipaghiwalay. Pero di nako masaya. Pagod na talaga ako. Oo, we dont really fight, pero wala rin kaming communication. A few messages a day, di naman communication yon eh. Yun kwentuhan namin parang once a month. I dont hear his voice daily, swerte na twice in one week.
Ayoko naman talaga makipaghiwalay. Pero di ko na nakikita importansya ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung napatunayan na nya yung sinasabi nyang pagmamahal nya sakin eh.
Sabi pa nya, malapit na kame magkita. Eh after May na di sya natuloy, di na rin ako umasa.
Ayoko naman talaga makipaghiwalay. Mahal ko sya eh. Pero mahal nga ba to? Or baka yon na lang akala ko? Sa tagal ko nang single, hindi ko na alam kung pano talaga ma-in love. Hindi na rin naman ako nasasaktan kapag hindi ko sya makausap. Naghihintay ako or umaasa ako kung magte text or tatawag sya, nae-excite ako everytime makita ko phone ko na sya ang nag message or tumatawag. Pero hindi ko alam kung pagmamahal nga ba yon.
Gusto ko paniwalaan pag sinasabi nya mahal nya ako. At nung sinabi nyang masaya sya sa akin when I asked him to give me a good reason para mag stay, di ko ramdam yon eh.
Enough.. well, more than enough na siguro mga duda ko para umiwas. Pero di ko naman kayang putulin totally. Parang di ko naman kayang burahin sya sa buhay ko. Pero kung ayoko na, dapat yon ang gawin ko diba?!
I hope im making the right decision and i think i am. Kaya ko to!
No comments:
Post a Comment