I received a message from Babe on Wednesday, nag ask if pwede ako mag-leave for one week. Gave me the dates, at sa SG daw. Sabi ko may wedding ako pupuntahan, ang I asked "Sa SG ba talaga dapat?" di na sya sumagot. As i n.
I messaged him yesterday, nagising kase ako ng madaling araw parang kinabahan ako bigla. Baka kako something bad happened. Kase ano naman ang dahilan kung baket bigla sya hindi sasagot diba. Sumagot, ok naman daw sya at busy lang. Well thank God he's ok. Pero inis na ako kase ok ka lang pala, pero di na sumagot????
So nag-text ako kahapon ulet, sabi ko mag message na lang sya pag di na sya busy. Dedma lang. Nakakapikon kapag ganon sya. Hindi ko naiintindihan kung pano nya nagagawa na wala lang. Wag sumagot. Tapos pag nag-text after a while, ni di na mapag uusapan yung naiwang topic. Its so frustrating.
And then, kanina madaling araw:
Him: Good news.
(gave the dates) November
Andyan ako.
Then naalipungatan ako. Sakto, tumawag sya. Pero alam mo na ang wechat, naging missed call na sya. I only answered with "Ah".
Then he called again. He asked if nakuha/nabasa ko ba message nya. I said yes. Antok na antok pa ako, di ako sumasagot ng maayos isa pa, naiinis ako sa kanya. Also, from 9 days na sinabi nya the other night, ngayon 4 days na lang????
Di raw ba ako excited. Di ko napigilan, sabi ko Salamat sa four days ah.
Di sya makasagot agad. Natahimik sya, naramdaman ko yun parang frustration din nya, di na lang ako maging grateful. Ganon. Then finally, sabi nya "Pinagkasya ko lang Baby, 9 days lang ako eh."
Eh di, natanong ko baket 9 days una nya sinabi saken. Naisip daw nya na pag sa SG kame, di kame magkakasama the whole time. True. Pero intindi ko kase nung una sya nag message, para saken yun 9 days. Next year na lang daw sya babawi ng mas mahaba. Then sabi din nya, ayaw ko raw ba yon 4 days ko sya makakasama. Sabi ko ok na yon. Kaya nasabi lang nya na unless gusto ko raw sumunod sa SG, yun nga lang half day lang kame magkakasama while nasa work si Avi. Sabi ko di na, ok na yon. Bibitinin pa nya ako sa oras. Tapos alam kong mamaya sila ang magkasama. AYOKO.
Na-realize ko na lang din later on na, ok na yun 4 days kesa sa wala. Maging masaya na lang ako, buti nga meron pang 4 days. Kaso since naiinis ako, di ko mapakitang natutuwa ako, though nag-smile ako.
Muntik pa kame magtalo. Parang don nga ata sa akala ko 9 days. Basta parang may sinabi sya na:
Him: Anu ba yan?
Me: Kung mag-explain ka na lang kesa mag-aano ba yan ka eh
Him: Nagda-drive kase ako.
Me: Sabi ko sayo mag-drive ka na muna eh.
Him: No, ok lang.
Then nag-explain na. Then, teka lang daw. Then:
Baby, tawagan kita ah.
Never called. Never texted. Nada. Wala.
So now, bad trip pa rin ako. Totoo lang, ayoko na sana ma-bad trip. Mas gusto ko kung ok kame, kaso kase binabaliwala nya yun nararamdaman kong inis eh.
No comments:
Post a Comment