Tuesday, August 29, 2017

Sinungaling eh

Ok na yun nagdaang two months eh. Ok na ok kame eh.

Kaso, yun nahuli mong nagsisinungaling, nakaka bad trip.

Medyo inis na talaga ako sa kanya ilang araw na. Lalo na while nasa Singapore ako. Pero nawala lahat nung nakausap ko sya. Yung hindi na nya kailangan mag-sorry, pero nawawala inis ko. May magic ang mokong eh.

Anyway, kaka ayos lang namin Sunday morning. Sunday evening nagka-text kame saglit. Then natahimik. Sinabihan ko sya ulet na talagang tinatamad na sya saken. Hindi daw, dumating daw tita at tito nya, kesyo nag almusal sila at kwentuhan daw. Di ko naman tinanggap ang rason. Isang "K" lang sagot ko. Tumatawag sya, pero dina-drop ko. Explain na naman sya, sabi ko lang "kasawa".

Sakto I opened IG. Nyeta, unang unang post nakita ko eh from Avegail. May screenshot ng app with caption "Late night biritan with Bullkathos". Eh tangna pagkakita ko posted 9mins ago.

Tapos ang sabi nya saken nakikipagkwentuhan, but the truth is, nakikipag singalong sya sa asawa nya.

Di ko naman mapipigilan kung ano gusto nila gawing mag asawa. Di ko naman sinabi na bawal na sila mag usap, na ayoko nag uusap sila. Sya ang parati nagsasabi na "sana iwan na ako", "ikaw ang gusto ko" letche.

Eh di sinagot ko pa sya ng
Me: makipagbiritan ka na lang
Him: Biritan?
Me: (nag emoticon ako ng mic and notes)
Him: Kumakanta ba ako?
Me: Bye
He didnt respond na. Til Monday morning, he called and ni-drop ko ulet.

Him: Baby :(
Me: Dont wanna talk

Di na sya sumagot. And last, I blocked him. Pano, mas napatunayan ko pang totoo yun singalong nila when I googled it. Eh di magkantahan na lang sila.

Naiinis ako kase ang sinungaling eh. Sinabi ko na sa kanya, sabihin lang nya saken kung Ok pa sila. Wag lang nya sabihin saken na malabo na sila just to make me stay. Ayoko ng ganon eh.

No comments: