I was PMS'ng the past week kaya I get irritated easily. There's a reason too, I didn't just got mad you know.
Of course he tried to message and call me. It wasn't enough. Alam mo yun kapos na kapos sya sa oras nya for you? Yung mega abang ka lang. I know he's busy. Pero ang dami pa ring oras to text. Even yun mga tipong "hey Im home na and still alive by the way".
Feeling ko, wala sya sa mood kausapin ako at nauubliga lang sya kaya he still calls and message me. Pag kausap mo sya, wala sa ayos. Wala sa kausap yung attention nya. He's texting, tapos kung ano ano ginagawa. He also went to his cousin's place, mag stay sya for a month coz nag bakasyon ata. And babantay sya sa dogs.
I blocked him few times on wechat. Pero couple of hours lang. hanggang mahimasmasan ako.
On weekend I blocked him again, I was so pissed. So he called and text me on my phone na. Not sa wechat and finally contacted me on viber. I know matagal na ulet active ang viber nya, di ko lang sinasabi sa kanya kase ayoko ma gawing issue pa. But when I said na "akala ko ba wala ka na viber?", aba kasinungalingan pa sinagot saken "kakalagay ko lang ulet". Sarap sana murahin eh. Sabi ko na lang sinungaling sya.
I gave in and talked to him. Pero di pa ako 100% ok. On monday evening nag usap kame, inaway ko na eh. Baket daw ang tapang tapang ko. Nakakainis kase di nya sine-seryoso yun galit ko. All he does is mag joke at lalo pa ako asarin. Later on, nawala na galit ko. Pero ngayon ko na lang ulet na-experience yung ganon. Makipag away sa guy. Si Werner pa ata huli ko inaway. Kase never naman kame nag away ni Raymund or ni Jaypee.
He used Cassie nga na naman eh. He sent me her pictures, told him wag gagamitin yun bata. Kaya nung monday nag change ng pic sa wechat, picture na nya and he's so pogi. I melt. Hahaha
Since ok na kame on monday, medyo matagal din kame nag usap. Thanksgiving nila kaya wala sya pasok. He went out din kase may gagawin silang fence ni Lawrence. Ang di ko naintindihan is kung kaninong tita, tita ba nya or tita ni Lawrence.
Anyway, di ko na sya nakausap ulet after that. Didnt text me kung nakauwi na sya. Or ano man.
Yesterday, sad ako. Nag away kame ni daddy and I wanted to talk to him sana. Kahit text man lang. but i didnt hear from him nga.
Last night, nag morning lang sya. Then nag message lang nung madaling araw saying wala syang data. Tapos this morning nag text na nasa house na sya ng pinsan nya. That's it.
Nakaka sad lang. Kase I need him eh. Pero baket ganon? Wala lang sa kanya? This is the second time na may sad moment ako and I need him pero wala sya paki.
Ang may paki lang sya lagi eh pag nakikipaghiwalay nako.
Nahihirapan ako makipag communicate sa kanya, bukod sa madalas sya walang paki at di nya sineseryoso mga sinasabi ko eh, wala pa kaming malinaw na line pag magkausap. So alam mo yon, nakakasira ng pag eemote yun putol putol na linya. Thank you sa internet! Thank you PLDT ah! Hehe
So kanina, i sent him a message para mag goodnight na lang. later on, i opened viber. Yun, 13mins last seen online ang gago. Eh tangna kanina pa ako last nag message eh.
I sent him a message there saying "Online 13mins ago, pero di ako makuha i-message. 👏🏻" then I blocked him again. This time I blocked him on viber, wechat and sa contact list ko. Medyo pissed off ako. Ayoko ng kung kelan lang nya feel tsaka nya ako ime-message. Kabit na nga lang ako eh, wala pa oras. Kala ko pa nga sa number 2 mas marami ang oras. Not on this one.
Oh ano Cheryl, ano na plano mo? Gusto mo pa ba talaga ituloy yan? Tama na! Tumigil ka na. Putulin mo na. Nakikita mo na nga na di ka importante eh. Mas pinipili mo pa yung kapiranggot na saya kesa sa mas malaking saket? Hanggang ngayon masukista ka pa rin? I-level up mo naman sarili mo! Nawawalan ka na ng respeto sa sarili mo. Bigyan mo ng kahit konting importansya at mahalin mo sarili mo uy. Kahit 30% lang. Putulin mo na yan. Wag ka pumapayag na lagi ka na lang on the side. Kung di ka tinu-two time, ikaw naman ang pangalawa. Ikaw kase, binuksan mo na nga puso mo, pinalambot mo pa ulet. Ok ka na before diba? Tigas ka na eh. Masaya naman yun mga panahong di ka naiinlove diba? Di mo ba na-enjoy yon? Yung walang nakakasaket ng damdamin mo? Hindi sya worth it. Not until siguraduhin nyang ikaw na nga pipiliin nya. Na ikaw na lang ang babae sa buhay nya. Yung wala ka kahati at lalong hindi ka nakikihati. at pag binigyan ka na nya ng importansya. Isa pa, di ka naman sure kung in love ka sa kanya eh. Walang maidudulot yang putol putol mong kilig. Wake up and give yourself the right to be happy.
No comments:
Post a Comment