Maybe im over you na. But i am not sure if I've moved on na. Pwede ba yon?
Im not sure sa totoo lang. parang ang labo diba?!
Im done hurting when i see posts of you with her. I can now check her ig and fb posts without the feeling na nasasaktan ako. Or kahit konting kirot man lang.
The last time i felt sad thinking about you was, i think 2 years ago. On your birthday.
Maybe im over you.
But im not sure if naka move on na ako. Because i still check on her accounts to see posts na kasama ka. Feeling ko, nakasanayan ko na lang eh. Or baka nga di pa ako naka move on. Pano ba masasabi kung naka move on na?
Hindi ko masagot.
Basta ang alam ko lang, wala nang saket.
Hindi na rin sumasagi sa isip ko na pano kaya kung isang araw kamustahin mo ako? Pano kaya kung isang araw, bumalik ka? Wala, tapos nako don.
Totoo nga, hindi porket soulmate kayo eh dapat magkasama kayo.
Pero naniniwala pa rin ako na ikaw ang One Great Love ko. Totoo ang naramdaman ko sayo. Totoong pagmamahal yon, di ko ide-deny.
Sayang lang, kase kahit gaano ka-totoo naramdaman natin sa isa't isa, hindi pwede maging tayo.
Pero masaya pa rin ako kase kahit hindi man tayo pwede, naramdaman ko pagmamahal mo. Ikaw lang ata ang hindi nagloko sa akin (other than nalaman kong married ka). After that kase, totoo na lahat. Alam ko yon. Naramdaman at nakita ko.
Hanggang sa muli Ray! Salamat!
No comments:
Post a Comment