Kagabi before ako matulog, as usual I checked his facebook account. Aba, nagulat ako dalawa ang lumabas na result sa full name nya. Parang, baket?! Hahaha
Syempre, I checked both. And nakita ko na yun second account, kaka-change lang ng profile pic last Saturday. Two pictures lang ang meron eh, or baka naka private kaya wala rin ako talaga makita. Yun first pic, 2012 pa. And I saw that pic already sa account ni Avi.
So when he messaged me, di ko napigilan but to tell him. Sabi nya, iisa lang daw account nya. Meron daw syang isa pa, pero 2011 pa nya last na-open coz he forgot his password. And he used his nickname lang.
Sabi ko, kaka change lang ng profile pic last Saturday. Sabi ba naman, marunong pa raw ako sa kanya. Hahaha ang kulit. Nag-ask na rin sya na i-screenshot ko, so I did. Sabi nya baket "her" daw, oo nga no, her ang nakalagay don sa "****** updated her profile picture". Meron pa syang "see, hindi ako yan"
Later on sabi nya baka si Avi daw yon at hinuhuli sya. Oh well.
This week was nice. Lagi ko sya kausap. And since Monday, today lang na hindi ko sya nakausap. Today lang na hindi kame magkausap hanggang nakatulog sya.
Kase itong week na to, hanggang makatulog sya magka usap kame. Then kahit sabihin ko goodnight and bye, sasabihin lang nya "dyan ka lang". Yesterday sabi nya saken "Boses mo nagpapatulog saken" naks.
I like it naman na ganon. Feeling ko tuloy kasama ko sya para bantayan matulog.
Kanina naman, finally naglagay na sya ng picture sa wechat. Kaso, yun tower lang, not him. Hahaha and he changed his username na rin. So I made loko. Sabi ko pang bading yun username nya. Haha
Me: hehehe kalandi. Bading.
Him: Lol
Mwah
Me: Buti na lang mahal kita. Tanggap kita.
Hihihi
Him: Mwah
Sana magkasama tayo baby.
Me: Sana nga eh.
Him: Gusto na kita makasama :(
Me: Gusto na kita makita. As in.
Tagal pa ba?
Di na sinagot.Hahaha kainis. Sabi ko ume-emo sya eh. Inasar ko pa rin sya ng slight hanggang nakatulog na sya.
Di ata pumasok yon eh. Kase nag-message nasa service center sya. Naka sked nga pala sya para ipaayos si Baby Cakes/Batman.
No comments:
Post a Comment