His name is Bong. Kapangalan pa talaga ni Ser Chief.
So I went out with him last May 8 nga. Nag-meet kame in Fort Strip. Tapos nag-Village Tavern kame, had sangria, sya beer. Ordered pizza and nachos.
At first, medyo inis ako sa kanya. Naisip ko pang umuwi ng maaga. Kase ambilis maglakad. Hahaha iniiwan ako eh, parang di sya kumportable kasama ako or kasabay maglakad. He said, ang ikli daw ng biyas ko kaya ang ikli ng steps ko. Gago hahaha
I met him sa OKC on May 5. Chat kame and he asked for my number. So tinuloy namin ang usap sa Viber.
Ok naman usapan namin. Magkausap din kame halos buong weekend. Kulit pa kase may mga times na, pag may pinag uusapan kame, may mga nasasagot nako before pa nya itanong. Yun as in sabay yun text namin na nagtanong sya, and nasabi ko na sagot sa tanong nya. Oh well, di ko masabing soul mate dahil lang don.
Dumating ako sa Strip ng 8 something. Usapan namin was 8-8ish. Sya andon na ng 6 hahaha he is from Novaliches, aga lang siguro nag out sa ofc at pumunta ng Taguig. Iwas traffic din siguro at excited daw sya mag-meet kame.
We talked about Constancio, Don (the last guy I dated), mga ex namin, pano nag-end. Ganyan! Hahaha
He's not that tall, siguro 5'8", mukhang ok naman built nya. He plays basketball, accountant, took masteral, had 6 girlfriends, drives CRV.
Village Tavern closes at 11. So we left. Went to Agave naman. Nag 1 bottle pa sya and ako glass of mango margarita. Di na kame sobra nagtagal, parang antok na antok na sya. Aga din sya nagising and galing pa syang Novaliches. Nag bill out na rin kame.
Hinatid ako sa kotse, at magkahilera lang naman kame ng pinagpark-an. May arte eh, pasilip daw sa loob and kwentuhan daw muna kame.
Oh, while walking pala going to the parking lot, umakbay sya, pero saglit lang. But twice siguro yon. Then hinawakan kamay ko, saglit lang din. Hahaha di sya mapakali.
So nung nasa car na kame, fumi-flirt na sya. Hinahawakan kamay ko. And he said, di nako makikipag usap sa iba. He wants us maging exclusive. Masyado mabilis sabi ko, 4 days pa lang kame magkakilala. Mapilit, basta gusto nya maging kame. At don naman din daw kame pupunta. Pumayag ako, matigil lang or feeling ko kase usapang lasing lang to.
We kissed. And sabi ko nauuhaw na rin ako, so uwi na kame. Hahaha magkita na lang daw kame pagbalik ko from Hong Kong. Ni-guide pa nya ako hanggang sa may flyover.
Okay naman kame for few days.
Wednesday night, I went out to meet Jak. Magkausap naman kame hanggang nakauwi sya ng bahay at nasa daan ako. But later on, di na sya sumasagot. I tried calling him kase naligaw ako, he didnt answer. Hanggang nakauwi nako.
Thursday, nilagnat ako at di pa rin sya nagpaparamdam. Friday morning, I texted him. Sabi ko pag di pa sya nagparamdam until bago ako umalis for HK, tablahan na kame. Nag sorry, tapos kesyo may lalaki na raw akong iba. I changed my pic kase sa Viber, yun pic namin ni Boo. Sabi ko sinadya ko para sa kanya yon coz di sya nagpaparamdam. Basta nainis nako ng tuluyan, sabi ko wag nya ako tawaging Hon. Btw, tinotoo pala yun sinabi nyang "exclusive kame" or yun nga, gf na daw nya ako. He asked if he can call me baby, sabi ko hindi kase yon twag saken ni Constancio. Sabi nya, hon, ok lang sabi ko.
Eh di na nagparamdam ulet after ko sabihin wag nya ako tawaging hon, at sabi ko nagkasaket nako di pa nya ako kinamusta. The whole time nasa HK ako, di sya nagparamdam. On sunday, may notif ako from Viber na he's on Viber daw. Before kase ang number gamit nya don is yun old number nya in Dubai. Now, nag-register yun globe nya. I messaged him kahit ayoko. Naalala ko nag-request sya ng mug saken from SB. So nag-message ako to ask kung gusto pa ba nya magpabili, di sumagot then nag log off.
Monday, back in Manila and back to work. Di ko matiis, I texted him. Sabi ko"Nakakainis, alam mo yon. Gusto na sana kita eh." Didnt get a reply. So before I went to sleep that night, I deleted his number. Deleted even yun mga calls namin para wala nako copy ng number nya. Ganyan nako ngayon eh, para di nako matukso kontakin mga taong ayaw naman saken, burahin sila.
Aba tuesday noon, nag text ba naman ng "Gusto lang?" eh di na "sino to" ko sya. Nag messaged lang daw ako kahapon tapos sino na daw sya agad. hahaha eh di alam kong sya na yon.
Sinabi ko na dinelete ko na sya sa contacts ko coz di naman sya nagpaparamdam. He said sorry and may prob daw with work. Ganon daw sya, gusto nya nananahimik lang. He said kung ayaw ko na raw ba, eh sya parang may ayaw sabi ko. Nag end up din kame na ok na kame. Tuloy "kame". Sabi nya di na raw mauulit yun ginawa nyang pananahimik.
Okay naman na kame, he said may feelings daw sya saken. Nag-i-i love you eh, di ko alam isasagot ko. Puro smiley lang. Nilinaw ko lang sa kanya na wala pa akong feelings for him, I just like him. It will take time para umabot ako don. At kako may trust issues ako, kailangan nya intindihin yon.
Magkita kame on Friday. And kahit papano, excited naman ako to see him.
And because of him, di ko na ni-replyan text ni Constancio yesterday. Di ganon ka-simple ang di ko sagutin ang text non. Kase di ako mapakali pag di ako nag-respond sa kanya. But now, wala ako paki. Di ko iniisip na sagutin ko na kaya yun text nya. ni-hide ko na ulet yun thread namin on Viber. Willing ako to try this with Bong. If he's serious, wala naman kaso saken maging serious and ma-fall for him.
No comments:
Post a Comment