Monday, May 8, 2017

"Akin ka lang Cheryl"

...That's what he said to me. I told him last Saturday na lalabas ako, may ka-date ako. Di totoo, coz tonight pa talaga ang totoong date ko.

Bigla kase sya nag-text nung hapon, eh naglilinis ako. Sakto mag-start nako sa bathroom and gusto ko sana tuloy tuloy na coz mababasa nako. Natuwa ako nag-text sya sa totoo lang. But gusto ko rin tapusin ginagawa ko. So at first sumasagot ako, hanggang sa mas feel ko nang maglinis. I told him matulog na sya coz I'm getting ready. Sabi ko I'm going out. San daw ako pupunta, sabi ko in Makati. Patawa daw ako coz nasa Makati na ako, baket ako pupunta Makati. Ang intindi nya before nasa Makati ako, natandaan pa nya na pinag-usapan namin yun malaking arko sa South Super Highway na may Eagle. Sabi ko kase before boundary ako ng Makati and Manila and yon ang palatandaan. Nakatuwa kase natandaan nya yon. May mga natatandaan sya sa mga pinag usapan namin before na nagugulat akong di nya pa nakalimutan. Halos ako pa nakalimot don.

Anyways, di yan ang topic. hahaha

Pinipilit ko syang matulog na sabi ko nagre-ready na kase ako, sabi ba naman "Patingin nga" hahaha di naniniwala. So sabi ko lang nagpe-prepare pa lang ako. He said mag ingat daw ako sa pag-drive, sabi ko di ako magdadala ng car coz susunduin ako. Sino daw susundo, sabi ko "Nobody" arte ko no?! Sino nga he asked, sabi ko date at di nya kilala. Kung same guy daw ba, sabi ko bago. Then I asked "Ok lang naman diba?"; sabi nya "No nde" and I asked "And why"; sumagot ng "Akin ka lang"

Me: Ha? Exclusive ba tayo? Wala naman tayo. Nagbago ka na. Di tayo consistent na mag-usap.
Him: Akin ka lang cheryl
Me: There's nothing going on between us.
        Kelan pa?
Him: Yoko kase madamay ka sa gulo.
Me: Walang gulo.
Him: :(
Me: Alam mo, buti pa ang mga mistress kase sila at least binibigyan ng oras ng lalaki.
       Eh tayo, wala.
       Sana nga kabit na lang ako eh.
       Malapit na sana ako pumayag.
Him: Pasensya na.
Me: Ok lang. Wala na saken yon.
Him: Kuha ako ng cp para sayo.
Me: Ha?
       Nyak.
Him: Basta.
Me: Jay, totoo lang... nagta-try nako mag move on sayo.

Ayun, nakatulog na rin sya.

Ang sarap sana marinig nung sinabi nyang "Akin ka lang Cheryl". Kaso sya, akin din ba?

No comments: