Monday, May 22, 2017

Di kame natuloy magkita ni Bong last Friday. Sobrang busy nya at work, halos di kame nag-text. Thursday pa lang busy na sya. Nag OT sya and went home late. Friday, OT na naman sya because may deadline daw ng Saturday. Di ko na sya ni-remind about our date. Didnt hear from him na until Saturday morning.

Nag-text ako sa kanya lang na late na naman sya umuwi, he said yeah and he is on his way to work again. Napa-what na lang ako at "anubayan", di na sya sumagot. Di ko na rin sya tinext ulet til yesterday morning na walang paramdam. I texted again ng 12nn, asked if nakukulitan na ba sya saken pwede naman ako tumigil. I didnt get a reply. Di nako nag-text again.

Nakakalito sya. Ayoko ng ganon. Di ko alam kung hintayin ko ba sya magparamdam ulet. Baka may moment lang na naman sya like last week. Ano yan, every week ganon???? Bahala sya.

Today, Constancio and I texted. He sent me photos muna. Out of town pala sya, nag road trip to Jasper Alberta. Ganda ng lugar. Sabi ko, umuwi na sya dito para si Reid naman ang i-break in namin. Sumagot sya and di ko na-gets, mali intindi ko. He said baka naman daw may iba nag aabang i-break in. Ang intindi ko dahil nga I'm dating na, yon ang nag aabang. Sinabi ko na lang, na oo nga pala wala nga pala naman kame.

Explain na sya. Hindi daw yon ibig nya sabihin. Blah blah blah. Tinanong nya kung kame na ba nung guy na dine-date ko, I said yes. Ayaw daw nya may kahati saken. Ang nirereklamo ko kase, yun kawalan nya ng time. Na hindi na kame nag uusap like before. Maibabalik na raw namin yon kase babalik na sya sa dati nyang sked. Kung sabagay, parang natigil nga naman usap namin nung nag change sya ng sked.

Sabi pa nya, kahit yun isa bihira na nya makausap. Ayun, lumabas na nag uusap nga sila. Sabi ko ok lang naman saken kung ok sila, aminin lang nya saken yun totoo. Well, wala pa rin ako nakuha. Kungdi yun sinabi nyang "mag-on" kame. He loves me daw, and he will prove it. But, ang pag prove ni mokong eh yun aanakan daw nya ako. Hahahaha I want a child of course, kung with him syempre gusto ko rin.

Oh well, I asked him to send me a snail mail. A letter or a card. Ok daw. Nakakakainis. Baket ganon, sya talaga ang gusto ko? Eh sabagay, asan ba yung isa diba?! Putcha, parang wala rin eh. Alam ko lang, mahal ko si Constancio.

No comments: