Thursday, October 11, 2018

Tripping

So, halos one week kame hindi nakapag usap. Yesterday, he messaged me. Kesyo bantay saradaw daw sya nung weekend. I said ok lang yon. Humingi sya pasensya and said he misses me. Sarap kaya pakinggan, paulit ulit nya sinasabi na "I miss you, Miss na miss kita" at medyo nilalakasan pa boses, lam mo yon.

Alam mo ba, dati magso-sorry lang sya or magsasabi ng pasensya na kapag nag-away kame, or galit ako. Pero ngayon, humingi na sya ng sorry at pasensya kapag hindi nya ako natawagan. Or pati nung tinatawag tawagan nga ako ni Avi sa IG.

Anyway, last night nag-message sya saken. His first message was Mwah. Here it goes...

BB: Mwah
BC: ?
Who's this please
BB: ?
BC: ??
BB: Anong who's this
BC: Sino ka
BB: Okey kalang?
BC: Oo. Eh sino ba to?
BB: Si big bear
BC: Ha?
Sorry, di ako nakikipag usap sa di ko kilala. At kung nangti-trip ka, wag ako
BB: Si jay
BC: Jay who

Di ko na napigilan, tawang tawa nako eh.

BC: Hi babe hehehe mwah
Inaantay ko sabihin mo "eh di yung mahal mo!"
😘😘
BB: Nagagalit nako
Kanina
Lol
BC: I love you
BB: Kala ko may kupal
BC: Kinabahan ka?
Kala mo may lalaki ako na nakikielam ng phone ko?
Dont worry, sa sabado pa sked namin ng lalaki ko.
BB: Lol wag ka nga
BC: Hehehe

Naaliw ako eh. Ang cute nya. When he called sabi nya, tatawag na sana sya eh. Naghahanap na sya ng pupwestuhan nya.

Ayun. He also called me this morning nung pauwi na sya. BTW, nag-solo na pala sila ni Avi. Iniwan na nya Mama nya sa bahay. :( kala ko pa naman hindi nya iiwan mama nya kase silang dalawa na lang magkasama. Di nako nagtanong pa, nagulat lang ako. Tapos malayo pa sa bahay nila yun kinuha nila apartment. Hay

Then nagkwento sya, medyo may issue sila ng mga pinsan nya. Tinatanong sya kung pwede ba sya ulet magbantay ng bahay/aso. Hehehe anyway, there were times pala na ayaw nya sumagot sa mga text/messages ng mga pinsan nya. So parang mga 2 weeks ago, out of frustration nagsasabi sya kay Avi na sa ayaw nga nya mag-reply eh, blah blah blah na medyo mataas ang boses. Yun pala, nire-record ni Avi and sinend nya sa group chat ng mga pinsan ni BJ. Gago no?! Sabi nya para nya ako tinraydor. Aba oo, sabi ko sa kanya bat ganon, ni-sell out sya. Mali naman. Muntik na raw nya itapon yung phone, pero natatawa tawa na lang sya. Pero sabi sya ng sabi na "gago yan si Avegail eh". Kainis kaya, syempre napasama si BJ. Sabi daw ni Avi, baka raw kase isipin ng mga pinsan ni BJ na dumating lang sya sa Canada, di na sila sinasagot ni BJ. So what she did was, she sold BJ out to save her ass. Tsk tsk



Thursday, October 4, 2018

maxine and cher

Remember BigBear's first ever message to me last year? He said "Maxine Medina?" 😃

Anyway, he always tells me that I, look like Maxine Medina. Alam mo yon, flattered ka pero nahihiya ka kase baka pinagti-tripan ka and duh, sumali ng Miss Universe si Maxine, Binibining Pilipinas yan. Ang layo, sobra. AS IN.

I've been itching to cut my hair for months and I so wanted to get a bangs, a full one. Kase I never had full bangs. Parating kapiranggot lang. I thought maybe I can pull it off. Kaya last August, I went to my fave salon and had my appointment by si Hermes. This is my 3rd with him, but second haircut.

I trust him so much kaya I asked if bagay nga ba sa akin. And sabi ko i-cut na rin nya hair ko, sayang naman diba babayaran ko if bangs lang talaga pinunta ko. I was hoping na i-layered nya, and basta mapaganda nya yun hair ko.






Pero hindi yan ang gusto ko i-blog. Hahahaha

So, back to Maxine Medina. Last weekend was the ABS CBN Star Magic Ball. I saw Maxine's post on IG, waaahhhhh parehas kame ng hair. Hahaha

Of course not super diba. But may bangs na sya. And I remember kinabukas after ko magpa gupit, nag-try ako i-curl ang hair ko.

I wanted to try it again at itabi sa picture ni Maxine. Hihihi I havent told BigBear. Ayoko isipin nya na feel ko na kamukha ko nga si Maxine. Tho, I know pa rin na hindi naman.

So, here it is...


Thursday, September 20, 2018

Let's meet in Amsterdam

He called me again last night. At kahit putol putol at hirap kame magkarinigan dahil sa lintek na app yan, tuloy tuloy lang kame. Hahaha

Sabi ko mag install sya ng Viber ulet tutal work phone naman na gamit nya, oo nga no sabi nya. 😄 Pero hindi pa rin naman nag-install hahaha

Medyo busy pa rin naman sya, kaya nakakatulog ako 😆 pero naririnig ko pa rin naman yun background na. Then naalipungatan ako hahaha sabi ko sa kanya "nakatulog ako no?" oo daw and its okay. So sasalita ako slight, then magsasabi sya wait lang, then nakatulog na naman ako. Nung nagising ulet ako, yon na namn sabi ko, na nakatulog ako, oo daw. Sabi ko "naghihilik ako no?!" oo at ok lang nga daw. Hihihihi

Naaliw lang ako kase di nya rin ako talaga binabaan. Kase pwede naman na nya ibaba yung phone, but no. He stayed on the line. Binaba lang din namin kase he needs to call his mom, pagkakita ko almost 3 hours din kame sa phone.

Sabi nya mag-Amsterdam daw kame. Haha so sabi ko sige check ko. And sabi nya na, punta pa rin daw ako don, so sabi ko sige, if ever maka-grant ako ng US Visa, I will also apply for Canadian Visa. If not, magkita na lang kame sa Niagra Falls, para nasa border kame. 😄

Na-miss ko talaga boses nya, and he still calls me Baby.

Wednesday, September 19, 2018

Exactly Four Months

It's been exactly four months today since we last messaged each other. Not chat, just messaged.

And early this morning, I woke up from a phone call. Before ko nasagot, alam ko nagri-ring phone ko, but I know it's not my ring tone and hindi rin Viber. I checked pa rin, then saw sa screen "You have a wechat message", kinabahan ako kase alam ko na kung sino yon.

When I opened the app, lumabas na "Jay is calling", I answered right away. Hindi nako nag-isip pa. Hello kame ng hello. Pero tumigil ako kase baka pinagti-tripan nya ako. But finally, natigil din ang hello-wan. Hahaha

He said kamusta, I said ok lang. I asked him kamusta na sya, okay naman daw. Later on, kamusta na naman daw, sabi ko tumataba nako, hehehe sabi nya "hindi nga?", I laughed and sabi ko joke lang.

Sabi ko sa kanya, nag-give up nako maghintay after 3 months. Sabi ko tumigil nako mag-stalk non, and tinanggap ko nang, tapos na talaga kame. He said hirap lang talaga sya, and sabi nya sinabi naman daw nya sa akin non na gagawa sya ng paraan. Sabi ko oo nga, pero nung umabot na ng three months, syempre ayoko na rin. Tsaka accepted ko na.

Kinamusta ko mama nya and Cassie. OK naman daw si Tita, pero di nako nagtanong about don sa sinabi nyang house arrest si Tita. Pero si Cassie daw, birthday pa nila sila last nagkita, and February pa yon. Sabi ko gawan naman nya ng paraan to see his daughter.

Anyway, he said wala na rin daw mga pictures ni Cassie sa phone nya, kase nga yung isa, ayaw pa rin nya sa bata. Then sabi nya he saw my post sa wechat ng happy father's day, thank you daw. And sabi pa nya "May nakita pako post, July 2" syempre di ko na matandaan, so I scrolled down. Ayun sya pala yun post ko, pic nya with a "Missing this one" caption.

One time din daw may tumawag sa phone nya na hindi naka-register, kala daw nya ako na. Kase nga diba punta ako dapat, then pag-sagot nya lalaki daw yun caller. Hahaha sabi ko naman sa kanya, kahit matuloy ako hindi ko sya tatawagan, yoko ng gulo no.

Oh, ang palusot pala nya ngayon lang ulet sya nagka smart phone. Kase nga daw, pinapakielaman ni Avi, so sinira daw nya. Kung gusto ko raw sendan pa nya ako ng pic, sabi ko wag na. Pero sabi ko ang sinungaling nya, di pa sya nagbabago at umaabot na dito sa Pilipinas ilong nya. We both laughed.

Nabanggit ko pala sa kanya yung about Em. And a little about Stefan. Sabi nya "Sabi ko sayo iba pakiramdam ko sa Em na yan eh", sagot ko sya ng "Parehas kayo manloloko" natawa sya ng malakas. 😂😂

He also gave me his new work phone number, sabi ko kase I messaged his work phone before, baka daw don sa isang truck yun na-message ko, eh ibang truck na raw gamit nya. Whatever.

Mahigit one hour din kame nag-usap. He made a new account on wechat sa work phone. I just dont know if mag-continue pa rin kame mag-usap. And he said he misses me, and that na-adik daw sya saken, natawa ako. Sabi ko hindi ako kinikilig, tumawa rin sya. Hahaha sabi ko nga rin, baket nag message pa sya saken, pwede naman mambabae na sya ulet. Hay ewan.

I only saved the new work phone number he gave me, pero di ko na ulet kinuha yun number nya mismo.

Truth is, I missed him. And I am not sure if I am happy na nagparamdam sya ulet saken.

Monday, August 13, 2018

Been almost 3 months

Since we last talked. He last sent me a message on Viber was May pa, while I was in Subic. He asked me bat daw ako nandon, and he said kakauwi lang nya. I didnt answer him kung ano ginagawa ko don but I just said Ok. He didnt answer na and never read my last messsage. I was only 25mins late mag-respond, coz I was sleeping, but yon. Andon na si Avegail that time, siguro one week na.



Hindi sya nag-online for 2 months and then yan, nag-online sya on July 17. Still, didnt read my message, I guess naka hide ulet ako sa Viber nya. 

Syempre, eto na longgest wala kame communication. Umaasa pa rin ako na mag-message sya saken kahit nakikita ko sa mga posts ni Avi na panay labas nila. Ewan ko, siguro umasa ako sa sinabi nyang hindi sya makakatagal kasama si Avi dahil sa ugali nito. Parati nya sinasabi saken na "Kilala ko sarili ko", "Ayoko nasasakal ako", etc.

Until this weekend, napa-isip ako, I miss him so much. But kailangan ko na tanggapin na it is over between us. Really over. Hayaan ko na lang sila.  I need to move on. We dont have a future naman eh.

So... BJ, thank you. Thank you for making me realize na hindi pa ako bato, thank you napalambot mo pa puso ko, thank you kase naramdaman ko ulet paano ma-in love and maging masaya. Thank you kase minahal mo rin ako. Thank you dahil hindi mo ako sinukuan. Thank you dahil natuto ka mag-open up saken. Your secrets are safe with me. Just know, I really did love you. Parati man kita pinagtutulukan, pero mahal kita. Goodbye.

Tuesday, July 17, 2018

BABALA: Captains of Boracay Pubcrawl, dont date them.

So, remember mr. loverboy? The guy from my previous post? Well, this is his friend. He was my captain when I first joined Boracay Pubcrawl.

He was nice non. Nakausap ko sya that night, nalaman ko na alam nya lugar namin, nagka-business sya near my place. He studied in La Salle. Well, wala talaga sa pinanggalingan ng pamilya at eskwela ang ugali ng isang tao.

Di ko alam kung pakitang tao ang kabaitan.

After namin ni Em, we had the chance to talk. He told me he likes me. Sabi ko di ako naniniwala and friends sila ni Em. Ayaw ko makasira ng friendship, blah blah blah. He said pa he'll ask Em daw. Parang gago.

Anyway, after that talk wala na ulet. Until na-announce that Boracay is closing for rehabilitation. So, Boracay Pubcrawl captains, transferred to Manila. They have naman here in Manila rin, but yun sama sama muna sila.

Wala pa sya one week nandito sa Manila, he asked na for my address, dumaan sya and nakipagkwentuhan. Hanggang yon, pabalik balik na. Inutangan pa ako hahaha

Since Boracay is closed, cancelled ang LaBoracay. But there's Cinco de Mayo. He asked me if I can join, asked my friends naman and game sila. So, nag-attend kame.

I attended Pubcrawl again the next Saturday. Mas parang close na kame nito. Another captain, Akash (the nice captain last time I went to Boracay), invited me for his birthday the next day. Hmm I said yes na rin.

Kaya Stefan went here, left his bike and dinala na lang namin si Reid sa Tivoli gardens. Anyway, syempre some captains were suprised I was there.

Medyo sweet sweet si mokong. When we left Kash's place pa, we drove lang sa Macapagal, chikahan pa sa may Shell til 4am ata. Then balik na dito sa bahay, at di pa rin sya umalis, kwentuhan pa rin kame til nagliwanag na.

After that, inaya na nya ako sa birthday ng barkada nya. I met his friends outside Pubcrawl. And nagsunod sunod na kame nagkikita. Inom dito sa bahay, magdadala sila ng alak and food. Nagmano pa kay daddy.

One time we went out, he asked me if we're going somewhere. I told him I cant pa, kase I'm not over Em and BJ pa. I told him na gusto ko kung papasok ako sa relationship, yun ok na ako. Sabi ko rin, he's too young for me. Wala naman daw sya pakielam sa age difference namin. See, he's only 24. Ka-age lang nya si Jemjem ko.

Kinda issue to for me, not for him daw.

Anyway, truth is, I dont really like him that much and yeah, he's too young for me. Iniisip ko pa rin sasabihin ng tao pag pinatulan ko sya. Also, may doubt pa rin ako if he's real or not. Baka pinagti-tripan lang nila ako ni Em.

One time, naaksidente sya. So no choice ako but to visit him at home. Ilang beses na nya ako inaaya sa house nila pero ayoko. Malayo at, ayoko lang. Gusto nya kase, matulog ako don.

I visited him at home, met his mom and sister and little brother. Mom nya, halos ka-age lang ni Ate hahaha I think ok naman kame ng mom nya. I stayed there for a while. And nasundan pa yon after  few days ata hahaha coz his friend Gelo and his gf Nicole went here and nag-aya pumunta sa kanila. Ayoko sana coz late na, pero ewan napa-oo nila ako.

We're ok naman. Pero napapansin ko lang pag nandon ako sa kanila, his phone kept on ringing. Ayaw nya sagutin, or pag sasagutin nya papasok sya sa loob ng bahay and don sya mag-phone. One time pa nga na andon ako, naiwan nya yun phone nya and it ringed, girl eh. I forgot her name and hinayaan ko lang. (BTW, one time I told him pala na he still can date and chukchak other girls, since I'm still hang up with BJ. Pero sabi ko sa kanya, basta alam ko. I dont like finding out pa coz mas away pa yon. He agreed. But as long as si BJ lang din ang lalaki ko. I agreed but didnt mean it.) I'm starting to like him, napapaisip na rin ako sa totoo lang if papatulan ko na sya, but mas nananaig saken yun takot na di pa rin sya seryoso saken. Nagagalit na nga sya pag ganon, sabi nya pinakilala na nya ako sa pamilya nya. Actually yun last punta ko don, I met the whole family na. Met the other sister and his dad too. I got him a bracelet pa nung nag La Union ako from Tali Ti Amian and some pasalubong from Pangasinan.

Then, yun last nila punta dito nag-inom kame. He's not in a good mood. One time pa, halatang halata sya na nag-video call. Coz nag-shirt sya and pumasok sa CR ng matagal. Hahaha I told Gelo nga na may ka-video call si Stefan. And then, ang bilis nya mapikon sa jokes ni Gelo. Napipikon tuloy ako sa kanya, kaya di ko rin sya gaano kinakausap.Nagmamadali pa sya umuwi ah, even Domz napansin nya. Kase di ganon si Stefan, madalas sya pa may ayaw umuwi/maghiwalay.

Pagka uwi nya, nag apologize sya, he said yun tito raw ng anak nya yun tumawag. Well, I dont care.
Usapan namin before maghiwa-hiwalay, mag-attend kame ng Pubcrawl. Di kame natuloy because, una biglaan lang and wala si Mike, medyo di syado feel ni Domz; pangalawa ang gagong Stefan, preparing na kame nung sinabing hindi sya mag-captain. Pangatlo, nag-break ang Gelo and Nicole. Eh ayoko na rin tumuloy kung may mga ganong aberya.

End up going out pa rin, pero with Domz and Mike (eh pauwi na rin pala sya from the province hahaha). Tapos nag inom din sila Stefan and Gelo.

I visited him pa pala, coz naaksidente na naman sya. Di ko na sana sya kakausapin non eh. Pero wala eh, naaksidente na naman. And that was the last time nakita ko si Stefan. Nag-away na kame ng nag-away. One week later, I found out, he has a "CITY GIRL" hahaha oh wait, may IG story pa sya ah, "thanks love" daw. I think sandwich sya. Comment pa ako na ang bilis ah haha, medyo bastusan. Syempre, seenzoned. So eto nga, kwentuhan kame nila Domz, and he said Stefan posted a pic ng isang girl sa FB. With the caption

"Making her happy since our #firstwednesday
#mycitygirl
#nagsimulasaparang
#tyj"

Pikon na pikon ako, coz kahit nag-away na kame nung date ng post na yon, hello nag uusap pa rin kame. And guess who sino pa ang nag-comment sa photo. Stupid Em commented "bagay" or something. I am not jealous, to be honest. Pissed lang ako. Coz totoo ang kutob ko, pinagti-tripan ako. Tang ina diba. Hahaha pano pa kung pumayag ako maging kame. Pinagpustahan siguro ako ng mga hayup na yon. Hahahaha

Di na ulet kame nag-usap. Except sa sinisingil ko sya sa inutang nya sa akin nung April. July na, di pa rin sya nagbabayad. He said three weeks ago na babayad sya "next week" lumipas na yung next week na yon and another week pa, hindi pa rin sya nagbabayad. Totoo lang, ayoko naman na singilin, 700 lang naman yon. But sa pikon ko sa kanya, yeah gusto ko makuha yung 700 ko.

Totoo lang, mas masama pa tingin ko sa kanya kesa kay Em. At least I know now na si Em, scammer. Oo, gawain nya yon. But Stefan... He knows gaano rin ako nasaktan, mas may naipundar na kame eh. Baket umabot pa kame sa pagkilala ng mga pamilya at kaibigan.

I unfollowed him sa IG sa beachbum account ko nung una, next sa ku7et. Blocked Em na rin. And lastly, I unfriended him on Facebook. Hinihintay ko lang bayaran nya ako and I will block him na rin.

Stefan and Em, are both assholes. Tama nga, best friends sila.


Monday, June 4, 2018

Loverboy a.k.a. Captain Em

I met this guy sa isang event last December. He's very maasikaso, I kinda liked him nga agad. But I was with BJ pa, so bawal ako makipag-flirt. Pero we talked before I went back to Manila, alam mo yon, mga tipong kwentuhan and tanungan about yourself and about work. I kind of told him na nagwo-work ako sa dad ko, na may small business kame.

Two weeks later, we started chatting. He showed interest na, he told me that he liked me nung nagkakilala kame, that he was trying to flirt pero di ko raw napansin. And that time, bigla naman kame nagkalabuan ni BJ. There was a part of me na, kinilig talaga. Eh hello, ang ganda ba naman ng katawan nya, tapos ang sweet sweet. Yung tamang "Mr. Dreamboy" ganyan. Kesyo seryoso daw sya saken, he likes me, and he's happy na nagkalabuan kame ni BJ. We started talking about going out of towns, tapos natutuwa pa ako sa kanya kase parang di sya nahihiya na binabanggit ko sya. Like gusto nya yung tipong ipo-post ko sya sa IG, or ime-mention. Gusto daw nya maging donor, coz gusto ko na magka-baby.

Then, pinipilit nya ako bumalik don kase he wants to see me daw. Ako naman si tanga, since favorite place ko sya, gustong gusto ko rin bumalik. So I booked a ticket, resort and flew there.

He got jealous pa sa isang friend nya coz he thought we're talking daw, and that nag-resign daw sya sa work nya for me para daw ipakita nya saken na seryoso sya and para daw iwas sa tukso. Gago! Syempre ayoko ng ganon, guilt ko yon tanga pala sya eh. Sabi ko wag sya mag-resign ng dahil saken (and deep inside I know hindi talaga ako ang reason, alam ko sinasabi lang nya yon), dahil if we didnt work out, ayoko na masisi ako. Also nakakahiya sa part ko yon. Anyway, til one day nag-post sya sa IG na, nag-resign na nga sya. (Or so I thought)

Sya yung tipo ng guy na, malambing talaga. Di imposible ma-fall ka eh. Ang laking tulong nya nga saken non para di ko maisip si BJ. And hayup sya, I chose him over BJ pa. Yung totoo, I fell for him. May mga plano pa kase naman sya na, bumalik daw dito sa Manila, kung gusto ko raw pwede kame magsama (ay naku hindi pwede yon), or ako raw ang pumunta don para magkasama na kame, gusto nya mag-travel kame together, gusto nya ikwento ko sya sa mga friends ko. Alam nya kung pano ka nya susungkitin eh. Ang galing, parang nabasa nya utak mo, and he knows the right words to say.

There was a time pa, bigla sya nag-message saken asking if I can go to MOA, he wants me to meet someone daw. Sabi ko ayoko kase di ako nagpupunta ng MOA. Til inamin nyang sya pala yon and he wants to have lunch with me, quick lang kase aalis na rin sya agad.

Kinilig ako sa totoo lang. I got up, and paspasang pag-ready. So nag-meet nga kame in MOA, this is 5 days before my flight. After lunch, nagpahatid pa sya sa Pasay.

While pala nung time na naghahanap ako ng flight ko or siguro right after ko nakapag-book, he asked me if may credit card ba ako and kung pwede maki-hitch, he'll pay me daw pag nakita kame. Ibu-book daw nya yun parents nya ng ticket coz birthday ata ng May. Ang sweet diba, I mean sweet yun plan nya sa parents nya. I told him wala akong credit card. Sabi nagbayad lang ako via bank deposit.

Nung nagkita na ulet kame, may nagbago. Parang ang cold nya saken. Parang nahihiya syang kasabay ako. Pero sinamahan nya ako sa hotel ko, sinamahan nya ako mag-lunch, nag-treat naman sya ng happy hour. But he has to go to work, kaya nagkita ulet kame after na. He stayed with me, but left early in the morning. He has to feed his dog daw. Afternoon na ulet kame nagkita, eh lumipat kame ng hotel. Ang weird non, nung hinanapan sya ng ID sa front desk, he just said na wala syang ID, pano nangyari yon? He just told them his name, EMIL TAN daw. Sabi ko baket wala syang ID, basta wala daw. I know something is wrong. Medyo bad mood sya non, kase may problema daw sa work, panay cellphone sya.

Anyway, nag late lunch kame, hahaha KKB yon ah. Buti na lang, kesa ako ulet pagbayarin nya. Then sabi nya mag-wine night daw kame, bili daw kame wine, aba style nya mag cellphone ulet. So lumabas sya ng store, ang tagal nya. Eh di ako na nagbayad.

Went back sa hotel, and nag-ready na sya for work, he told me pa to go out and have fun. Magkita daw kame after.But he got back at 2am, nag-sip lang kame ng wine, and he fell asleep. The next day, we just had breakfast and he left. Bad trip ako non. Tipong, kailangan umalis agad? Eh pauwi na rin ako.

Anyway, not the point hahaha

Nagbago sya non, nawalan na sya halos ng time for me. Di na sya gaano nagme-message, pero makikita mo parati online. Tapos aabutin na ng isang araw walang usap, then pag nag message pa, akala mo wala lang. I asked kung ano problema, wala daw. Busy lang daw and he needs time. So I gave him space. then mag-memessage na naman. Ang gulo gulo nya. Basta lagi nya sinasabi saken, he likes me.

After two weeks na cold sya, ako na umayaw. Di na kame nag-usap, but once in a while magco-comment sya sa posts ko, or magla-like. Tapos nakausap ko friend nya, sabi daw nya, tropa lang kame. Aaah ok. After that, talagang naging dedma nako sa kanya. Di ko na pinapansin mga comments nya, di nako nagla-like sa posts nya. Ni-unfollow ko sya sa isang IG account ko. I wanted to unfriend him sa FB kaso, naisip ko para namang tanga kung ganon. And I want him to see my posts pa rin. Though ni-unfollow ko rin sya sa FB. So di ko na nakikita posts nya unless I visit his page.

Aba, just last April sya na ang nag-unfriend saken. Napansin ko eh, di ako mapakali so I messaged him. True daw, kase dedma daw ako sa kanya. After that, message na naman sya ng message. Pero sa isang post ko sa IG, nag-comment sya and sumagot ako  na yun friend nya nag-invite saken. Di na sya ulet nagparamdam after that.

Now I found out about his scamming these single successful mothers, and other girls pa. Natakot ako ng slight. Di naman puro single mom lang, mostly. Buti pala, may napuntahan pagiging praning ko.