Wednesday, September 19, 2018

Exactly Four Months

It's been exactly four months today since we last messaged each other. Not chat, just messaged.

And early this morning, I woke up from a phone call. Before ko nasagot, alam ko nagri-ring phone ko, but I know it's not my ring tone and hindi rin Viber. I checked pa rin, then saw sa screen "You have a wechat message", kinabahan ako kase alam ko na kung sino yon.

When I opened the app, lumabas na "Jay is calling", I answered right away. Hindi nako nag-isip pa. Hello kame ng hello. Pero tumigil ako kase baka pinagti-tripan nya ako. But finally, natigil din ang hello-wan. Hahaha

He said kamusta, I said ok lang. I asked him kamusta na sya, okay naman daw. Later on, kamusta na naman daw, sabi ko tumataba nako, hehehe sabi nya "hindi nga?", I laughed and sabi ko joke lang.

Sabi ko sa kanya, nag-give up nako maghintay after 3 months. Sabi ko tumigil nako mag-stalk non, and tinanggap ko nang, tapos na talaga kame. He said hirap lang talaga sya, and sabi nya sinabi naman daw nya sa akin non na gagawa sya ng paraan. Sabi ko oo nga, pero nung umabot na ng three months, syempre ayoko na rin. Tsaka accepted ko na.

Kinamusta ko mama nya and Cassie. OK naman daw si Tita, pero di nako nagtanong about don sa sinabi nyang house arrest si Tita. Pero si Cassie daw, birthday pa nila sila last nagkita, and February pa yon. Sabi ko gawan naman nya ng paraan to see his daughter.

Anyway, he said wala na rin daw mga pictures ni Cassie sa phone nya, kase nga yung isa, ayaw pa rin nya sa bata. Then sabi nya he saw my post sa wechat ng happy father's day, thank you daw. And sabi pa nya "May nakita pako post, July 2" syempre di ko na matandaan, so I scrolled down. Ayun sya pala yun post ko, pic nya with a "Missing this one" caption.

One time din daw may tumawag sa phone nya na hindi naka-register, kala daw nya ako na. Kase nga diba punta ako dapat, then pag-sagot nya lalaki daw yun caller. Hahaha sabi ko naman sa kanya, kahit matuloy ako hindi ko sya tatawagan, yoko ng gulo no.

Oh, ang palusot pala nya ngayon lang ulet sya nagka smart phone. Kase nga daw, pinapakielaman ni Avi, so sinira daw nya. Kung gusto ko raw sendan pa nya ako ng pic, sabi ko wag na. Pero sabi ko ang sinungaling nya, di pa sya nagbabago at umaabot na dito sa Pilipinas ilong nya. We both laughed.

Nabanggit ko pala sa kanya yung about Em. And a little about Stefan. Sabi nya "Sabi ko sayo iba pakiramdam ko sa Em na yan eh", sagot ko sya ng "Parehas kayo manloloko" natawa sya ng malakas. 😂😂

He also gave me his new work phone number, sabi ko kase I messaged his work phone before, baka daw don sa isang truck yun na-message ko, eh ibang truck na raw gamit nya. Whatever.

Mahigit one hour din kame nag-usap. He made a new account on wechat sa work phone. I just dont know if mag-continue pa rin kame mag-usap. And he said he misses me, and that na-adik daw sya saken, natawa ako. Sabi ko hindi ako kinikilig, tumawa rin sya. Hahaha sabi ko nga rin, baket nag message pa sya saken, pwede naman mambabae na sya ulet. Hay ewan.

I only saved the new work phone number he gave me, pero di ko na ulet kinuha yun number nya mismo.

Truth is, I missed him. And I am not sure if I am happy na nagparamdam sya ulet saken.

No comments: