So, halos one week kame hindi nakapag usap. Yesterday, he messaged me. Kesyo bantay saradaw daw sya nung weekend. I said ok lang yon. Humingi sya pasensya and said he misses me. Sarap kaya pakinggan, paulit ulit nya sinasabi na "I miss you, Miss na miss kita" at medyo nilalakasan pa boses, lam mo yon.
Alam mo ba, dati magso-sorry lang sya or magsasabi ng pasensya na kapag nag-away kame, or galit ako. Pero ngayon, humingi na sya ng sorry at pasensya kapag hindi nya ako natawagan. Or pati nung tinatawag tawagan nga ako ni Avi sa IG.
Anyway, last night nag-message sya saken. His first message was Mwah. Here it goes...
BB: Mwah
BC: ?
Who's this please
BB: ?
BC: ??
BB: Anong who's this
BC: Sino ka
BB: Okey kalang?
BC: Oo. Eh sino ba to?
BB: Si big bear
BC: Ha?
Sorry, di ako nakikipag usap sa di ko kilala. At kung nangti-trip ka, wag ako
BB: Si jay
BC: Jay who
Di ko na napigilan, tawang tawa nako eh.
BC: Hi babe hehehe mwah
Inaantay ko sabihin mo "eh di yung mahal mo!"
😘😘
BB: Nagagalit nako
Kanina
Lol
BC: I love you
BB: Kala ko may kupal
BC: Kinabahan ka?
Kala mo may lalaki ako na nakikielam ng phone ko?
Dont worry, sa sabado pa sked namin ng lalaki ko.
BB: Lol wag ka nga
BC: Hehehe
Naaliw ako eh. Ang cute nya. When he called sabi nya, tatawag na sana sya eh. Naghahanap na sya ng pupwestuhan nya.
Ayun. He also called me this morning nung pauwi na sya. BTW, nag-solo na pala sila ni Avi. Iniwan na nya Mama nya sa bahay. :( kala ko pa naman hindi nya iiwan mama nya kase silang dalawa na lang magkasama. Di nako nagtanong pa, nagulat lang ako. Tapos malayo pa sa bahay nila yun kinuha nila apartment. Hay
Then nagkwento sya, medyo may issue sila ng mga pinsan nya. Tinatanong sya kung pwede ba sya ulet magbantay ng bahay/aso. Hehehe anyway, there were times pala na ayaw nya sumagot sa mga text/messages ng mga pinsan nya. So parang mga 2 weeks ago, out of frustration nagsasabi sya kay Avi na sa ayaw nga nya mag-reply eh, blah blah blah na medyo mataas ang boses. Yun pala, nire-record ni Avi and sinend nya sa group chat ng mga pinsan ni BJ. Gago no?! Sabi nya para nya ako tinraydor. Aba oo, sabi ko sa kanya bat ganon, ni-sell out sya. Mali naman. Muntik na raw nya itapon yung phone, pero natatawa tawa na lang sya. Pero sabi sya ng sabi na "gago yan si Avegail eh". Kainis kaya, syempre napasama si BJ. Sabi daw ni Avi, baka raw kase isipin ng mga pinsan ni BJ na dumating lang sya sa Canada, di na sila sinasagot ni BJ. So what she did was, she sold BJ out to save her ass. Tsk tsk
No comments:
Post a Comment