Nag-start nung hapon yon.
Before kahit makarinig ako ng songs ko for him or songs namin, medyo deadma ako. Pero kahapon, after nya pumasok sa isip ko, sakto naman nakarinig din ako ng song ko for him, na-sad ako. Tapos kahit nasa service kame, naiisip ko sya. I feel bad nga, kase habang nagdadasal, bigla bigla, sya ang nasa isip ko. Ang sama.
Pati papunta Makati for dinner, naiisip ko sya. Nakakainis. Hanggang pauwi, naluha luha pa ako while on our way home. Buti na lang sa likod ako naka upo. Hehehe
Nanonood ako ng tv, sya pa rin. Nakakainis. Ngayon ko lang sya naisip ng ganito. Last na kase yun first week lang na hindi sya nagparamdam. Pero after non, parang ok lang ako. Nakakayanan ko di sya maalala.
Kahit pa minsang inis na ako pag nanonood sa ANC dito dahil sa senate, deadma lang naman ako. Kahit pang alam ko gawa nya yung mga graphics na lumalabas don.
Bago ako matulog kagabi, umiyak ako. Bigla lang. Naiinis tuloy ako. At kagabi lang ako umiyak since nung di na sya nagparamdam. Palagi lang ako, naluluha lang. Kagabi, iniyak ko sya. Hindi ko alam kung baket.
Pero, naramdaman ko atang masaket pa rin. Di ko ma-deny sa sarili ko kahit pilitin ko wag isipin, na masaket yung nangyari. Na totoo na ito. Na iniwan na nya ako at wala na akong magagawa.
Ayoko na sana i-blog pa ito, pero parang di ko rin maitago. Mali mali na naman ako sa trabaho ko kaninang umaga. Hangover pa.
Ayoko ng ganitong feeling, kaya nga dina-divert ko lahat ng atensyon ko sa kahit anong pwede ko pagka abalahan. I really need to get him out of my system
No comments:
Post a Comment