Sunday, September 9, 2007

bitterrrr


Nagiging bitter nako. Paranoid. Nabu-bwiset na rin ako.

Punyeta, ang hirap magpaka-martirrr. May baet pa naman akong natitira. Pero gusto ko ata gumanti. Naiinis ako. Gusto ko makarating sa asawa nya. Para mag-away sila. Leche! Pero ang sama ko na para gawin ko yon.

Pero di ba sya masama? Teka, alam naman ng asawa nya babaero sya. Bwiset talaga. Alam nyo yon, sa inis ko talaga kung ano ano na kabalastugan pumapasok sa isip ko.

Pero eto pa, feeling ko I'm almost over him.. Ata. Oo, paminsan minsan napapa-isip pa ako. Mahal ko yung gagong yon no. Pero minsan, naiisip ko, okay lang to. Keri ko yan. Tsaka pag naiiyak ako, di na ako yung iyak na talagang hagulgol. Naiiyak ako na tipong, may tumutulong luha, pero ganon na lang. Tapos napapaisip ako, mahal ko pa nga kaya sya? Baket ganito na lang iyak ko? Or siguro, pagod nako. Eto na yun hinihintay ko, mapagod.

Kung pagod nako, salamat naman.

Pero... baket parang di pa rin ako matahimik? Parang kailangan ko sya i-text. Gusto ko magpaalam. Di ko alam kung tama o mali kung ite-text ko sya. Baka mangyari magtext lang kame, mag-explain. Maging ok pa kame. Or pwede ring, hindi sya mag-reply, baka sumama lang loob ko. Or baka biglang, ako pala hinihintay nya. Or ako pala ang may kasalanan, meron pala akong nagawa. Pero ano ba talaga ang problema? Gusto ko malaman.

Bwiset na buhay to. Tapos, araw araw sinisilip ko kung nag log in ba sya sa friendster. Pati asawa nya. Lintek na yan. Tapos, pag nakikita ko si wifey, napapasabi ako lagi ng ano ba tlga meron ka, baket di ka nya maiwan? Grrrr

Kakainis. Di naman sya maganda. Nakakainis, kase alam naman ni beb marami kulang kay wifey. Alam naman nya mas kaya ko ibigay kailangan nya. Di nya maiwan, rason nya "ayoko masira marriage ko".. Potah talaga. Oo, andon nako. Ayoko rin sirain marriage nya eh. Pero, pano pa sila kung palagi naman walang panahon. Laging wala yung isa. Ayaw magka-anak, marami pa raw gustong gawin sa buhay, what an excuse? Paksyet. Baket ka nagpakasal? Ka-bwiset na sagot eh. Gusto pa mag-travel, RICH ka? Pero alam mo yon, dami ka pa pala gustong gawin sa buhay mo, wag ka muna mag-asawa.. Syet, bata ka pa kase eh.

Sabi sa inyo, bitter eh.

Akin lang, kung marami ka pa gustong gawin sa buhay mo, kung gusto mo mag-travel at gumimik ng gumimik, wag ka muna papatali. Ano ba ine-expect mo gusto nung lalaki? Gusto din nya mag-travel at gumimik kaya ka pinakasalan? Gustong gusto na kaya mag-pamilya nung isa. Sana pumirmi lang sa bahay.

Maloloka ako.

Sana, at ipagdadasal ko ito na ang huling entry ko para sa lalaking yan. Putek, ang dami kayang lalaki. Ang dami nagpaparamdam dyan, ang dami pumapapel, kaya ko syang ipagpalit. Hahaha parang tunay ah.

I know naman, he'll always be in my heart, kanya to eh. Kung magkakaron ng bago, wish ko lang, masakop din nya lahat ng para kay rv.

For everyone ang entry na to. Gusto ko mabasa ng lahat na bitter ako. HAHAHA

Pasensya na kayo, napupuno lang ako. I need closure talaga kase. Hangga't wala, mahihirapan akong matahimik.

No comments: