Isang linggo na lang, aapak na naman ako sa magandang buhangin ng Boracay. Hmm may makilala kaya ako? Hehe
Magkikita kame ni Yen don. Makikigulo lang ako. Tapos magso-solo, soul searching daw. Hahaha papalipas lang ng problema kay kalbo. Tapos non, siguro okay na ako. Kung sabagay, nararamdaman ko naman ngayon na nagiging okay nako. Parang di ko na makuhang isipin syang maige at iyakan ang gago.
So, di ko na ba sya mahal? Malay ko. Basta ang alam ko, dahil siguro sa wala kaming paalam sa isa't isa, parang kaya ko pa. Pero siguro marinig ko ang boses non or makatanggap ako ng text sa kanya, goodluck na lang.
Gusto ko na mag-shopping ng mga gagamitin ko sa Bora. Gusto ko bumili ng new pair of swim suits, Havaianas, shorts, tank tops, etc.
Basta excited ako. Nami-miss ko rin si Boo. Ilang araw na kame hindi nagte-text. Biglang nawawala mga lalaki ko. HAHAHA
No comments:
Post a Comment