Saturday, October 21, 2017

Confirmed.

We talked today, confirmed na ang flight nya.

We'll be seeing each other on the 11th of November. Ako na susundo sa kanya sa airport. Ako rin maghahatid pagbalik nya.

I'm not happy with the dates  na kasama ko sya, but better than nothing.

And the countdown begins. See you soon Babe!

Friday, October 20, 2017

See you soon?

I received a message from Babe on Wednesday, nag ask if pwede ako mag-leave for one week. Gave me the dates, at sa SG daw. Sabi ko may wedding ako pupuntahan, ang I asked "Sa SG ba talaga dapat?" di na sya sumagot. As i n.

I messaged him yesterday, nagising kase ako ng madaling araw parang kinabahan ako bigla. Baka kako something bad happened. Kase ano naman ang dahilan kung baket bigla sya hindi sasagot diba. Sumagot, ok naman daw sya at busy lang. Well thank God he's ok. Pero inis na ako kase ok ka lang pala, pero di na sumagot????

So nag-text ako kahapon ulet, sabi ko mag message na lang sya pag di na sya busy. Dedma lang. Nakakapikon kapag ganon sya. Hindi ko naiintindihan kung pano nya nagagawa na wala lang. Wag sumagot. Tapos pag nag-text after a while, ni di na mapag uusapan yung naiwang topic. Its so frustrating.

And then, kanina madaling araw:

Him: Good news.
(gave the dates) November
Andyan ako.

Then naalipungatan ako. Sakto, tumawag sya. Pero alam mo na ang wechat, naging missed call na sya. I only answered with "Ah".

Then he called again. He asked if nakuha/nabasa ko ba message nya. I said yes. Antok na antok pa ako, di ako sumasagot ng maayos isa pa, naiinis ako sa kanya. Also, from 9 days na sinabi nya the other night, ngayon 4 days na lang????

Di raw ba ako excited. Di ko napigilan, sabi ko Salamat sa four days ah.
Di sya makasagot agad. Natahimik sya, naramdaman ko yun parang frustration din nya, di na lang ako maging grateful. Ganon. Then finally, sabi nya "Pinagkasya ko lang Baby, 9 days lang ako eh."

Eh di, natanong ko baket 9 days una nya sinabi saken. Naisip daw nya na pag sa SG kame, di kame magkakasama the whole time. True. Pero intindi ko kase nung una sya nag message, para saken yun 9 days. Next year na lang daw sya babawi ng mas mahaba. Then sabi din nya, ayaw ko raw ba yon 4 days ko sya makakasama. Sabi ko ok na yon. Kaya nasabi lang nya na unless gusto ko raw sumunod sa SG, yun nga lang half day lang kame magkakasama while nasa work si Avi. Sabi ko di na, ok na yon. Bibitinin pa nya ako sa oras. Tapos alam kong mamaya sila ang magkasama. AYOKO.

Na-realize ko na lang din later on na, ok na yun 4 days kesa sa wala. Maging masaya na lang ako, buti nga meron pang 4 days. Kaso since naiinis ako, di ko mapakitang natutuwa ako, though nag-smile ako.

Muntik pa kame magtalo. Parang don nga ata sa akala ko 9 days. Basta parang may sinabi sya na:

Him: Anu ba yan?
Me: Kung mag-explain ka na lang kesa mag-aano ba yan ka eh
Him: Nagda-drive kase ako.
Me: Sabi ko sayo mag-drive ka na muna eh.
Him: No, ok lang.

Then nag-explain na. Then, teka lang daw. Then:

Baby, tawagan kita ah.

Never called. Never texted. Nada. Wala.

So now, bad trip pa rin ako. Totoo lang, ayoko na sana ma-bad trip. Mas gusto ko kung ok  kame, kaso kase binabaliwala nya yun nararamdaman kong inis eh.

Sunday, October 15, 2017

We Okay.



Unsurprisingly ok na naman kame. I was tipsy last night and texted him. Warned him that in case i drunk text him, ignore nya. Couple if minutes later, he called. Baket daw ako naglalasing, nandyan naman sya nagmamahal saken. Hahaha cheesy. 

I told him di ako naglalasing, masarap lang talaga margarita at Agave and tipsy lang ako.

We had a funny conversation.

Asked him if its ok magkausap kame while driving pauwi. So we talked til i got home. Mahaba rin usap namin.

We talked again this morning, vid call. Til around lunch time. 

He's making these look na nakakailang. As if he's teasing me or something. Then said he learned it from me. Dahil daw sa mga tingin ko yon. Nyak! Its nakakakilig but i dont think im doing those. 

He's also giving me sweet smiles na parang magpapa picture, you know. 

Niloloko ko pa sya about his forehead, sabi ko pwede mag land ang plane sa noo nya. Hahahaha

But i told him i love his smile. I really do.

What else did we talk about? Hmm oh, he said again that magka height kame ni Avi.

Ohhh eto pa... he asked about John (nireto ni mommy). Baket daw di ko gusto. Sabi ko ayoko sa mga lalaki naka bling bling. Hahaha what if daw he wears a big necklace and rings on his fingers. Sabi ko di ko sya papansinin. And then his question came.... if we're all in a bar. Sino mas pipiliin ko, him or John. I said him of course. 

Nasabi ko rin sa kanya na John asked me if he's my type. Sinabi ko na sinagot ko sya ng nope. 

I forgot kanino na galing, but nasabi din nya na if... IF kame naman ni Avi ang nasa bar, ako ang lalapitan nya. Sabi ko sinasabi lang nya yon syempre kase kausap nya ako. Duh! As if naman sabihin nya saken na si Avi ang pipiliin nya. Totoo daw, kase daw ang sexy ko tumingin. I had a feeling tuloy na maybe kaya nya ako gusto coz sexy ang tigin nya saken. Muntik ko na nga rin masabi na may slight na manang magbihis si Avi. 

And then..... when I asked when he's coming home, same sagot sya "malapit na baby". Tapos.... nasabi nya yun isang idea na nasa isip nya. Na what if sa Singapore na lang kame magkita. 

Not a good idea. Muntik ako maluha sa idea nya. Sabi ko muna "baket sa Singapore? Kase andon sya? Para isang puntahan na lang?" Hindi daw. Kase nga di nya alam kung pano sya magpapaalam na hindi sya hahanapin. 

Sabi ko pano yon, ang liit lang ng Singapore, pwede kame makita. Hindi daw coz may pasok sya. 

Hinaluan ko na lang din ng biro. Na pano yan, madodoble mga papasyalan nya. Sabi pa nya, kunyari maa-amaze or magugulat na lang sya sa mga pupuntahan nila. Sabi ko wag, kase dapat si Avi ang unahin nya ikita before ako. No daw. Letche. Hahaha 

Sarap sana kung totoo mga binibitiwan nya eh, pero alam ko he's only saying those for me. 

But thinking of it, baka ok din yun idea nya. Na sa SG kame magkita. Para di na rin mahirap for him. Pero nakakatakot kase nga, maliit lang ang Singapore. 

So anyways, kanina nga umaga while vid call kame, he asked me again about John. And kung papapiliin ako between him and all my ex'es, sini pipiliin ko. Hindi ko masagot. Gusto ko sabihin sya, pero baket sya? Ayoko sabihin para lang sa ikatutuwa nya. Totoo lang, wala ako gusto piliin sa kanilang lahat. 

Kase look, i want to say si Kalbo. Pero he told me na dati hindi nya iiwan si Tina for me. Though, mahal na mahal ko sya and I know he did love me too.

Lalong hindi si Werner dahil ayoko na magpaloko sa gagong yon. I cant choose Boo either coz I know di naging strong feelings nya for me. And sinibukan naman nya ako mahalin kaso hindi talaga. (But totoo lang din, pwede ko sya piliin coz he is my happy pill). 

At syempre sa mga previous ex, wala na lalo pa ako gusto. 

Sabi ko mahirap sagutin theb sabi nya "hindi ako no?" Sabi ko oo and I cant choose him coz its too early to tell. 

Pina exclude nya sarili nya, i chose Kalbo. "Mahal mo talaga sya no?!", sabi ko oo. Kaso di naman nya ako pipiliin.

Later on, after ilang tawanan and kwentuhan, bumalik sa bolahan. 

He keep telling me im beautiful. Ang ganda daw ng smile ko. Sabi ko nga "alam mo ikaw lang nakakakita saken ng bagong gising", "mabuti naman" sabi nya. Hahaha

Then sabi nya "i love your eyes. I love your nose. I love your cheeks. I love your forehead. Sabihin ko sana eyebrows", sabi ko "kaso wala ako kilay hahaha", he continued "i love your lips. Baby ang ganda ng hair mo"

Sarap pakinggan no?! Kaso alam ko, may halong bola lahat sinasabi nya.


Oh.. nung unang tawag pala nya kagabi, sabi nya kaya daw nya kina-cancel agad yun calls nya kase nga he's driving. And if ganon daw, lalo na pag late dumarating notif ng wechat, I should call him back daw. "Baby, pag ganon na late dumarating notification, tawagan mo ako. Wag ka mahihiya tawagan ako." Eh nahihiya nga ako kase. Hahahaha

Saturday, October 14, 2017

Wednesday, October 11, 2017

Pissed

I was PMS'ng the past week kaya I get irritated easily. There's a reason too, I didn't just got mad you know.

Of course he tried to message and call me. It wasn't enough. Alam mo yun kapos na kapos sya sa oras nya for you? Yung mega abang ka lang. I know he's busy. Pero ang dami pa ring oras to text. Even yun mga tipong "hey Im home na and still alive by the way".

Feeling ko, wala sya sa mood kausapin ako at nauubliga lang sya kaya he still calls and message me. Pag kausap mo sya, wala sa ayos. Wala sa kausap yung attention nya. He's texting, tapos kung ano ano ginagawa. He also went to his cousin's place, mag stay sya for a month coz nag bakasyon ata. And babantay sya sa dogs. 

I blocked him few times on wechat. Pero couple of hours lang. hanggang mahimasmasan ako.

On weekend I blocked him again, I was so pissed. So he called and text me on my phone na. Not sa wechat and finally contacted me on viber. I know matagal na ulet active ang viber nya, di ko lang sinasabi sa kanya kase ayoko ma gawing issue pa. But when I said na "akala ko ba wala ka na viber?", aba kasinungalingan pa sinagot saken "kakalagay ko lang ulet". Sarap sana murahin eh. Sabi ko na lang sinungaling sya. 

I gave in and talked to him. Pero di pa ako 100% ok. On monday evening nag usap kame, inaway ko na eh. Baket daw ang tapang tapang ko. Nakakainis kase di nya sine-seryoso yun galit ko. All he does is mag joke at lalo pa ako asarin. Later on, nawala na galit ko. Pero ngayon ko na lang ulet na-experience yung ganon. Makipag away sa guy. Si Werner pa ata huli ko inaway. Kase never naman kame nag away ni Raymund or ni Jaypee. 

He used Cassie nga na naman eh. He sent me her pictures, told him wag gagamitin yun bata. Kaya nung monday nag change ng pic sa wechat, picture na nya and he's so pogi. I melt. Hahaha 

Since ok na kame on monday, medyo matagal din kame nag usap. Thanksgiving nila kaya wala sya pasok. He went out din kase may gagawin silang fence ni Lawrence. Ang di ko naintindihan is kung kaninong tita, tita ba nya or tita ni Lawrence.

Anyway, di ko na sya nakausap ulet after that. Didnt text me kung nakauwi na sya. Or ano man. 

Yesterday, sad ako. Nag away kame ni daddy and I wanted to talk to him sana. Kahit text man lang. but i didnt hear from him nga. 

Last night, nag morning lang sya. Then nag message lang nung madaling araw saying wala syang data. Tapos this morning nag text na nasa house na sya ng pinsan nya. That's it. 

Nakaka sad lang. Kase I need him eh. Pero baket ganon? Wala lang sa kanya? This is the second time na may sad moment ako and I need him pero wala sya paki. 

Ang may paki lang sya lagi eh pag nakikipaghiwalay nako.

Nahihirapan ako makipag communicate sa kanya, bukod sa madalas sya walang paki at di nya sineseryoso mga sinasabi ko eh, wala pa kaming malinaw na line pag magkausap. So alam mo yon, nakakasira ng pag eemote yun putol putol na linya. Thank you sa internet! Thank you PLDT ah! Hehe

So kanina, i sent him a message para mag goodnight na lang. later on, i opened viber. Yun, 13mins last seen online ang gago. Eh tangna kanina pa ako last nag message eh.

I sent him a message there saying "Online 13mins ago, pero di ako makuha i-message.  👏🏻" then I blocked him again. This time I blocked him on viber, wechat and sa contact list ko. Medyo pissed off ako. Ayoko ng kung kelan lang nya feel tsaka nya ako ime-message. Kabit na nga lang ako eh, wala pa oras. Kala ko pa nga sa number 2 mas marami ang oras. Not on this one. 



Oh ano Cheryl, ano na plano mo? Gusto mo pa ba talaga ituloy yan? Tama na! Tumigil ka na. Putulin mo na. Nakikita mo na nga na di ka importante eh. Mas pinipili mo pa yung kapiranggot na saya kesa sa mas malaking saket? Hanggang ngayon masukista ka pa rin? I-level up mo naman sarili mo! Nawawalan ka na ng respeto sa sarili mo. Bigyan mo ng kahit konting importansya at mahalin mo sarili mo uy. Kahit 30% lang. Putulin mo na yan. Wag ka pumapayag na lagi ka na lang on the side. Kung di ka tinu-two time, ikaw naman ang pangalawa.  Ikaw kase, binuksan mo na nga puso mo, pinalambot mo pa ulet. Ok ka na before diba? Tigas ka na eh. Masaya naman yun mga panahong di ka naiinlove diba? Di mo ba na-enjoy yon? Yung walang nakakasaket ng damdamin mo? Hindi sya worth it. Not until siguraduhin nyang ikaw na nga pipiliin nya. Na ikaw na lang ang babae sa buhay nya. Yung wala ka kahati at lalong hindi ka nakikihati. at pag binigyan ka na nya ng importansya. Isa pa, di ka naman sure kung in love ka sa kanya eh. Walang maidudulot yang putol putol mong kilig. Wake up and give yourself the right to be happy.