Monday, October 15, 2007

reminiscing 10-15-05

Today, it's been 2 years since Beb & I first met (in person). Unang nag-exchange kame ng messages was August. Exchange numbers, and panay texting lang. Was supposed to meet him at the RX's anniversary party in Dish ABS-CBN. Pero di na ako makalabas dahil sa dami ng tao, and ayaw rin naman nya pumasok sa loob. Sayang.

I always see him online on YM, pero I didnt bother to message him. Until, one time nag-chat na rin kame, October din yon.

Tapos, he asked me na if we can meet ng saturday, Oct. 15, 2005. Kesyo he has a free 1 hour ticket daw para mag ice skates kame. Parang go naman ang lola nyo kase, never ko pa na-try. Usapan namin was 10am, darn ang aga. Para daw pag-open ng mall and para di maraming tao. Ayoko rin kase ng matao, isa pa, first time ko if ever mag ice skates, dyahe ako.

Night before kame magkita, nag-chat pa kame.

Ready na ako umalis, talked to Jem. She told me na parang lugi ata ako, baket malayo saken. I said its ok, kase gusto ko nga rin i-try.

Nagdalawang isip bigla ako, parang ayoko na umalis, and I thought of not coming at hayaan na lang sya don. He texted me past 10 that he's already in Megamall, nasa bahay pa ako. I left before 11, pero kinakabahan pa ako and nagdadalawang isip pa rin. Di man lang ako nagmadali. Nag-jeep lang ako, tas MRT. Di ako nag-cab. Hehehe

Pagdating ko ng Megamall, syempre bumaba ako. Sakto pa pagbaba ko, may muntik ako mabanggang guy. Lumabas sya galing don sa Surplus. So, lakad.

Lakad si Cher. Tapos, I texted him that I'm going to the restroom muna sana. Eto lang di ko matandaan, if he called me or I called him. He said he was wearing black shirt and black cap. May mga chinese characters yun t-shirt nya. And then sakto pagkakita ko sa kanya, natawa ako kase sya yung guy na muntik ko mabangga pagbaba ng escalator.

And then, biglang sa isip ko Syet, ang liit nya. Hahaha mukha kase syang malaking lalaki sa picture. Parang ma-ala Vin Diesel naman kase ang dating sa picture. Akala ko ang tangkad na malaking katawan. Medyo Turn off pa. Hehehe

He said, tamad na sya mag ice skates, buti na lang kase ako din. So we decided to watch na lang.

Wala masyadong magandang choices. So, pinanood namin is 40 year old virgin. Funny sya. And halos di kame nagkikibuan inside the cinema. Pero sa totoo lang, slight naghihintay rin ako kausapin nya ako and makipag kulitan. Nakakatawa pa, kase nagkakabungguan kame ng siko, syempre iiwas ang isa. Hehehe lumalayo pa nga ako sa kanya, he's on my right and sumusuksok ako sa left ko. Mukhang timang.

After the movie, we ate late lunch at Mann Hann. At masaket po ang ipin ko. Kase nga naalis yung molar band ko non. May dentist appointment dapat ako that day.

He's going to Makati daw kase imi-meet nya friend nya. May birthday or something. Pero 6pm pa, and natapos kame kumain past 4. Hatid na lang daw muna nya ako tsaka sya pupunta ng Glorietta. So, nag-cab kame.

Eto pa ang chikahan while nakapila kame at naghihintay ng cab. Kesyo, may plan na raw sya umalis ng first quarter ng 2006. Punta raw sya HK. I forgot na kung ano ang reason, ngayon alam ko na. I asked him din kase baket di na lang sya sumunod sa parents nya in the US.

Pag dating namin sa bahay, stay daw muna sya. Pa-simple pa eh no?! Since saturday yon, halos kumpleto tao sa bahay. Tapos nandon din tita ko and mga pinsan ko. Bitbit ng tita ko yun baby naming pinsan, si Angelo. He's one and since bihira lang namin makita, namimili sya ng mga sasamahan nya. Aba, binuhat ko, umiyak. When he saw Raymund, nagpakarga. Hahaha nagulat kaming lahat kase di naman nya kilala si Raymund, pero baket sya sumama. Twice sya nagpabuhat ah. Kakatuwa.

He left ng 6, hinatid ko sya sa may kanto. Pagbalik ko ng bahay, interview na. BF ko raw ba, kapalit daw ba ni Werner, etc. Sabi ko hindi ko sya bf.

I invited him pa, kase birthday celebration ni Derick yon, may painom sya. Hindi na raw, since may commitment na nga sya.

Around 8 or 9, after mag-dinner he texted me. He asked me if I want to go to Makati at gumimik. Dalawa lang daw sila at di dumating yung ibang friends. If ok lang daw, bring a friend, dapat daw girl and single. I thought of Charlyn, kaya I asked her if pwede sya.

Parang yoko nga rin umalis ng bahay non, kase PBB hehehe.

Nangyari, umalis din ako, before 12. Napilit ko si Charlyn. Nasa Big W lang daw sila, pero nung on the way nako kila Charlyn bigla nag-text na mag-clubbing na lang daw. Yari, di ako nakapang gimmik. Hahaha

Naghihintay na sila samin sa labas ng Big W pagdating namin. Sakay uli ng cab and we went to Fort Bonifacio. We went to Embassy. Went dancing.

We left ng before 4, kase kailangan umuwi na si Charlyn. I had a great time naman non. Tapos hinatid namin si Charlyn, and then ako na. Si Mike di ko sure kung talagang tulog sya sa cab. Kame naman ni Raymund, nagkukulitan lang. Ayoko pa rin umuwi non, tinatanong ko sila kung san pa sila after. Di rin daw alam at baka umuwi na lang.

Sa totoo lang, sa Embassy pa lang, I wanted to kiss him. Malandi. Parang meron lang connection na di ko mawari. Kahit alam kong di ko sya type, parang gusto ko pa rin sya i-kiss. Bad trip.

And then, before ako bumaba ng taxi, I said bye. And he grabbed my arm. Biglang ni-kiss ko sya. Nagulat ako sobra. Pagkababa ko ng taxi, sobrang nahiya ako. Di ko alam gagawin ko.

He texted me pag-uwi nya, I said I think I kissed you, sorry. He said yes you did. Ok lang daw yon, he wanted to kiss me rin naman daw.

Gosh, fresh na fresh pa sa utak ko yung araw na yon. And ngayon, nire-reminisce ko na lang sya. Masarap sya alalahanin. Pero masarap sya alalahanin din kahit kung magkasama pa sana kame. Ngayon, di na namin mapag-kwentuhan yon. Tuwing naaalala namin yung incident na ni-kiss ko sya, tumatawa kame parati. And hanggang ngayon nahihiya ako sa ginawa ko, pero di ko pinagsisisihan.

And I miss him so much.

Saturday, October 13, 2007

do you ever?

Think of me? As in, kahit sandali?

Do you miss me? When you're at work, tapos pag nagte-text tayo. And kinukulit kita, I'm making you smile kahit sangkaterba trabaho mo? Or do you even miss waking me up in the morning sa mga texts mo? How about our simpleng tampuhan? Or yung pagre-relieve mo at work and then pinupuntahan kita, nag-stay ako til malapit ka na umuwi. Tapos, nasa roof top lang ako, waiting for you. Don lang tayo, naglalambingan ang nagkukwentuhan and nagyo-yosi while break mo.

Or pag sunday, when you visit your kid, diba pinupuntahan mo rin ako after seeing Alexa?

Do you still get sad pag oras na para umuwi ka, and pupunta ka sa locker to leave your phone? Eh yung pagsakay ko sa bike mo, tapos hina-hug kita ng mahigpit, and I keep whispering I love you in your ear? Do you miss them?

I miss them, Beb. I miss them so much. And it hurts so bad. I want to delete all your messages on my cellphone para wala na ako naiisip, even our pictures. I even thought of deleting you on my friendster. I want to send you a message to change/edit your name na para di kita mahanap. I hate that I can still check your account and see your picture with her.

Tapos lagi ko tinatanong sa sarili ko, baket hindi ako ang una mo nakilala. Baket hindi na lang ako? I want to be the one to comfort you, hug you, kiss you and welcome you when you get home from work. I want to be the one you first person you see when you open your eyes, may it be in the middle of the night pag naalipungatan ka or when you wake up in the morning. And I want to be the last person na makikita mo before mo ipikit mga mata mo. Gusto ko, ako ang naghahanda at nagluluto ng pagkain mo. I want to make you happy. I want to be the mother of your children. And I want to love you more.

I miss you so much. And I'm so longing for your love, and your hug. I miss you saying "I love you Beb!" or yung pag nangungulet kang "Hay naku, I miss you". They really make me smile. Yung mga titig mo na nakakatunaw, I miss it too. Kahit nga yung mga arguments natin, nami-miss ko.

And I want to know if, nami-miss mo rin ba ako? Kahit, konti lang?

Friday, October 12, 2007

from Grey's Anatomy

The most hurtful kind of lies are the ones delivered by the people you care about the most. It makes you doubt everything you know & makes you wonder why you care so much & worst of all, it puts you in the position of deciding whether to tell them you know they're lying or act like you're too dull to even know the difference.

Keep this in mind, the next time you lie to someone who cares about you because more often than not, they know & it hurts a lot.



Thursday, October 11, 2007

bluer than blue

*Sigh*

I am missing him. And I dont know why, naaalala ko sya for almost 2 weeks now. Nakakalungkot, kase I'm longing for his hug, kiss, touch, smile, and love.

I miss everything about him and I dont know what to do so I wouldn't think of him. I've done everything I know. I've kept myself busy from watching tv, going online, visit/read blogs, pati kumain.

I keep watching tv/dvd para pagod na pagod na mata ko pag matutulog ako at pipikit na lang. But while lying in bed, kahit gaano ako kaantok, biglang hi, isipin mo ako. Nakakaasar.

What do I have to do to get him out of my system? It breaks my heart whenever I think of him. And its really really hard to pretend that I'm ok. Lalo na sobra ako mag-pretend in front of the people who doesnt know what really happened.

Thursday, October 4, 2007

sigh

It's tough when people start to leaave you hanging...


It's even tougher to pretend that you dont mind...










Darn perfect.. Tsk tsk tsk

Monday, October 1, 2007

ikaw na naman

Yesterday, palagi sya nagpa-pop up sa mind ko. Bigla na lang maiisip ko sya. Hindi ko alam kung baket. Wala naman akong nakita or narinig na magpapa-alala sa kanya.

Nag-start nung hapon yon.

Before kahit makarinig ako ng songs ko for him or songs namin, medyo deadma ako. Pero kahapon, after nya pumasok sa isip ko, sakto naman nakarinig din ako ng song ko for him, na-sad ako. Tapos kahit nasa service kame, naiisip ko sya. I feel bad nga, kase habang nagdadasal, bigla bigla, sya ang nasa isip ko. Ang sama.

Pati papunta Makati for dinner, naiisip ko sya. Nakakainis. Hanggang pauwi, naluha luha pa ako while on our way home. Buti na lang sa likod ako naka upo. Hehehe

Nanonood ako ng tv, sya pa rin. Nakakainis. Ngayon ko lang sya naisip ng ganito. Last na kase yun first week lang na hindi sya nagparamdam. Pero after non, parang ok lang ako. Nakakayanan ko di sya maalala.

Kahit pa minsang inis na ako pag nanonood sa ANC dito dahil sa senate, deadma lang naman ako. Kahit pang alam ko gawa nya yung mga graphics na lumalabas don.

Bago ako matulog kagabi, umiyak ako. Bigla lang. Naiinis tuloy ako. At kagabi lang ako umiyak since nung di na sya nagparamdam. Palagi lang ako, naluluha lang. Kagabi, iniyak ko sya. Hindi ko alam kung baket.

Pero, naramdaman ko atang masaket pa rin. Di ko ma-deny sa sarili ko kahit pilitin ko wag isipin, na masaket yung nangyari. Na totoo na ito. Na iniwan na nya ako at wala na akong magagawa.

Ayoko na sana i-blog pa ito, pero parang di ko rin maitago. Mali mali na naman ako sa trabaho ko kaninang umaga. Hangover pa. Parang wala ako sa sarili sa mga ginawa ko.

Ayoko ng ganitong feeling, kaya nga dina-divert ko lahat ng atensyon ko sa kahit anong pwede ko pagka abalahan. I really need to get him out of my system