Sunday, September 9, 2007

bitterrrr


Nagiging bitter nako. Paranoid. Nabu-bwiset na rin ako.

Punyeta, ang hirap magpaka-martirrr. May baet pa naman akong natitira. Pero gusto ko ata gumanti. Naiinis ako. Gusto ko makarating sa asawa nya. Para mag-away sila. Leche! Pero ang sama ko na para gawin ko yon.

Pero di ba sya masama? Teka, alam naman ng asawa nya babaero sya. Bwiset talaga. Alam nyo yon, sa inis ko talaga kung ano ano na kabalastugan pumapasok sa isip ko.

Pero eto pa, feeling ko I'm almost over him.. Ata. Oo, paminsan minsan napapa-isip pa ako. Mahal ko yung gagong yon no. Pero minsan, naiisip ko, okay lang to. Keri ko yan. Tsaka pag naiiyak ako, di na ako yung iyak na talagang hagulgol. Naiiyak ako na tipong, may tumutulong luha, pero ganon na lang. Tapos napapaisip ako, mahal ko pa nga kaya sya? Baket ganito na lang iyak ko? Or siguro, pagod nako. Eto na yun hinihintay ko, mapagod.

Kung pagod nako, salamat naman.

Pero... baket parang di pa rin ako matahimik? Parang kailangan ko sya i-text. Gusto ko magpaalam. Di ko alam kung tama o mali kung ite-text ko sya. Baka mangyari magtext lang kame, mag-explain. Maging ok pa kame. Or pwede ring, hindi sya mag-reply, baka sumama lang loob ko. Or baka biglang, ako pala hinihintay nya. Or ako pala ang may kasalanan, meron pala akong nagawa. Pero ano ba talaga ang problema? Gusto ko malaman.

Bwiset na buhay to. Tapos, araw araw sinisilip ko kung nag log in ba sya sa friendster. Pati asawa nya. Lintek na yan. Tapos, pag nakikita ko si wifey, napapasabi ako lagi ng ano ba tlga meron ka, baket di ka nya maiwan? Grrrr

Kakainis. Di naman sya maganda. Nakakainis, kase alam naman ni beb marami kulang kay wifey. Alam naman nya mas kaya ko ibigay kailangan nya. Di nya maiwan, rason nya "ayoko masira marriage ko".. Potah talaga. Oo, andon nako. Ayoko rin sirain marriage nya eh. Pero, pano pa sila kung palagi naman walang panahon. Laging wala yung isa. Ayaw magka-anak, marami pa raw gustong gawin sa buhay, what an excuse? Paksyet. Baket ka nagpakasal? Ka-bwiset na sagot eh. Gusto pa mag-travel, RICH ka? Pero alam mo yon, dami ka pa pala gustong gawin sa buhay mo, wag ka muna mag-asawa.. Syet, bata ka pa kase eh.

Sabi sa inyo, bitter eh.

Akin lang, kung marami ka pa gustong gawin sa buhay mo, kung gusto mo mag-travel at gumimik ng gumimik, wag ka muna papatali. Ano ba ine-expect mo gusto nung lalaki? Gusto din nya mag-travel at gumimik kaya ka pinakasalan? Gustong gusto na kaya mag-pamilya nung isa. Sana pumirmi lang sa bahay.

Maloloka ako.

Sana, at ipagdadasal ko ito na ang huling entry ko para sa lalaking yan. Putek, ang dami kayang lalaki. Ang dami nagpaparamdam dyan, ang dami pumapapel, kaya ko syang ipagpalit. Hahaha parang tunay ah.

I know naman, he'll always be in my heart, kanya to eh. Kung magkakaron ng bago, wish ko lang, masakop din nya lahat ng para kay rv.

For everyone ang entry na to. Gusto ko mabasa ng lahat na bitter ako. HAHAHA

Pasensya na kayo, napupuno lang ako. I need closure talaga kase. Hangga't wala, mahihirapan akong matahimik.

Friday, September 7, 2007

malapit lapit na

Isang linggo na lang, aapak na naman ako sa magandang buhangin ng Boracay. Hmm may makilala kaya ako? Hehe

Magkikita kame ni Yen don. Makikigulo lang ako. Tapos magso-solo, soul searching daw. Hahaha papalipas lang ng problema kay kalbo. Tapos non, siguro okay na ako. Kung sabagay, nararamdaman ko naman ngayon na nagiging okay nako. Parang di ko na makuhang isipin syang maige at iyakan ang gago.

So, di ko na ba sya mahal? Malay ko. Basta ang alam ko, dahil siguro sa wala kaming paalam sa isa't isa, parang kaya ko pa. Pero siguro marinig ko ang boses non or makatanggap ako ng text sa kanya, goodluck na lang.

Gusto ko na mag-shopping ng mga gagamitin ko sa Bora. Gusto ko bumili ng new pair of swim suits, Havaianas, shorts, tank tops, etc.

Basta excited ako. Nami-miss ko rin si Boo. Ilang araw na kame hindi nagte-text. Biglang nawawala mga lalaki ko. HAHAHA

Tuesday, September 4, 2007

confirmed!


I'm so going to Boracay next week. I finally booked myself to Cebu Pacific. May nag-back out ata, haha medyo napamura yun ticket kaya balik Cebu Pacific, yun sa PAL kase mas mahal na uli dahil di siguro ako nakakuha ng mas maaga.

So ayon, I asked my dad if I can use my card na lang para makakuha ng ticket, e-ticket nga lang ako pero ok na rin. So this evening, nag-book nako. WEEEEE!!! So, siguro before the end of the week, magde-deposit nako for the hotel. I will be staying at Royal Park. Kay ate Marilou ako nagpatulong. Yon nga lang, Yen, magkalayo tayo ng tutuluyan. Di ko nga lang alam kung 1 night lang muna kunin ko don tapos lipat na lang ako eh. Baka kase may mas ok na affordable pa uli diba. Oh well, bahala na.

Kaya Yen, I will be seeing you next week. Siyet! Excited nako.

Monday, September 3, 2007

hi

So, nasa blogger na naman ang lola nyo. Hehe

Excited ako for my Boracay trip this month. Kaya lang, di ko pa makulit ang tatay ko para sa perang kailangan ko. Madalas kase syang mainet ang ulo. Pero alam naman na nya, kailangan ko lang daw sya i-remind. Pero hinihintay ko yun jolly mood nya para mas maganda.

Tapos, nalulungkot pa rin ako. Pano, tatlong linggo na.

Gusto ko na talaga sya i-text grrrr