Thursday, October 11, 2018

Tripping

So, halos one week kame hindi nakapag usap. Yesterday, he messaged me. Kesyo bantay saradaw daw sya nung weekend. I said ok lang yon. Humingi sya pasensya and said he misses me. Sarap kaya pakinggan, paulit ulit nya sinasabi na "I miss you, Miss na miss kita" at medyo nilalakasan pa boses, lam mo yon.

Alam mo ba, dati magso-sorry lang sya or magsasabi ng pasensya na kapag nag-away kame, or galit ako. Pero ngayon, humingi na sya ng sorry at pasensya kapag hindi nya ako natawagan. Or pati nung tinatawag tawagan nga ako ni Avi sa IG.

Anyway, last night nag-message sya saken. His first message was Mwah. Here it goes...

BB: Mwah
BC: ?
Who's this please
BB: ?
BC: ??
BB: Anong who's this
BC: Sino ka
BB: Okey kalang?
BC: Oo. Eh sino ba to?
BB: Si big bear
BC: Ha?
Sorry, di ako nakikipag usap sa di ko kilala. At kung nangti-trip ka, wag ako
BB: Si jay
BC: Jay who

Di ko na napigilan, tawang tawa nako eh.

BC: Hi babe hehehe mwah
Inaantay ko sabihin mo "eh di yung mahal mo!"
😘😘
BB: Nagagalit nako
Kanina
Lol
BC: I love you
BB: Kala ko may kupal
BC: Kinabahan ka?
Kala mo may lalaki ako na nakikielam ng phone ko?
Dont worry, sa sabado pa sked namin ng lalaki ko.
BB: Lol wag ka nga
BC: Hehehe

Naaliw ako eh. Ang cute nya. When he called sabi nya, tatawag na sana sya eh. Naghahanap na sya ng pupwestuhan nya.

Ayun. He also called me this morning nung pauwi na sya. BTW, nag-solo na pala sila ni Avi. Iniwan na nya Mama nya sa bahay. :( kala ko pa naman hindi nya iiwan mama nya kase silang dalawa na lang magkasama. Di nako nagtanong pa, nagulat lang ako. Tapos malayo pa sa bahay nila yun kinuha nila apartment. Hay

Then nagkwento sya, medyo may issue sila ng mga pinsan nya. Tinatanong sya kung pwede ba sya ulet magbantay ng bahay/aso. Hehehe anyway, there were times pala na ayaw nya sumagot sa mga text/messages ng mga pinsan nya. So parang mga 2 weeks ago, out of frustration nagsasabi sya kay Avi na sa ayaw nga nya mag-reply eh, blah blah blah na medyo mataas ang boses. Yun pala, nire-record ni Avi and sinend nya sa group chat ng mga pinsan ni BJ. Gago no?! Sabi nya para nya ako tinraydor. Aba oo, sabi ko sa kanya bat ganon, ni-sell out sya. Mali naman. Muntik na raw nya itapon yung phone, pero natatawa tawa na lang sya. Pero sabi sya ng sabi na "gago yan si Avegail eh". Kainis kaya, syempre napasama si BJ. Sabi daw ni Avi, baka raw kase isipin ng mga pinsan ni BJ na dumating lang sya sa Canada, di na sila sinasagot ni BJ. So what she did was, she sold BJ out to save her ass. Tsk tsk



Thursday, October 4, 2018

maxine and cher

Remember BigBear's first ever message to me last year? He said "Maxine Medina?" 😃

Anyway, he always tells me that I, look like Maxine Medina. Alam mo yon, flattered ka pero nahihiya ka kase baka pinagti-tripan ka and duh, sumali ng Miss Universe si Maxine, Binibining Pilipinas yan. Ang layo, sobra. AS IN.

I've been itching to cut my hair for months and I so wanted to get a bangs, a full one. Kase I never had full bangs. Parating kapiranggot lang. I thought maybe I can pull it off. Kaya last August, I went to my fave salon and had my appointment by si Hermes. This is my 3rd with him, but second haircut.

I trust him so much kaya I asked if bagay nga ba sa akin. And sabi ko i-cut na rin nya hair ko, sayang naman diba babayaran ko if bangs lang talaga pinunta ko. I was hoping na i-layered nya, and basta mapaganda nya yun hair ko.






Pero hindi yan ang gusto ko i-blog. Hahahaha

So, back to Maxine Medina. Last weekend was the ABS CBN Star Magic Ball. I saw Maxine's post on IG, waaahhhhh parehas kame ng hair. Hahaha

Of course not super diba. But may bangs na sya. And I remember kinabukas after ko magpa gupit, nag-try ako i-curl ang hair ko.

I wanted to try it again at itabi sa picture ni Maxine. Hihihi I havent told BigBear. Ayoko isipin nya na feel ko na kamukha ko nga si Maxine. Tho, I know pa rin na hindi naman.

So, here it is...