Tuesday, March 15, 2011

Lito much.

Ok. Dami atang boys sa buhay ko kaya nalilito nako.

May times nagkakasabay na nami-miss ko... Si Jaypee or si Raymund. Labo. Ang hirap kase ako mismo nalilito. Pag masyadong masaket, alam ko si Raymund yon. Pag si Jaypee kase, sakto lang. Pero minsan talagang halos sabay sila or magkasunod na araw.

Eto naman ngayon, meron ako nagustuhan. Dalawa sila. Parehas drummer. Nung una syempre ang crush ko ay si Drummer #1. Kaso hindi masyado. Kase parang ilang ako sa kanya. Tsaka feeling ko naramdaman nyang crush ko sya kaya parang mailap sya saken. Hanggang nawala sya sa sirkulasyon. Nagkaron ng bagong banda. So nagkaron ng bagong drummer ang band na ito. Ito naman si Drummer #2. Napansin ko sya kaagad, kase ang tangkad nya. Semi kalbo pa. Semi kalbo rin naman si #1. Pero kase sya parang cute lang kaya crush ko sya. Si #2, parang ok eh. Pero syempre ilang months before naman namin naka-chikahan si #2.

Nawala ako ng matagal, well isang buwan din. So matagal ko sila di napapanood. Sa pagbabalik ko, napansin ko sya ulet. Kaso naka salamin na, parang mas naging cute sya. Naku, nung gabing yon mismo kilig na kilig lang ako sa kanya. Hanggang sa mga sumunod na linggo, kinikilig nako sa kanya. Dagdag mo pa, naging ka-chikahan namin sya at naging close na kame. He gave me his number, tapos nagcha-chat na kame. Tuwing break time nila, tumatabi sya saken at nakikipag kulitan lang.

In short, type ko sya talaga. Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil nakatulong sya sa pag move on ko kay Jaypee. Kaso nawala na rin sya sa banda dahil bumalik si #1. Kaya huli ko sya nakita ay birthday ko pa. Ka-sad.

Ngayon, sa pagbabalik ni #1, naging close din kame. Lagi na rin kame chat, at nagkukulitan. Kaso di ko na sya gaano type. Oo, I still find him cute. Pero di ko sya type tulad ng dati.

May mga ibang pangungulit na rin sya saken. Haay.

No comments: