Thursday, April 14, 2011

Let go?

Just a thought... Mas makabubuti kaya kung tumigil na rin kame sa pagkakaibigan ni Jaypee? Di pa rin natatahimik si Joyce at kinukuwestyon pa rin ako eh. Though, ngayon alam na nya kung sino nga ako... Na ex ako ng barkada ni Jaypee. Pero hanggang don lang alam nya. Tama ang duda ko na tatanungin nya yun isang common friend namin. Well, di ko naman friend talaga, nakilala lang din. Asawa naman to ng ex ni Joyce na kaya ko nakilala dahil yun asawa nya, naging ex ng pinsan ko. Hahaha ang gulo diba?!

Nakita malamang ni Joyce na friend din ako ni Angel. And sabi ni Jaypee, duda daw nya nga na si Angel nagsabi kay Joyce na ex ako ni Gee. Pero ewan ko lang kung hanggang ngayon dapat pa rin ako pag-awayan. Dahil wala naman alam si Angel about me and Jaypee. So di naman kaduda duda. And teka nga, kahit naman malaman nya na ex din ako ni Jaypee, eh hello naging kame nung break sila.

So, naisip ko nga lang, itigil ko na kaya ang pagiging kaibigan nya. Mas okay kaya kung buburahin na rin namin isa't isa sa Facebook? Wag na kame mag-text?

Ayoko yon, kase kahit pa wala na akong feelings for him, kaibigan ko rin naman sya. Pero kung yon ang iisipin ko, selfish kaya? Ayoko maging selfish, kaya kung mas matatahimik si Joyce ng wala ako sa buhay ni Jaypee, lalayo na lang ako.

Tuesday, March 15, 2011

Still.

Ikaw pa rin ang Happy Pill ko eh. Kahit anong gawin natin, ikaw pa rin.

Hindi naman kailangan bumalik sa dati. Di naman kailangan maging mag MU muli. Masaya na akong magkaibigan tayo at napapangiti mo ako ng di mo namamalayan. Or mali ako, dahil alam mo na dati pa na napapangiti mo ako parati.


Ikaw lang ang may ganitong epekto saken eh. At kahit kailan, maganda timing mo.

Gusto ko lang magpasalamat sa iyo. You're my one and only Happy Pill, Jaypee!

Lito much.

Ok. Dami atang boys sa buhay ko kaya nalilito nako.

May times nagkakasabay na nami-miss ko... Si Jaypee or si Raymund. Labo. Ang hirap kase ako mismo nalilito. Pag masyadong masaket, alam ko si Raymund yon. Pag si Jaypee kase, sakto lang. Pero minsan talagang halos sabay sila or magkasunod na araw.

Eto naman ngayon, meron ako nagustuhan. Dalawa sila. Parehas drummer. Nung una syempre ang crush ko ay si Drummer #1. Kaso hindi masyado. Kase parang ilang ako sa kanya. Tsaka feeling ko naramdaman nyang crush ko sya kaya parang mailap sya saken. Hanggang nawala sya sa sirkulasyon. Nagkaron ng bagong banda. So nagkaron ng bagong drummer ang band na ito. Ito naman si Drummer #2. Napansin ko sya kaagad, kase ang tangkad nya. Semi kalbo pa. Semi kalbo rin naman si #1. Pero kase sya parang cute lang kaya crush ko sya. Si #2, parang ok eh. Pero syempre ilang months before naman namin naka-chikahan si #2.

Nawala ako ng matagal, well isang buwan din. So matagal ko sila di napapanood. Sa pagbabalik ko, napansin ko sya ulet. Kaso naka salamin na, parang mas naging cute sya. Naku, nung gabing yon mismo kilig na kilig lang ako sa kanya. Hanggang sa mga sumunod na linggo, kinikilig nako sa kanya. Dagdag mo pa, naging ka-chikahan namin sya at naging close na kame. He gave me his number, tapos nagcha-chat na kame. Tuwing break time nila, tumatabi sya saken at nakikipag kulitan lang.

In short, type ko sya talaga. Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil nakatulong sya sa pag move on ko kay Jaypee. Kaso nawala na rin sya sa banda dahil bumalik si #1. Kaya huli ko sya nakita ay birthday ko pa. Ka-sad.

Ngayon, sa pagbabalik ni #1, naging close din kame. Lagi na rin kame chat, at nagkukulitan. Kaso di ko na sya gaano type. Oo, I still find him cute. Pero di ko sya type tulad ng dati.

May mga ibang pangungulit na rin sya saken. Haay.