Monday, August 11, 2008

it's been a year =(

Isang taon na rin ngayon nung iwan nya ako. Ganitong araw nung isang taon na hindi na nya ako ti-next. Na binaliwala ko, dahil akala ko late lang sya sa trabaho. At akala ko dahil lang sa may tampo ako sa kanya day before.

Miss ko na sya. Nami-miss nya rin kaya ako? He'd be crazy not to. Kapal ng mukha ko.

Alam naman nya kung gaano ako nasaktan. Hindi pwedeng hindi nya alam yon. Dahil alam din nya kung gaano ko sya kamahal.

Dalawang linggo na ako nagpipilit manahimik. Lahat ng iniiwasan kong maalala tungkol sa kanya. Ayoko marinig yung mga songs, ayoko makakita ng kalbo, ayoko makarinig ng kapangalan nya, ayoko makakita ng mga palabas or actors na alam kong pareho naming or nya gusto. Dahil nasasaktan ako.

Isang taon din akong umiiwas. And sa tingin ko, panahon na para harapin ko lahat ng multong yan. Kailangan ko na harapin ang mga iniiwasan ko. Ngayon, ako ang maghahabol sa kanila.

Ibubuhos ko lahat ng iyak ko. Yun isang taon kong pinipigilan. Feeling ko sasabog na ako kakaiwas ko eh.

Alam nyo yon, nung papuntang Ilocos, gusto ko sumigaw sa bus para patigilin yun palabas. Kase nasasaktan ako. Sa Niche, ilang ulet kinanta yung I don't wanna miss a thing, gusto ko sumigaw at umiyak. Pero nagtago ako sa CR para iiyak ng konti yun nararamdaman ko. Di ko mapigilan eh. Kapag nasa Niche din, nasasaktan ako kase nakikita ko yung ABS-CBN. Lalo na pag naiikutan yun kung san sya nagpa-park ng bike nya at kung san nya ako sinusundo/hinahatid.

Pangalan pa ng Pastor namin sa church eh Raymund. Maliit din sya. Hehe

Alam nyo yon, ang saket kase biglang natapos ng wala akong alam. Yun iniwan ka na lang bigla.

Di ko nga alam kung alin ba talaga ang mas masaket, yung tulad sa karamihan sa inyo na, naghiwalay na kayo na alam nyong tapos na. Or yun ibang kinukulit pa rin ng ex pero di naman malaman kung ano gusto. Or yung nakikita mo pa ba sya kahit di na kayo nag-uusap. Or yung pinipilit mo pa makipag-balikan pero ayaw na nya. Or binabalikan ka nya pero ayaw mo na kahit gusto mo. Or tulad saken na iniwan, walang explanation at alam kong hindi ko na sya makikita at makakausap pa.

Ang saket saket. Kase alam kong mahal nya ako. Pero alam naming hindi pwede. Ang tanong, mahal pa nga rin kaya nya ako ngayon? Alam nyo na ang linya ng karamihan, na hindi na raw mawawala ang pagmamahal nya or "you'll always be in my heart" chenes. Totoo man yon, ayaw ko na isipin. Dahil mas masasaktan lang ako. Mas mabuti nang isipin kong sya na talaga ang mundo nya, sya na lang talaga ang nasa puso nya. At na hindi na lang nya ako minahal talaga.

Kase ang saket diba, na alam mong mahal ka nya pero hindi nya naipaglaban yun pagmamahal sayo. Oh well, hindi rin naman nya pwede ipaglaban dahil mali.

Putang ina, sa lahat ng pwedeng mahalin, may asawa pa napunta saken. Unfair eh.

Pero... gusto ko sya makita. Sabi sa inyo, kahit sulyap lang. Gusto ko makitang masaya sya. Kailangan ko na sya makalimutan. Kailangan na mawala tong nararamdaman ko. Dahil masisiraan na ako ng ulo, kakaisip kong hindi ko na sya makikita. Hindi ko na sya makakausap. Hindi ko na mahahawakan kamay nya. Hindi ko na sya mapapanood matulog. Hindi ko na sya mayayakap. Hindi ko na marinig ang boses nya. Hindi ko na rin lalo maririnig yung I love you, Beb nya. Ang sweet sweet pa naman nyang sabihin yon.

Haaay.. pahirap naman ng pahirap.

Pagpsensyahan nyo na ako sa pananahimik ko ng ilang araw. Kung mag-text man ako pero di pa ako makakulit. Kailangan ko lang gawin to.

No comments: