Thursday, December 4, 2008

gullible ako!

Baket mahirap maging gullible?

Kase pag gullible ka, paniniwalaan mo mga nabibitiwang salita sayo at umaasa kang tuparin nila ito.

Paniniwalaan mo ang mga nasabi sayo na hindi naman nila mini-mean.

Hindi rin naman nila siguro sinasadya na di tumupad, kaso umasa ka.

Naniwala ka na, wala ka pang napala. Napaka olats mo tuloy. Nagmukha ka pang tanga.

Minsan masarap silang sisihin sa mga pangakong napako na iniwan sayo. Pero ikaw din ang me kasalanan. Saklap pa nyan, alam na nilang di sila nakatupad pero parang wala lang sa kanila.

May mga panahong gusto ko itigil ang kahibangan kong isang araw ay tutupad sila. Dahil kahit simpleng bagay lang ito ay nasasaktan pa rin ako.

Gusto ko magmatigas paminsan minsan para di maniwala. Kaso ako ay isa't kalahating gaga, naniwala. Sumama tuloy ang loob.

Pakiusap naman. Minsan kung magbibitiw kayo ng kahit anong pangako, pag isipang mabuti kung kakayaning mo ito. Wag mo paasahin ang isang tao na malaki ang tiwala sayo. Wag mo hayaang umabot pa sa masira pagtingin sayo. Kaw din, baka pagdating ng panahon na di ka na nya paniwalaan, at nawala na sya sa buhay mo!

Thursday, October 30, 2008

confused.

Eto ako ngayon. Simula nung matapos tayong nag-usap, ganito ang nararamdaman ko ngayon. Ang akala ko okay na ako. Ang akala ko masaya na ako dahil nagkalinawagan tayo at masaya ako para sa iyo. Masaya ako sa napili mo, at sa plano mong gawin.

Pero habang lumilipas ang araw, napapa-isip ako. Hindi ko maiwasang isipin lahat ng mga nangyari, at yung napag-usapan nating dalawa isang gabi sa YM.

Sobra akong nalito. Dahil iba ang mga pinakita mo sa akin, mga ginawa mo para sa akin, at mga sinabi mo sa akin. At pagkatapos lang ng nangyari sa trip, ibang iba na rin ang pinapakita mo sa akin at mga kinikilos mo.

Totoo, hindi pa rin ako umaasa na lumalim pa ang mga nangyari. Hindi na ako umaasa na may mas hihigit pa doon. Pero ano ang nangyayari ngayon?

Ibang iba ka ngayon.

Pero tama lang rin yon, para matutukan mo maige yung plano.

Kaso, hindi ko pa rin maubos maisip na, ako'y lito.

Nahulog rin ang loob ko sayo. Hindi ko na kailangan pang ikaila. At akala ko, mga munting ginagawa mo para sa akin at mga kinikilos mo sa akin, merong kahit katiting na pagtingin. Hindi ko maisip na, flirt nga lang ba ang lahat? Ganon ka lang ba talaga makipag-flirt? Sumabay naman ako eh, pero ang mga nakita ko sayo, hindi simpleng paglalandi lang yon.

Monday, August 11, 2008

it's been a year =(

Isang taon na rin ngayon nung iwan nya ako. Ganitong araw nung isang taon na hindi na nya ako ti-next. Na binaliwala ko, dahil akala ko late lang sya sa trabaho. At akala ko dahil lang sa may tampo ako sa kanya day before.

Miss ko na sya. Nami-miss nya rin kaya ako? He'd be crazy not to. Kapal ng mukha ko.

Alam naman nya kung gaano ako nasaktan. Hindi pwedeng hindi nya alam yon. Dahil alam din nya kung gaano ko sya kamahal.

Dalawang linggo na ako nagpipilit manahimik. Lahat ng iniiwasan kong maalala tungkol sa kanya. Ayoko marinig yung mga songs, ayoko makakita ng kalbo, ayoko makarinig ng kapangalan nya, ayoko makakita ng mga palabas or actors na alam kong pareho naming or nya gusto. Dahil nasasaktan ako.

Isang taon din akong umiiwas. And sa tingin ko, panahon na para harapin ko lahat ng multong yan. Kailangan ko na harapin ang mga iniiwasan ko. Ngayon, ako ang maghahabol sa kanila.

Ibubuhos ko lahat ng iyak ko. Yun isang taon kong pinipigilan. Feeling ko sasabog na ako kakaiwas ko eh.

Alam nyo yon, nung papuntang Ilocos, gusto ko sumigaw sa bus para patigilin yun palabas. Kase nasasaktan ako. Sa Niche, ilang ulet kinanta yung I don't wanna miss a thing, gusto ko sumigaw at umiyak. Pero nagtago ako sa CR para iiyak ng konti yun nararamdaman ko. Di ko mapigilan eh. Kapag nasa Niche din, nasasaktan ako kase nakikita ko yung ABS-CBN. Lalo na pag naiikutan yun kung san sya nagpa-park ng bike nya at kung san nya ako sinusundo/hinahatid.

Pangalan pa ng Pastor namin sa church eh Raymund. Maliit din sya. Hehe

Alam nyo yon, ang saket kase biglang natapos ng wala akong alam. Yun iniwan ka na lang bigla.

Di ko nga alam kung alin ba talaga ang mas masaket, yung tulad sa karamihan sa inyo na, naghiwalay na kayo na alam nyong tapos na. Or yun ibang kinukulit pa rin ng ex pero di naman malaman kung ano gusto. Or yung nakikita mo pa ba sya kahit di na kayo nag-uusap. Or yung pinipilit mo pa makipag-balikan pero ayaw na nya. Or binabalikan ka nya pero ayaw mo na kahit gusto mo. Or tulad saken na iniwan, walang explanation at alam kong hindi ko na sya makikita at makakausap pa.

Ang saket saket. Kase alam kong mahal nya ako. Pero alam naming hindi pwede. Ang tanong, mahal pa nga rin kaya nya ako ngayon? Alam nyo na ang linya ng karamihan, na hindi na raw mawawala ang pagmamahal nya or "you'll always be in my heart" chenes. Totoo man yon, ayaw ko na isipin. Dahil mas masasaktan lang ako. Mas mabuti nang isipin kong sya na talaga ang mundo nya, sya na lang talaga ang nasa puso nya. At na hindi na lang nya ako minahal talaga.

Kase ang saket diba, na alam mong mahal ka nya pero hindi nya naipaglaban yun pagmamahal sayo. Oh well, hindi rin naman nya pwede ipaglaban dahil mali.

Putang ina, sa lahat ng pwedeng mahalin, may asawa pa napunta saken. Unfair eh.

Pero... gusto ko sya makita. Sabi sa inyo, kahit sulyap lang. Gusto ko makitang masaya sya. Kailangan ko na sya makalimutan. Kailangan na mawala tong nararamdaman ko. Dahil masisiraan na ako ng ulo, kakaisip kong hindi ko na sya makikita. Hindi ko na sya makakausap. Hindi ko na mahahawakan kamay nya. Hindi ko na sya mapapanood matulog. Hindi ko na sya mayayakap. Hindi ko na marinig ang boses nya. Hindi ko na rin lalo maririnig yung I love you, Beb nya. Ang sweet sweet pa naman nyang sabihin yon.

Haaay.. pahirap naman ng pahirap.

Pagpsensyahan nyo na ako sa pananahimik ko ng ilang araw. Kung mag-text man ako pero di pa ako makakulit. Kailangan ko lang gawin to.

Tuesday, July 8, 2008

stop me from missing you.

As much I don't want to miss you, may magagawa ba ako?

Di ko maiwasan.

Saklap naman oh.

I want to see you. I want to say hi. Hindi ko na alam kung tama pa yon. Pero alam ko hindi ko dapat gawin kahit tinutulak na ako ng damdamin ko.

Ang hirap pigilin yung pangungulila.

Masaya ako ngayon. Pero di ko maiwasang maisip na may kulang. Kulang ka eh.

Ikaw lang naman ang pinaka may kayang buuin ang araw ko. Ikaw lang din may kaya ng sa isang simpleng Hi eh tumatambling na puso ko.

Nagme-melt ako sa tuwing naririnig ko boses mo. Sa mga "I love you" mo, or kahit pa sa "I miss you" lang.

RV, nakakainis ka! Hindi ko alam baket naging ganito ang epekto mo saken. Gusto ko tama na. Sa kanya ka na lang. Sya naman talaga dapat dahil nauna sya eh.

Ang gulo ng utak ko. Ang gulo ng puso ko.

Kung pwede ko lang burahin lahat.



Yung chest pain ko since last week and today, feeling ko sa sobrang nararamdaman ko eh. Hindi sa yosi.








Putang ina, PMS lang to.

Wednesday, June 11, 2008

uy...

zwani.com myspace graphic comments

And its irritating na. Grrr

Wednesday, May 21, 2008

no sparks.

Usapang isparks na rin lang, makikisali na ako.

Yon lang, kung si Mei ay naghahanap or nagtatanong ng kahulugan nito, ako ay nawawalan.

Matatandaang nandito si Boo nung sabado at nagkita kame nung linggo. Pero saglit lang. Siguro mga 10 minutes lang yon. Kasama ko sila Sheldon at king Louie sa may MOA para manood sana ng Pyro Olympics. Ang kaso cancelled na naman.

So hawak ko ang camera ni Shelly at nakikikuha nung dumating sya. Nalaman ko na lang after at nakaupo na kame nila Sheldon sa Pier 1. Tinext nya ako na andon na sila at nakita na nya ako.

Tumayo ako at lumapit. Nahihiya raw syang lumapit eh. At since kasama nya si Dominic nahihiya rin ako makipag-chikahan sa kanya. Medyo di ko feel si Doms, at alam kong ganon din sya saken. Mukhang maka-Joyce kase sya. I don’t mind. Kumare nya yon eh.

So ano napag-usapan namin habang nakatayo kame don? Ewan ko na, halos wala eh. Basta inabot ko lang yun bracelet na pabili ng friend nya sa Galera. Na hindi ko nabili kaya nagpabili ako kay Derick sa Bora.

Di ko man lang nahalikan. Hahaha ni hindi ko nahawakan yung kamay. Buset.

But anyways, may ilang araw na rin naman na naiisip ko, hindi ko na ata sya like. Hindi na ako kinikilig sa kanya simula nung nagparamdam ulet sya. Diba natigil uli yan mag-text, at bumalik lang nung after ng 1st year anniversary naming mag-Boo.

Nakaka-miss yung kilig. Hinahanap ko rin naman yon. Lalo syempre gusto ko pa rin sya i-hug at i-kiss. Pero kahit gusto ko pa yon, baket di nako kinikilig sa kanya? Ang sad. Kase sya pa naman ang nakakatulong saken nung panahong lungkot lungkutan ako kay Beb.

So nabigla akong wala nang kilig. Or siguro pag nakasama ko sya ulet ng medyo matagal, hindi yung 10mins na parang wala lang. Baka kiligin ulet ako.



Ang laki ng problema ko. Hahahaha

Thursday, May 15, 2008

dreaming of you.

I dreamt of him this morning. Oh well, I'm not sure if it was last night or this morning. Basta when I woke up this morning, I just had this memory of having a dream. And I saw him there.

I cant recall the story. Pero all I could remember is that he was there. He sad beside and me nagmama-sweet. Asking for a kiss. I nodded. But in my mind I wanted to kiss him passionately.

Ang saket naman.

I miss him. I've been missing him, everyday.

And I'm missing him so much. There's still this hope na someday, makita ko sya. Tapos ma-ngitian, ma-hug, ma-kiss. And masabihan ulet ng "I love you, Beb!"

Tuesday, March 25, 2008

closure. nga ba?!

So we talked.

I went downstairs to eat sana. When I was at the dining table na, kinakabahan pa rin ako. Kase nga tinext ko na sya. I said "Mon?" Di pa rin sumagot. After 5mins he said "Who is this please?" Aba sumagot na.

Me: Raymund, Che to.

Tumawag. I ran. Umakyat ako sa room ko to answer. Pero di ko na inabutan. I texted him again.

Me: Uhm, I'm not sure if tama pa na kontakin kita. But I just want closure. You just left me hanging eh. I just want to know what happened.

After sending that message his message came in.

RV: Hi... How are you doing?
Me: Ok I guess. Mon, di ako maghahabol or mag hope or something. Explanation lang kelangan ko. I deserve that naman diba.
RV: I know... I'm so sorry. Can I call you? Whats your number at home again please?

I gave him my number. Ang tagal tumawag. Lalo ako natetense eh. Mga 10mins na wala pa, I went downstairs again. May tumawag pa sa daddy ko. He texted me again "Your phone's busy." before ko masagot, nag-ring landline namin. I ran ulet. I answered.

Me: Hello?
RV: Hi. How are you?
Me: Ok lang. (may slight na tone)

Blah blah di ko na matandaan lahat. Palakad lakad ako sa kwarto while hawak yun phone at nag-iisip ng sasabihin.

Later on, umupo ako. Para makalma ko sarili ko.

Nag-explain.

RV: Remeber the last time I almost got caught?
Me: Huh? Kelan? Di ko alam yon.
RV: Basta last time I almost got caught. Blah blah di ko matandaan lahat pano nya sinabi. Sensya na di ako madali makatanda sa ganyan. Hehe

Si Tina daw, dudang duda na. At di na pinapakinggan at bumebenta lahat ng excuses nya. I dont care. Di ko problema kung pano sya lulusot. Problema ko iniwan nya ako.

And he said, sa tingin daw nya that's the only right thing to do. Sabi ko, ganon lang?

Oo daw. He tried many times na raw to get in touch with me but he just couldnt. Magta-type na sya and then ide-delete nya and he'll put back his phone to the locker. Echos. Potah, di ako naniniwala. I dont believe sa lahat ng sinabi nya. Eh baket pa ako nakipag-usap diba?

Gusto ko lang ng kahit anong explanation nya. But I didnt expect na yon ang gagawin nyang excuse. Lame for me.

Sabi ko pa that I'm so mad at him. Naisipan ko sila guluhin ni Tina. (nanginginig na ako nyan swear). Sabi ko kahit gustong gusto ko sya kontakin di ko ginawa lalo na sa legal number nya dahil ayoko maging delikado sya. I wanted to send a message on his friendster but di ko ginawa kase baka makita ni Tina. Sya inisip ko, damn it.

Gusto ko sya murahin. Di ko magawa. Basta sinabi ko lang galit na galit ako sa ginawa nya. Simpleng paalam lang hinihingi ko. Sabi ko ano yon, nagising ka na lang isang umaga ayaw mo na? Basta ang alam lang daw nya mas mabuting iwan na lang ako.

We both know na pag sinubukan pa namin magpaalam sa isa't isa, hindi mangyayari. We've tried so many times to say goodbye. Di namin natutupad yon. Kaya daw naisip nya mas better na yon kesa di pa matuloy ulet.

Sabi ko alam ko kung pano tayo maghiwalay. Sana nagpaalam ka na lang. Eh ano ngayon kung i-text pa kita. Kung ayaw mo na talaga, wag mo pansinin messages ko.

Gustong gusto ko sya sabihang walang b****. Sabi ko na lang ikaw may kasalanan nito. Kagagawan mo lahat to tapos ako ang iniwan mo?!

Parang di na nya alam kung ano pa sasabihin nya. He just sorry talaga. He knows mali daw ginawa nya. Talaga!

I told him pa that ano yon, nag-view pa sya sa friendster ko. He said yes, he just wanted to see how I'm doing daw. Sabi ko ano yon, sana nag-explain na lang sya.

15mins lang ata kame nag-usap, parang yon ang nakita ko sa lcd nung phone. Pero parang wala kame napag-usapan kase mas matagal akong tahimik. I told him di ko na alam sasabihin ko. Tagal ko nag-practice at nagplano. Pero na-blanko nako.

Nung talaga di ko na alam sasabihin ko at feeling ko kase malapit ko na syang murahin, I just said sige na. Ok na. At least alam ko na. Bye. And I just hung up. Di ko na hinintay kung may sasabihin pa sya or what.

And then I cried. Tinigil ko lang coz alam ko kelangan ko na umakyat dito at may mga invoices ako kelangan tapusin.

Thank you guys! Sobra. Salamat sa support. And I know I couldnt do it without you. And ke Boo, sumuporta din sya saken. Hehe katuwa.

Thursday, February 28, 2008

and i'm missing him.

After ko mag-drama about Boo, tungkol ke Raymund naman to. Pasensya na.

Ilang araw ko na sya naiisip. Nami-miss ko sya.

At kaninang umaga, muntik ko na sya i-text.

Gusto ko sya i-text. Gusto ko sya tanungin kung ano nangyari.

Natatakot akong maging too late na ang pagtatanong ko eh. What if, mawala na sya ng tuluyan? Baka umalis sya or something. Wala na akong way para magtanong.

Ayoko habang buhay mag-wonder kung anong dahilan nya.

Mali ba kung tanungin ko sya? Six months na rin yon. Natatakot lang ako mag-isip at mag-regret na baket hindi ako nagtanong.

Wednesday, February 27, 2008

its official!


I'm officially single. Hehe well, single naman talaga ako. Yon nga lang, may mga on-the-side chuvaness ako.

But this time, naubos na boys ko. Hahaha ang gahaman ko raw kase.

Pa-glossary glossary pa nalalaman.

Oh well, darating talaga sa ganito. I-feel ko naman daw uli yung maging totoong single.

Boo, este Jaypee texted me this evening. Una, nag-miss call. Sumunod, nag-miss call uli sa old number ko. Di ko pa pinansin. Nagpawis ako at kinabahan. Di ko alam kung papansinin ko or not.

So, I texted you (you know who you are) guys. Salamat sa mga sagot nyo ha..

Nag-text sya, he said "hi. musta?" I didnt respond.

Nag-text uli. Kaya sumagot na ako, and I did let you know diba.

So I said Hi.
He said Mangangamusta lang po sana. Sorry kung ngayon lang kita tinext.
I said Ah. Ok pa naman ako. Buhay pa.
And he said There are lots of reasons para mabuhay pa tayo diba? (seryoso). I'm sorry if I made you felt left hanging pero I think it really had to take time bago kita maharap ule. I've been through a lot of shit too.
Sabi ko naman Is it my fault why you did that?
Sabi nya Technically not.. Kinalangan ko lang muna umiwas non.
Sabi ko Coz you made me feel guilty and bad. Sobra kita inisip. And you know what, kala ko Raymund part 2 ka na eh. You made a promise to me di ka magiging tulad nya. And I thought I scared you by telling you how I felt.
Blah blah.

Slight daw din reason yung about Gee. Pero he realized daw na hindi naman dapat sya mag-react. Basta ewan ko na.

Hanggang sa sinabi kong: I dont know Jaypee. You left me hanging. Nasaktan moko kahit papano. Kaya last saturday, I've decided to let you go.

Eto sagot nya oh: I'm sorry and gusto ko lang malaman mo that I am so grateful na naging mag "boo" tayo.

OUCH!!!!

Binitiwan din nya ako.

I told him wag na sabihin saken mga problema nya with Joyce (his gf) na ginagawa ko (well he knows kung ano naman na nagagawa ako and ugali ko and nako-compare nya lang), kase baka agawin ko lang sya. Sabay hehe and sabi ko joke lang. Di pa naman ako ganon kasamang tao para mang-agaw.

Sorry daw kase hinayaan nya tumagal kame umabot pa tuloy sa ganito. I said ok lang and wag sya mag-alala kase di pa deep yun feelings ko for him.

He said pa na: I'm gonna miss you! (aba naiyak ako)
Sabi ko: I'm gonna miss you too (while iiyak iyak). Big time... Nagpapaalam ka na ba?

Hindi pa daw. Nalito ako. Hehe sabi ko "eh ano lang" wala daw. Anlabo. But I know, its over.



Thank you guys ha. Sobrang laki tulong nyo. Na-touch ako sa mga sinabi nyo. At mas naiiyak pa ako dahil touched na touched ako.

Pasensya na, kase wala ako masabing matino kaninang umaga nung nagmo-moment kayo. Tapos ngayong gabi pala, ako ang magmo-moment. Agaw eksena.

Buti na lang, may nagpaganda din naman ng araw ko. Sila Patrick Dempsey at Wentworth Miller. Idagdag na rin natin si Jaypee. Nag-text. Kahit naman ganito nangyari, happy pa rin ako nagparamdam sya. Na-miss ko sya no.

9 months and 3 weeks and 1 day din kame mag-Boo. And it was a great 9 months.

Sana lang, nagtiis pa ako ng konti no, di ko na sana sinabi I've fallen for him.

Ayon, wala na magpapa-kilig saken. Wala na magpapaalis ng bad mood ko sa simpleng "Hi Boo" nya. Wala ako uuwian sa Pangasinan. Wala na akong cute na Boo.

Ang drama, taena.






Sa totoo lang, kagabi ko pa naiisip si Beb. Nalulungkot ako. Pero nasapawan ng pagka-sad ko ngayon because of Boo.

Wednesday, February 20, 2008

is it me?

Ako nga ba?

Ako ba dahilan kung baket bigla bigla sila kung mawala?

Dati si Werner, bigla bigla mawawala. Una ilang araw lang. Naging linggo. Pinakamatagal 6 months. Nawala ng walang paalam. Bumalik naman. Pero alam mo yon, nawala. Bad trip.

Sumunod si Raymund, bigla bigla di na lang nagparamdam. Hala ano yon? Ok kayo tapos kinabukasan wala na bigla. Ano yon, nagising na lang sya bigla isang umaga na, ayaw na nya at kailangan na mag-stay kay Tina? Or potah, may nakilala na palang bago at sya na ang gusto nyang babae nya?

Ngayon si Jaypee. Two weeks pa lang naman. Pero, baket? Kasalanan ko kaya? Nalaman nya nga kaya yun tungkol ke Gee? Gaga kase ako eh.

Kung yon man dahilan, wala sya karapatan para bigla ako iwasan. Or naalala lang nya usapan namin na iiwas pag may na-in love? Pero diba, nagka-text pa rin kame after I told him. Kung sakali mang nalaman nya na nagsama pa kame ni Gee before ako umuwi, wala sya karapatan para bigla akong iwasan. Na-guilty ako, oo. Pero wala akong kasalanan at hindi ako nag-cheat kung sakali man. Dahil hindi kame. Kung manlalake pa ako or ano pa gawin ko sa ibang guys, siguro pwede pa yon dahil wala naman sya sinabing mahal din nya ako. Wala rin sya sinabing hindi na ako pwede makipag-kita sa ibang lalaki.

Ewan ko. Ite-text ko sya one of these days. Humahanap lang ako ng tyempo at lakas ng loob. Dahil baka nga may kasalanan ako. Hindi ko rin kase alam kung pano ko ie-explain na hindi pa ako umuwi that monday (Feb. 4) at gumimik pa ako with Gee and his friends. Dahil sinabi ko sa kanyang ayaw ko na ke Gee. Baket nga ba ako sumama? Hindi ko alam.

Goodluck na lang.

Friday, February 8, 2008

nagpapa-miss eh.


Hala last ko sya naka-text nung tuesday pa. He said niyaya sya ni Gee maglaro ng basketball. He'll text me after daw. I fell asleep, woke up morning na and saw that he has 1 text for me, that pauwi na sya.

Hindi pa nya uli ako tine-text hanggang ngayon. And I miss him na. Wala lang, mas nami-miss ko lang sya ngayon, simula nung nasabi ko sa kanya feelings ko. Actually madalas ko naman syang ma-miss di ko lang mai-blog kase baka magtanong kayo kung baket di ko na lang sya i-text, wala ako maisasagot sa inyo.

Oh well, I just really miss my Boo and I just want to let him know. Sana diba, text nya lang ako before matapos yun day. *sigh*

Wednesday, February 6, 2008

sikreto pa?!

Ok, so I went to Pangasinan last weekend to be with my Boo.

Original plan, uwi ako friday and then we'll go to Covelandia for overnight swimming. With my cousin and his friend. Pero since di ako pinaalis ni daddy ng friday, sumabay na lang ako sa kanila ng madaling araw ng saturday.

Kaso rin, dahil di sya makagawa ng plano uli at di namin maituloy ang Covelandia, nainis ako. Sabi ko gigimik na lang ako that evening. He asked me what time we'll be leaving so he could come and see me before I go out. I told him around 9, he'll come over daw ng 7pm.

7pm came, and he send me a text message, wait lang daw coz hinihintay pa nila papa ni Jolts dahil ginamit yung bike. Sabi ko ok lang.

Umabot na ng 8:30 wala pa rin daw. Sabi ko sana makahabol pa sila para kahit few mins lang. Quarter to 9, nag-text na yun friend ni Valerie at tinatanong what time kame susunduin. I told Boo tuloy na aalis na rin kame and magkita na lang kame after ng gimik, pumayag naman sya. He waited for me till about 2am. Dapat lang, consequence na nya yon no. Hehehe

Magka-text kame while nasa gimikan.

And then, nag-meet kame nga after ng gimik at magkakasama kaming kumain. So hiwa-hiwalay na after. Kame naman, nag QT. Tipsy ako non, kaya kinukulit ko na naman sya. Kinikiliti ko sya at inaasar ko na di sya mabango. Haha joke ko lang naman yon, nilalambing ko. Way ko na rin para maamoy ko sya. Hahaha

Tapos kinikiliti ko sya. Kulitan lang kame ever. Ang sarap nga eh. And nung hinahanap ko kiliti nya sa face (malakas daw don kiliti nya) di ko makita. Hanggang ending I was caressing his face na. Nakatulog ba naman. Niloko ko nga, sabi nya kase walang tulugan daw, natawa sya. So he hugged me from behind and natulog kame pareho.

Sunday, sabi nya ituloy daw namin yung swimming. Mga 2 or 3 pm daw. Di nga ako halos makatulog pag-uwi namin kase nae-excite ako and nagluto ako ng lunch.

Alam nyo nangyari? 2 or 3 na wala pa syang text. He texted me around 5 na. Wow asar bords.

He fell asleep daw after mag-mass. Ok. I'm so pissed alam nyo yon. Every visit ko ng Pangasinan walang di papalya sa plano namin. Lagi kame excited sa plans namin, pero bulilyaso parati.

Nakakapikon pa, di sya makagawa ng plan. Madalas ako pa umiisip kung ano pwede naming gawin. Or san kame pwede pumunta.

Masyado kase sya delikado don. Di kame pwede makitang magkasama.

Baket?

Una, kaibigan nya si Gee (yun ex ko don). Pangalawa, may gf sya. Oh, live-in partner pala. And meron silang 2 year old daughter.

They said pa nga, kamukha ko gf nya, si Joyce. Halos lahat ng friends nya na nakakakita saken, yon ang sinasabi nila. Na-curious nga ako eh. Tsaka first time ko pa lang sila na-meet, yon na sinasabi nila saken. So sinilip ko friendster acct ni Joyce, para matahimik ako. Di ko makita resemblance namin ah. Pwede nyo ba check?


Ayan, naku compare ko naman ke Tina to, parang mas maganda naman sya ke Tina. Kaso di pwede compare, kase si Joyce daw hawig ko. Si Tina, wag na. Hahaha

Di ko masabi before that he has a girlfriend kase dyahe nako. Una dahil ke Raymund. Tapos sumablay pa yung kay Gee, ngayon si Jaypee. Pero yon, una pa lang, alam ko na talaga na may gf sya. Kase nga nung una kame nagkakilala, sabi nila Gee non may asawa daw si Jaypee. Yon pala gf lang.

Ayon. Tapos one time nag-chat kame. Nagkaaminan may crush sa isa't isa. At biglang maging mag-fling. Usapan 2 weeks affair lang. Kase aalis si Joyce gusto lang daw nya try. Uhm faithful si Jaypee, di nagloloko. At bad ata ako, dahil saken first time nya nag "on the side". Pero yun 2 weeks namin, umabot na ng 9 months.

And now, na-fall nako. Yon ang masama. Na-feel ko na to last December pa. Tapos ayoko na uli pansinin. Sinabi ko pa nga sa kanya eh, dinaan ko sa biro. Sabi ko "what if sabihin ko sayong I have feelings for you na?" he said "I dont know how to react boo" sinagot ko sya ng "hehe I'm just messing around boo", later on text nya uli "what if totoo nga, and the feeling's mutual?" sinagot ko lang sya ng di pwede mangyari, ayoko sirain relationship nya with Joyce.

So ngayon, dahil inis na inis ako nung sunday sa naudlot na naman naming lakad. Sinabi ko na rin sa kanya feelings ko para di na sya masyado magtaka baket ganon na lang ako ka-upset. Biro mo papunta na sya samin, sabi ko wag na sya pumunta. Nagtataka daw sya at di maintindihan.

Sorry naman sya. Naawa nga ako eh. Kaya nung pumunta sya sa bahay to surprise me, gusto ko sya i-hug, nahihiya lang ako.

When I told him sa text that I've fallen for him, he said "you know what, kung di lang ako nagpipigil, malamang bibigay na rin ako sayo. pero alam mo na... kaya nga nagiging unfair para sayo and yet you are always there".

I asked him din earlier if he wants to stop na, sabi nya di raw nya alam. And unfair daw nya, baket daw sya pa ang kelangan mag-isip. Sabi ko kase nung sinabi nyang di nya alam, sabi ko sabihan lang nya ako kung ano magiging desisyon nya.

Oh well, bahala na.

Yan na po ang dahilan kung baket hindi pwede maging kame. Hindi dahil sa bata sya, hindi dahil malayo sya. Kase kung sakali, kaya naming gawing madali. Nagpupunta sya dito, pumupunta rin ako don. Halos araw araw naman kame nagte-text.

May anak sila ng gf nya. Pero problemado na rin sya. Napapadalas daw away nila. Feeling daw nya, nagsasama na lang sila dahil sa responsibilities, hindi dahil they love each other.

Haaaay..

Naiiyak nga ako nung sunday na ka-text ko si Boo eh. So kelangan ba talaga yung mga guys na kaka-inlaban ko ngayon dapat committed?

Sunday, January 20, 2008

drama mode.

Feeling blue again. Do I have to blame it on PMS?


I miss him so much.


I really want to text, call, talk and see him na.


Damn it.

Wednesday, January 9, 2008

i miss you so much!

It's his birthday last monday. I wanted to greet him but I couldn't. I want to send him a text message but I didn't. Mahirap na. Ayoko manggulo. Baka mamaya magalit lang sya saken pag nag-text pa ako.

But I miss him so much. Iniiwasan ko lahat para di ko sya maisip at ma-miss. At dahil ayoko maramdamang nasasaktan ako.

Kagabi, naalala ko sya lalo. Nabasa ko yung ibang text namin last year, nung before sya mag-birthday, nag-away kame non. Hanggang sa nag-iwas nako mag-text sa kanya, sinabihan ba naman ako wag daw ako magpigil ng pag-text dahil parang di raw ako yon. Sabi ko nagpipigil ako para di sya masyado mag-text saken. Baka sisihin na naman nya ako eh.

Hanggang yung nagpunta ako ng Pangasinan para iwasan yun feelings ko sa kanya, para makapag-isip. Ang kaso, pag-balik ko dito sa Manila, pinuntahan nya naman ako. Kesyo na-miss nya ako ng sobra etc.

Oh well... Walang relevance kinukwento ko sa pagka-miss ko. HAHA

I just miss him, and I'm still hurting.

Lalo na, it's January. I know they're going to Aklan. Syempre kasama nya si Tina.