Thursday, November 15, 2007

alaala ka.

Nakakayamot naman eh.

Okay na ako ng ilang linggo. Di naman kailangan maisip uli. Di ko rin alam pano nangyari na naisip na naman kita. I'm doing great na eh, kaso umentra ka na naman. Ayaw mo ba ako tantanan?

Tapos nag-view ka pa uli sa friendster ko. *sigh*

Hindi nga ako nakasama manood kagabi ng "One more chance" kay Joyce kase bigla wala pala akong pera. Pero parang ok na rin, natakot ako na baka maka-relate ako. And ayoko maka-relate muna ngayon sa mga movies, lalo na kung tungkol sa heartache. Hindi ko pa kaya, lalo na, nagta-try ako mag move on.

I was watching Grey's Anatomy last night on DVD. I dont know why, merong part don when Derek told Meredith na he'll always be there. Naiyak ako. Nakakainis diba?!

Hanggang ngayon, nakikita ko pa rin tayo sa kanila. Pero sana, katulad ka talaga ni Derek. Mahal nya kase si Meredith, kaya tinapos na rin nya ng tuluyan relationship nila ni Adison. I didnt say naman na iwan nya si Tina for me eh. Kaso sana lang alam nyo yon, tipong nag hold on na rin lang ako, sana lang alam ko kung meron ba ako dapat i-expect in the future.

Pero wala eh, nag hold on kame pareho kahit alam naming matatapos din yung affair namin. We both know na lalagyan din namin ng period sa tamang panahon. Dumating sa kanya yung tamang panahon, ako nabigla. Hehehe

Wala lang. I hate this feeling. Nasa-sad ako.