Wednesday, August 26, 2020

Stalker

Natatakot na ako sa pagiging stalker ko, minsan napapabilib na rin ako eh.

I dont need too much stalking kay Brandon eh, kase sya nagbigay saken nung una pa lang ng Facebook nya, IG. He even sent me results ng Covid test nya and ng Licensure exam nya sa health insurance company. Hindi man lang tinakpan ang details nya.

Anyway, syempre ni-stalk ko na sya nung una pa lang, bago ko pa i-activate yun Cher fb account ko.

Alam ko na address nya, birthday nya, kung san nakatira parents nya. Yun mga sinusulat nyang scripts. Isa na lang ang hindi, phone number nya. Weird nga eh, yan na lang ang hindi nya binibigay saken.

Kanina, naisipan ko sya i-google hahaha

Nakita ko naman sya. Andon yun old address nya, new address pati pamilya nya, address nila. Nakakaloka.

So eto na, may nakita akong phone number. Hindi ako 100% sure kung kanya, pero lumabas sa Whatsapp. May picture, naka smile pero yun sarado ang lips, and naka-shades. Duda ako. Kung naka smile sana sya na labas yun ipin nya, makikilala ko sya. But anyways, ni-save ko yun number ng walang name.

Ewan ko naman, naisip ko lang ulet i-check facebook photos nya. Wag ka, may similar photo naka tag sa kanya yun photo na nasa Whatsapp. LOL so possible na nga na it's him. Last online nya was kanina before lunch. Hihihi

Tinignan ko na rin, pwede sa iMessage, so lalo may chance it's him coz may duda akong naka iPhone sya, kase naka Mac sya eh. HAHAHA

I cant wait to meet him in person. Nabanggit ko na sa kanya na cancelled na ulet ang flights. I hope maghintay pa sya. Last week 4 days ata kame di nag-chat, kahit yun smiley  (🥰)  namin, wala. Tahimik kame as in. Then finally, nag-message nung weekend. Eh di happy nako. Nag-chat kame for a while on sunday and monday. 😊

Wednesday, August 19, 2020

Paano na nga ba ulet ang mag-blog?

Hindi naman ako good blogger, ginawa ko lang talaga diary ang pagba-blog. Dati naman kase hindi uso yun pagalingan gumawa ng post. Noon para saken, basta may journal ako, at since tamad ako mag-sulat na sa totoong diary, at na-discover ko ang mundo ng online journal, baket di ko subukan. 

Nagsimula ako 2003 or 2004. As in daily blah lang sya, and mga kilig moments ko with the ex, or mga sama ng loob ko.

Or yun mga boys ko lang after ng last relationship ko. Haha

Hanggang nagkaron na ako ng mga kaibigan. Mga bloggers ang una ko mga naging online friends, at kaibigan hanggang ngayon. At di na lang kame sa blog nag uusap usap, umabot na kame sa lumalabas na kame, at nago-out of town. Na-witness magka lovelife ang iba, maimbitahan sa kasal at maging ninang ng mga anak. Ang galing diba?! Sino mag-aakala na ang mga taong hindi mo nakikita noon, at nababasa mo istorya ng buhay nila at magiging totoo mong mga kaibigan?

Nakaka-miss ang buhay blogger noon. Hindi katulad ngayon, ang pagba-blog ay isa nang negosyo. Pagaraan ng post, ng mga travels, mga kung anong anik anik. 

At higit sa lahat, nami-miss ko yun unang blog ko na dinilete na ng blogger. Ang beybikulet.blogspot.com, ang dami ko memories sa blog na yan.

Oh well.