Since 2016, I have this feeling that I have been losing friends because of my belief... sa mga iboboto ko or binoto ko.
Naka 3 presidents na ata ako ng binoto. Pero this is the first time na parang nakakabawas na ng kaibigan ang pinaniniwalaan ko sa mga gusto kong mamuno sa bansa ko.
Nakakatawa makakita minsan ng, may nag-unfriend, merong hindi na kinakausap, nag-unfollow, nag-block, at yun mga nagpapatamaan na sa mga posts nila dahil lang sa kanya kanyang paniniwala.
Napansin ko lang, ngayon pala hindi na tinitignan ang tibay ng pagsasamahan. Ang pagkakaibigan ngayon ay naka-base na sa pagkakatiwalaan mo na kandidato.
Iba din diba?!
Aminado ako meron ako ni-hide na tao sa feed ko. Hindi dahil sa pagpo-post nya ng kasiyahan nya sa kanyang kandidato, kungdi dahil sa mga negative posts nya tungkol sa presidente ko. Oo, hindi naman perpekto presidente ko, sino ba? Isa pa, namatay na ang kandidato nila. Hindi ako against sa kandidato nila, in fact sya ang first choice ko bago nag-announce si Duterte na tatakbo sya.
Anyway, mga nega posts nya, nung una ok lang. Paniniwala nya yon eh, na mag-post ng kung anong gusto nya sabihin.Wall nya yan, karapatan nya yon. It came to a point na, sobra na rin. So, ni-hide ko lahat ng posts nya. Hahaha I didnt unfriend him namna. Ia-unhide ko na lang sya kapag natapos na term ni Duterte.
Meron pa, nakailang posts na rin ang nakita ko, may warning... They will unfollow daw or unfriend or will never talk to someone who's supporting yung ayaw nila. Diba, ano yon?
Napaisip tuloy ako, siguro yon ang dahilan kung baket meron ako mga friends na di na rin ako pinapansin. To think hindi ako pala-post about my paniniwala sa mga binoto ko. Sila lang ang post ng post, yung mga bitter actually.
Eh kung i-unfriend ko na lang din kaya sila, para di ko na rin nakikita yun posts nila na puro nega sa ayaw nila. Pero ha, wala na pino-post na papuri yan sa mga binoto nila. Kung di nanalo yon, hello nasa senado pa sila, may tama pa rin ba sila nagagawa?
Pag nanalo ba yung presidente nila (except kay Miriam, RIP), gaganda kaya Pilipinas ngayon?
Nung puro droga at krimen ang Pilipinas, puro angal dahil wala raw ginagawa ang Presidente. Ngayong gumagawa ng paraan yung tao, nagrereklamo pa rin sila. Ayyy oo, kase nga daw bastos, pala mura, mamamatay tao daw. Well, nung bait baitan namna mga nauna, nabawasan ba ang krimen? Nabawasan ba ang mga durugista?
Oo, bumababa ang peso, stocks, tumataas ang gasolina. Nagsisimula tayo eh, reboot muna. Hindi naman pagkapanalo ni Duterte eh isang buwan lang ginhawa agad. Isang buong bansa ang nililinis nya, isang buong bansa na sanay hindi sumunod sa batas, isang buong bansa na matitigas ang ulo at mahilig mag rally.
Isang buong classroom nga, ang hirap ayusin eh. Buong bansa pa kaya. Aba, matuto tayo maghintay, at tumulong. Hindi ikakabagsak ni Duterte ang reklamo mo.
At isa pa, hindi porket sya ang binoto kong Presidente eh ibig sabihin 100% suporta ko. Syempre hindi rin ako masaya sa mga maling nagiging desisyon nya. Pero ano gagawin ko, magreklamo hanggang makarating sa kanya at pakinggan ako? Potah.
Sa mga jowa at asawa nga natin kahit gaano natin sila kamahal, hindi tayo 100% na sumusuporta, hindi tayo puro oo lang, umaalma rin tayo diba.
Haay. Kung ganon na lang kadali sa iba pala na i-unfriend ka dahil ayaw nya sa sinusuportahan mo, pano mo pa aasahan na magiging kakampi mo sila pag kinailangan mo sila?