So, remember mr. loverboy? The guy from my previous post? Well, this is his friend. He was my captain when I first joined Boracay Pubcrawl.
He was nice non. Nakausap ko sya that night, nalaman ko na alam nya lugar namin, nagka-business sya near my place. He studied in La Salle. Well, wala talaga sa pinanggalingan ng pamilya at eskwela ang ugali ng isang tao.
Di ko alam kung pakitang tao ang kabaitan.
After namin ni Em, we had the chance to talk. He told me he likes me. Sabi ko di ako naniniwala and friends sila ni Em. Ayaw ko makasira ng friendship, blah blah blah. He said pa he'll ask Em daw. Parang gago.
Anyway, after that talk wala na ulet. Until na-announce that Boracay is closing for rehabilitation. So, Boracay Pubcrawl captains, transferred to Manila. They have naman here in Manila rin, but yun sama sama muna sila.
Wala pa sya one week nandito sa Manila, he asked na for my address, dumaan sya and nakipagkwentuhan. Hanggang yon, pabalik balik na. Inutangan pa ako hahaha
Since Boracay is closed, cancelled ang LaBoracay. But there's Cinco de Mayo. He asked me if I can join, asked my friends naman and game sila. So, nag-attend kame.
I attended Pubcrawl again the next Saturday. Mas parang close na kame nito. Another captain, Akash (the nice captain last time I went to Boracay), invited me for his birthday the next day. Hmm I said yes na rin.
Kaya Stefan went here, left his bike and dinala na lang namin si Reid sa Tivoli gardens. Anyway, syempre some captains were suprised I was there.
Medyo sweet sweet si mokong. When we left Kash's place pa, we drove lang sa Macapagal, chikahan pa sa may Shell til 4am ata. Then balik na dito sa bahay, at di pa rin sya umalis, kwentuhan pa rin kame til nagliwanag na.
After that, inaya na nya ako sa birthday ng barkada nya. I met his friends outside Pubcrawl. And nagsunod sunod na kame nagkikita. Inom dito sa bahay, magdadala sila ng alak and food. Nagmano pa kay daddy.
One time we went out, he asked me if we're going somewhere. I told him I cant pa, kase I'm not over Em and BJ pa. I told him na gusto ko kung papasok ako sa relationship, yun ok na ako. Sabi ko rin, he's too young for me. Wala naman daw sya pakielam sa age difference namin. See, he's only 24. Ka-age lang nya si Jemjem ko.
Kinda issue to for me, not for him daw.
Anyway, truth is, I dont really like him that much and yeah, he's too young for me. Iniisip ko pa rin sasabihin ng tao pag pinatulan ko sya. Also, may doubt pa rin ako if he's real or not. Baka pinagti-tripan lang nila ako ni Em.
One time, naaksidente sya. So no choice ako but to visit him at home. Ilang beses na nya ako inaaya sa house nila pero ayoko. Malayo at, ayoko lang. Gusto nya kase, matulog ako don.
I visited him at home, met his mom and sister and little brother. Mom nya, halos ka-age lang ni Ate hahaha I think ok naman kame ng mom nya. I stayed there for a while. And nasundan pa yon after few days ata hahaha coz his friend Gelo and his gf Nicole went here and nag-aya pumunta sa kanila. Ayoko sana coz late na, pero ewan napa-oo nila ako.
We're ok naman. Pero napapansin ko lang pag nandon ako sa kanila, his phone kept on ringing. Ayaw nya sagutin, or pag sasagutin nya papasok sya sa loob ng bahay and don sya mag-phone. One time pa nga na andon ako, naiwan nya yun phone nya and it ringed, girl eh. I forgot her name and hinayaan ko lang. (BTW, one time I told him pala na he still can date and chukchak other girls, since I'm still hang up with BJ. Pero sabi ko sa kanya, basta alam ko. I dont like finding out pa coz mas away pa yon. He agreed. But as long as si BJ lang din ang lalaki ko. I agreed but didnt mean it.) I'm starting to like him, napapaisip na rin ako sa totoo lang if papatulan ko na sya, but mas nananaig saken yun takot na di pa rin sya seryoso saken. Nagagalit na nga sya pag ganon, sabi nya pinakilala na nya ako sa pamilya nya. Actually yun last punta ko don, I met the whole family na. Met the other sister and his dad too. I got him a bracelet pa nung nag La Union ako from Tali Ti Amian and some pasalubong from Pangasinan.
Then, yun last nila punta dito nag-inom kame. He's not in a good mood. One time pa, halatang halata sya na nag-video call. Coz nag-shirt sya and pumasok sa CR ng matagal. Hahaha I told Gelo nga na may ka-video call si Stefan. And then, ang bilis nya mapikon sa jokes ni Gelo. Napipikon tuloy ako sa kanya, kaya di ko rin sya gaano kinakausap.Nagmamadali pa sya umuwi ah, even Domz napansin nya. Kase di ganon si Stefan, madalas sya pa may ayaw umuwi/maghiwalay.
Pagka uwi nya, nag apologize sya, he said yun tito raw ng anak nya yun tumawag. Well, I dont care.
Usapan namin before maghiwa-hiwalay, mag-attend kame ng Pubcrawl. Di kame natuloy because, una biglaan lang and wala si Mike, medyo di syado feel ni Domz; pangalawa ang gagong Stefan, preparing na kame nung sinabing hindi sya mag-captain. Pangatlo, nag-break ang Gelo and Nicole. Eh ayoko na rin tumuloy kung may mga ganong aberya.
End up going out pa rin, pero with Domz and Mike (eh pauwi na rin pala sya from the province hahaha). Tapos nag inom din sila Stefan and Gelo.
I visited him pa pala, coz naaksidente na naman sya. Di ko na sana sya kakausapin non eh. Pero wala eh, naaksidente na naman. And that was the last time nakita ko si Stefan. Nag-away na kame ng nag-away. One week later, I found out, he has a "CITY GIRL" hahaha oh wait, may IG story pa sya ah, "thanks love" daw. I think sandwich sya. Comment pa ako na ang bilis ah haha, medyo bastusan. Syempre, seenzoned. So eto nga, kwentuhan kame nila Domz, and he said Stefan posted a pic ng isang girl sa FB. With the caption
"Making her happy since our #firstwednesday
#mycitygirl
#nagsimulasaparang
#tyj"
Pikon na pikon ako, coz kahit nag-away na kame nung date ng post na yon, hello nag uusap pa rin kame. And guess who sino pa ang nag-comment sa photo. Stupid Em commented "bagay" or something. I am not jealous, to be honest. Pissed lang ako. Coz totoo ang kutob ko, pinagti-tripan ako. Tang ina diba. Hahaha pano pa kung pumayag ako maging kame. Pinagpustahan siguro ako ng mga hayup na yon. Hahahaha
Di na ulet kame nag-usap. Except sa sinisingil ko sya sa inutang nya sa akin nung April. July na, di pa rin sya nagbabayad. He said three weeks ago na babayad sya "next week" lumipas na yung next week na yon and another week pa, hindi pa rin sya nagbabayad. Totoo lang, ayoko naman na singilin, 700 lang naman yon. But sa pikon ko sa kanya, yeah gusto ko makuha yung 700 ko.
Totoo lang, mas masama pa tingin ko sa kanya kesa kay Em. At least I know now na si Em, scammer. Oo, gawain nya yon. But Stefan... He knows gaano rin ako nasaktan, mas may naipundar na kame eh. Baket umabot pa kame sa pagkilala ng mga pamilya at kaibigan.
I unfollowed him sa IG sa beachbum account ko nung una, next sa ku7et. Blocked Em na rin. And lastly, I unfriended him on Facebook. Hinihintay ko lang bayaran nya ako and I will block him na rin.
Stefan and Em, are both assholes. Tama nga, best friends sila.