I met this guy sa isang event last December. He's very maasikaso, I kinda liked him nga agad. But I was with BJ pa, so bawal ako makipag-flirt. Pero we talked before I went back to Manila, alam mo yon, mga tipong kwentuhan and tanungan about yourself and about work. I kind of told him na nagwo-work ako sa dad ko, na may small business kame.
Two weeks later, we started chatting. He showed interest na, he told me that he liked me nung nagkakilala kame, that he was trying to flirt pero di ko raw napansin. And that time, bigla naman kame nagkalabuan ni BJ. There was a part of me na, kinilig talaga. Eh hello, ang ganda ba naman ng katawan nya, tapos ang sweet sweet. Yung tamang "Mr. Dreamboy" ganyan. Kesyo seryoso daw sya saken, he likes me, and he's happy na nagkalabuan kame ni BJ. We started talking about going out of towns, tapos natutuwa pa ako sa kanya kase parang di sya nahihiya na binabanggit ko sya. Like gusto nya yung tipong ipo-post ko sya sa IG, or ime-mention. Gusto daw nya maging donor, coz gusto ko na magka-baby.
Then, pinipilit nya ako bumalik don kase he wants to see me daw. Ako naman si tanga, since favorite place ko sya, gustong gusto ko rin bumalik. So I booked a ticket, resort and flew there.
He got jealous pa sa isang friend nya coz he thought we're talking daw, and that nag-resign daw sya sa work nya for me para daw ipakita nya saken na seryoso sya and para daw iwas sa tukso. Gago! Syempre ayoko ng ganon, guilt ko yon tanga pala sya eh. Sabi ko wag sya mag-resign ng dahil saken (and deep inside I know hindi talaga ako ang reason, alam ko sinasabi lang nya yon), dahil if we didnt work out, ayoko na masisi ako. Also nakakahiya sa part ko yon. Anyway, til one day nag-post sya sa IG na, nag-resign na nga sya. (Or so I thought)
Sya yung tipo ng guy na, malambing talaga. Di imposible ma-fall ka eh. Ang laking tulong nya nga saken non para di ko maisip si BJ. And hayup sya, I chose him over BJ pa. Yung totoo, I fell for him. May mga plano pa kase naman sya na, bumalik daw dito sa Manila, kung gusto ko raw pwede kame magsama (ay naku hindi pwede yon), or ako raw ang pumunta don para magkasama na kame, gusto nya mag-travel kame together, gusto nya ikwento ko sya sa mga friends ko. Alam nya kung pano ka nya susungkitin eh. Ang galing, parang nabasa nya utak mo, and he knows the right words to say.
There was a time pa, bigla sya nag-message saken asking if I can go to MOA, he wants me to meet someone daw. Sabi ko ayoko kase di ako nagpupunta ng MOA. Til inamin nyang sya pala yon and he wants to have lunch with me, quick lang kase aalis na rin sya agad.
Kinilig ako sa totoo lang. I got up, and paspasang pag-ready. So nag-meet nga kame in MOA, this is 5 days before my flight. After lunch, nagpahatid pa sya sa Pasay.
While pala nung time na naghahanap ako ng flight ko or siguro right after ko nakapag-book, he asked me if may credit card ba ako and kung pwede maki-hitch, he'll pay me daw pag nakita kame. Ibu-book daw nya yun parents nya ng ticket coz birthday ata ng May. Ang sweet diba, I mean sweet yun plan nya sa parents nya. I told him wala akong credit card. Sabi nagbayad lang ako via bank deposit.
Nung nagkita na ulet kame, may nagbago. Parang ang cold nya saken. Parang nahihiya syang kasabay ako. Pero sinamahan nya ako sa hotel ko, sinamahan nya ako mag-lunch, nag-treat naman sya ng happy hour. But he has to go to work, kaya nagkita ulet kame after na. He stayed with me, but left early in the morning. He has to feed his dog daw. Afternoon na ulet kame nagkita, eh lumipat kame ng hotel. Ang weird non, nung hinanapan sya ng ID sa front desk, he just said na wala syang ID, pano nangyari yon? He just told them his name, EMIL TAN daw. Sabi ko baket wala syang ID, basta wala daw. I know something is wrong. Medyo bad mood sya non, kase may problema daw sa work, panay cellphone sya.
Anyway, nag late lunch kame, hahaha KKB yon ah. Buti na lang, kesa ako ulet pagbayarin nya. Then sabi nya mag-wine night daw kame, bili daw kame wine, aba style nya mag cellphone ulet. So lumabas sya ng store, ang tagal nya. Eh di ako na nagbayad.
Went back sa hotel, and nag-ready na sya for work, he told me pa to go out and have fun. Magkita daw kame after.But he got back at 2am, nag-sip lang kame ng wine, and he fell asleep. The next day, we just had breakfast and he left. Bad trip ako non. Tipong, kailangan umalis agad? Eh pauwi na rin ako.
Anyway, not the point hahaha
Nagbago sya non, nawalan na sya halos ng time for me. Di na sya gaano nagme-message, pero makikita mo parati online. Tapos aabutin na ng isang araw walang usap, then pag nag message pa, akala mo wala lang. I asked kung ano problema, wala daw. Busy lang daw and he needs time. So I gave him space. then mag-memessage na naman. Ang gulo gulo nya. Basta lagi nya sinasabi saken, he likes me.
After two weeks na cold sya, ako na umayaw. Di na kame nag-usap, but once in a while magco-comment sya sa posts ko, or magla-like. Tapos nakausap ko friend nya, sabi daw nya, tropa lang kame. Aaah ok. After that, talagang naging dedma nako sa kanya. Di ko na pinapansin mga comments nya, di nako nagla-like sa posts nya. Ni-unfollow ko sya sa isang IG account ko. I wanted to unfriend him sa FB kaso, naisip ko para namang tanga kung ganon. And I want him to see my posts pa rin. Though ni-unfollow ko rin sya sa FB. So di ko na nakikita posts nya unless I visit his page.
Aba, just last April sya na ang nag-unfriend saken. Napansin ko eh, di ako mapakali so I messaged him. True daw, kase dedma daw ako sa kanya. After that, message na naman sya ng message. Pero sa isang post ko sa IG, nag-comment sya and sumagot ako na yun friend nya nag-invite saken. Di na sya ulet nagparamdam after that.
Now I found out about his scamming these single successful mothers, and other girls pa. Natakot ako ng slight. Di naman puro single mom lang, mostly. Buti pala, may napuntahan pagiging praning ko.