Aba, didnt post for a while pala.
Just a little update.
Jay and I didnt talk for almost 4 weeks.
May mga naka-chat na ako bago. One magkita sana kame kaso kakakaba sya kase gusto nya sa condo na agad nya kame mag-stay. Also he wants na samahan ako sa clinic para kunin blood test result ko (medyo scary kase mapilit sya. baket diba?! Hahaha)
The other guy naman, tipong few words per text, few text per day. Hahaha tipid si kuya. Parang 3 weeks din ata kame nag-text, pero yun nga, tamad sya mag-text. Hahaha kaya halos wala naman kame napag-uusapan. Nagkita na rin naman kame, last saturday. His name is Marcus. He's 38, has a son who is 12.
Medyo makulit din sya, pero di ko gaano type.
Next, nagparamdam si Jay after almost 4 weeks ng walang anything.
Nagising ako sa call nya last Tuesday. Nag-ring phone ko and number lang lumabas. I answered, di ko sure sino yon. Totoo lang, nakilala ko naman boses nya. Pero gusto ko parating sa kanya di ko makilala at mas maganda mahalata nya na di na sya naka-save sa phone ko.
I asked "sino to?" sa antok na antok pang boses. He said "Jay" inulit ko "Jay? Sinong Jay?" Hahahaha basta Jay sya ng Jay, til finally sinabi ko "Constancio?" natawa sya. He said na-hospital daw sya, he had an accident. He messaged me raw ng father's day pero di ko sya sinagot. Sabi ko na-delete ko na yun Whatsapp ko.
Nag-install na naman ako, so don kame nag-usap. Inulit nya na na-confine sya. Di raw ba ako naaawa sa kanya. Parang tanga, sabi ko wala na kaya ako balita sa kanya. He deleted his Viber daw.
Anyway, he missed me raw. At sa September na sya uuwi. Pero one week lang daw. Sabi ko, kase birthday ni Avegail yon eh. Ahahaha hindi daw. Oh well, di ako naniniwala hangga't di sya nagpapakita saken ng ticket or di sya dumarating dito.
He asked if miss ko sya, sabi ko dati, not anymore. Di ko na raw ba sya mahal, sabi ko di na gaano. hahaha nagmo-move on nako sabi ko. At kako tagal na namin di nag uusap. Sabi ko one month na, aba alam pa nya when kame last nag-usap, he said May 25th. Eh ang alam ko 22nd. But tama sya. Hahahaha