Thursday, April 14, 2011

Let go?

Just a thought... Mas makabubuti kaya kung tumigil na rin kame sa pagkakaibigan ni Jaypee? Di pa rin natatahimik si Joyce at kinukuwestyon pa rin ako eh. Though, ngayon alam na nya kung sino nga ako... Na ex ako ng barkada ni Jaypee. Pero hanggang don lang alam nya. Tama ang duda ko na tatanungin nya yun isang common friend namin. Well, di ko naman friend talaga, nakilala lang din. Asawa naman to ng ex ni Joyce na kaya ko nakilala dahil yun asawa nya, naging ex ng pinsan ko. Hahaha ang gulo diba?!

Nakita malamang ni Joyce na friend din ako ni Angel. And sabi ni Jaypee, duda daw nya nga na si Angel nagsabi kay Joyce na ex ako ni Gee. Pero ewan ko lang kung hanggang ngayon dapat pa rin ako pag-awayan. Dahil wala naman alam si Angel about me and Jaypee. So di naman kaduda duda. And teka nga, kahit naman malaman nya na ex din ako ni Jaypee, eh hello naging kame nung break sila.

So, naisip ko nga lang, itigil ko na kaya ang pagiging kaibigan nya. Mas okay kaya kung buburahin na rin namin isa't isa sa Facebook? Wag na kame mag-text?

Ayoko yon, kase kahit pa wala na akong feelings for him, kaibigan ko rin naman sya. Pero kung yon ang iisipin ko, selfish kaya? Ayoko maging selfish, kaya kung mas matatahimik si Joyce ng wala ako sa buhay ni Jaypee, lalayo na lang ako.