Usapang isparks na rin lang, makikisali na ako.
Yon lang, kung si Mei ay naghahanap or nagtatanong ng kahulugan nito, ako ay nawawalan.
Matatandaang nandito si Boo nung sabado at nagkita kame nung linggo. Pero saglit lang. Siguro mga 10 minutes lang yon. Kasama ko sila Sheldon at king Louie sa may MOA para manood
So hawak ko ang camera ni Shelly at nakikikuha nung dumating sya. Nalaman ko na lang after at nakaupo na kame nila Sheldon sa Pier 1. Tinext nya ako na andon na sila at nakita na nya ako.
Tumayo ako at lumapit. Nahihiya raw syang lumapit eh. At since kasama nya si Dominic nahihiya rin ako makipag-chikahan sa kanya. Medyo di ko feel si Doms, at alam kong ganon din sya saken. Mukhang maka-Joyce kase sya. I don’t mind. Kumare nya yon eh.
Di ko man lang nahalikan. Hahaha ni hindi ko nahawakan yung kamay. Buset.
But anyways, may ilang araw na rin naman na naiisip ko, hindi ko na ata sya like. Hindi na ako kinikilig sa kanya simula nung nagparamdam ulet sya. Diba natigil uli yan mag-text, at bumalik lang nung after ng 1st year anniversary naming mag-Boo.
Nakaka-miss yung kilig. Hinahanap ko rin naman yon. Lalo syempre gusto ko pa rin sya i-hug at i-kiss. Pero kahit gusto ko pa yon, baket di nako kinikilig sa kanya? Ang sad. Kase sya pa naman ang nakakatulong saken nung panahong lungkot lungkutan ako kay Beb.
So nabigla akong wala nang kilig. Or siguro pag nakasama ko sya ulet ng medyo matagal, hindi yung 10mins na parang wala lang. Baka kiligin ulet ako.